The CEO's Rival Bride
Para sa kanilang kompanya, si Shaniqua ay pumayag sa isang arranged marriage sa lalaking kanyang pinakakinaiinisan—si Elijah Dominique Falviom.
Kilala si Elijah Dominique bilang pinakabata ngunit successful na CEO sa buong Pilipinas.
Kilala rin siya because of his looks and being the top student sa kanilang paaralan.
Sa kabilang dako, si Shaniqua Vesper Aguincilló naman ay anak ng may-ari ng kompanyang palubog na sa utang.
At para maisalba ang kompanya, napilitan si Shaniqua na ikasal kay Elijah, ang kanyang academic rival sa parehong paaralan.
Matapos ang kanilang minadaling kasal ay nagkasundo silang magpanggap na sweet married couple sa harap lamang ng pamilya nila at pumayag naman si Shaniqua sa kasunduan na ito.
Pero paano kung sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang pagpapanggap na iyon ay naging katotohanan?
Unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa nang hindi nila namamalayan.