Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
After One Night, He Became My Boss

After One Night, He Became My Boss

Akala ni Elena ay handa na siyang umalis sa nakaraan matapos ang pagkakanulo ng kanyang pamilya at ang planong kasal na para lang sa kapatid niyang paborito. Sa isang gabing wasak ang puso at puno ng galit, nagpakalunod siya sa alak at sa yakap ng isang estrangherong lalaki-gabing akala niya'y mananatiling lihim magpakailanman. Pero hindi niya inaasahan na nakatakda na pala silang muling magkita. Ngayon, boss at sekretarya ni Enzo Monteverdi. Sa bawat titig na puno ng alaala at bawat sandaling sila lamang ang magkasama, unti-unting nabubuhay ang isang pagnanasa na hindi dapat maramdaman. Isang pag-ibig na kailangang itago. Isang lihim na maaaring sumira sa kanilang reputasyon, pamilya, at prinsipyo. Hanggang saan sila lalaban kung ang pagmamahal ay bawal... at ang mundo ay handang humusga?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Seduced By My Brother-in-law

Seduced By My Brother-in-law

Tagos sa kasalanan. Lunod sa tukso. Trixie Manalastas thought she had it all figured out—loyal assistant by day, quiet and composed by night. Pero nagbago ang lahat nang mapilitan siyang tumira sa iisang bubong kasama ng lalaking bawal niyang pagnasaan—ang brother-in-law niyang si Lance Dominic "Dom" Arriola. Tall, brooding, at laging naka-sando na parang kasalanan ang bawat muscle, si Dominic ang tipo ng lalaking tinitingnan mo lang dapat… pero hindi mo dapat hinahangaan. Lalo na’t kapatid siya ng fiancé mo. Pero paano kung sa bawat titig niya ay may banta ng tukso? Sa bawat sulyap, parang hinuhubaran ka na? Sa bawat gabing tahimik, may mga ungol na gustong kumawala? At paano kung isang gabing walang kuryente, sa ilalim ng init ng dilim, hindi mo na mapigilan ang sarili mo—at ang kasalanan ay hindi lang basta nangyari, kundi sinadya? This is not your typical love story. This is a tale of temptation, guilt, and a kind of pleasure na bawal pero hindi mo maitatangging gusto mo. Because sometimes… the one who ruins you, is the one you crave the most.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Pakipot na Mechanico

Ang Pakipot na Mechanico

Bumalik ako para mahalin ka,lahat kaya kong gawin para mahalin mo rin ako. Nararamdaman kong nagpapakipot ka lang,dahil sa nagawa kong pag-alis na walang paalam sayo.Pero nararamdaman kong mahal mo rin ako-Claire Montage Sebastian (Claire and Macky story) (Book 4)
Romance
108.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Getting Back Together

Getting Back Together

"Why are you here?" mahinahon kong tanong. "Can't we just forget what happened and fix our relationship!" Nanggigigil nyang sagot "Wow ha! After i saw you with my very own eyes, having sex with my sister? Well, fuck you!" I smiled bitterly. "I'm drunk okay! And i don't know what i do! Bakit kasi magkamukha kayo ng kapatid mo!" He shouted. "Lasing ka man o hindi, alam mo ang ginagawa mo! At hindi ko kasalanan kung magkamuka kami! Why don't you ask our parents! At saka .. kung talagang mahal mo ako .. naramdaman mong hindi ako yon." He looks guilty. Nagbaba sya ng tingin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Magkaiba naman siguro kami ng halik diba? Magkaiba kami!" Gigil kong saad. I want to punch his face. I want to hurt him so bad kasi sobrang sakit ng ginawa nila saken. "I'm sorry. Saktan mo ako kung gusto mo. Please, ayusin lang natin to" he pleaded. Lumayo ako ng distansya sa kanya. "It can't be fix by just saying sorry. At gusto kong malaman mo na mas masakit kasi .. bkt kapatid ko pa? Of all people, bakit sya pa!" Sigaw ko habang umiiyak. Lumuhod sya harapan ko. "Please hon .. just this once .. forgive me" Umiiyak na din sya Mas lalo akong nasasaktan sa nakikita ko, tumalikod ako at .. "Umalis kana. Hindi ako Diyos para luhuran"
Romance
1011.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Mayor Ishmael (SPG)

Mayor Ishmael (SPG)

Anim na taong gulang si Jae-young nang magkahiwalay sila ng kakambal niya dahil sa paghihiwalay ng kanilang ama’t ina. Si Jae-young De Paz, kasi ang isinama ng Itay niya dahil pinili ng Inay niya ang kakambal niyang si Jelay. After seventeen years, muli silang nagkatagpo na magkapatid dahil lang pala may pakay ang kakambal ni Jae-young sa kaniya. “Okay ka lang, Jelay? Uutusan mo akong magpanggap na mag-ina kami ng anak mo sa ama ng pamangkin ko na si Ishmael Martinez, kahit na ni hindi ko nga kilala ang lalaking sinasabi mo? Akala ko pa naman kaya mo ako pinahanap dahil gusto mong makasama mo ako bilang kapatid at kakambal mo.” “Sige na Jae. Ilang ulit na akong nagpakilala sa kaniya ngunit hindi siya naniwala sa ‘kin. Wala raw siyang maalalang may nangyari sa ‘min kaya paano raw kami nagkaanak.” “Jelay, mag-da-dalawang taon na ang pamangkin ko pero ngayon mo lang naisip ito?” “Isang taon na lang mawawala na ako sa mundo. Gusto ko bago ako mawala, kilalanin muna ang anak ko ni Ishmael Martinez—” “M-may sakit ka?” “Oo Jae. Please? Pumayag ka na. Ayaw kong maiwan na mag-isa ang anak ko.” “S-saan ko ba matatagpuan si Mayor Ishmael Martinez?”
Romance
1025.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire And The Island Girl

The Billionaire And The Island Girl

Si Kaelen Vireaux ay isang makapangyarihang bilyonaryo na kinatatakutan at hinahangaan sa mundo ng negosyo. Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay ay ang mga taong lihim na naghihintay ng kanyang pagbagsak. Isang gabi, matapos siyang ipagkanulo ng sarili niyang mga kasosyo at tangkaing patayin, nawalan siya ng malay sa gitna ng dagat. Nagising siya sa isang liblib na isla—walang alaala kung sino siya, kung saan siya nanggaling, o kung bakit siya naroon. Ang tanging taong tumulong sa kanya ay si Aelira Bloom, isang tahimik na island girl na namumuhay nang simple sa gitna ng isang maliit na hardin ng mga gulay at halaman. Kilala siya sa sitio bilang kakaiba, dahil tila may malalim siyang koneksyon sa kalikasan. Sa kanyang mga kamay, ang mga halaman ay mabilis tumubo, at ang mga baging ay tila gumagalaw na parang sumusunod sa kanyang kagustuhan. Habang tinutulungan ni Aelira si Kaelen na makabangon at matutong mamuhay muli, unti-unting nabubuo ang isang malalim na ugnayan sa pagitan nila. Sa gitna ng katahimikan ng isla at ng simpleng buhay na natagpuan niya roon, dahan-dahang nahuhulog ang puso ni Kaelen sa babaeng nagligtas sa kanya. Ngunit ang nakaraan ay hindi madaling takasan. Kapag bumalik ang kanyang mga alaala, babalik din ang mga taong nagtangkang pumatay sa kanya mga taong handang sirain ang lahat para sa kapangyarihan at kayamanan. At kapag nalaman nila kung nasaan siya, hindi lamang si Kaelen ang magiging target… kundi pati na rin ang babaeng nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Sa isang mundong puno ng pagtataksil at kasakiman, kaya ba nilang ipaglaban ang pag-ibig na umusbong sa isang tahimik na isla? O tuluyan itong mawawala, tulad ng mga lihim na tinatago ng dagat?
Romance
95 viewsOngoing
Read
Add to library
Awakened as the Billionaire's Wife

Awakened as the Billionaire's Wife

Isang trahedyang gabi ang nagtapos sa buhay ni Elena Marquez, isang babaeng nabuhay na puno ng pagsisisi at mga pangarap na hindi natupad. Sa kanyang huling hininga, iisa lamang ang hiling niya ang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga maling desisyon ng nakaraan. Ngunit ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ay higit na mas kumplikado kaysa sa inaasahan niya. Nagising si Elena sa katawan ni Aurelia Deveraux, ang asawa ng isang makapangyarihang bilyonaryong si Sebastian Deveraux. Ayon sa lahat, dalawang taon nang comatose si Aurelia matapos ang isang malubhang aksidente, kaya’t ang bigla nitong paggising ay itinuring na isang himala. Ngunit para kay Elena, ito ay isang bangungot na puno ng tanong at takot—sapagkat siya ay nabubuhay sa katawang hindi kanya, sa isang buhay na hindi niya pinili. Habang sinusubukan niyang umangkop sa marangyang mundo ng mga Deveraux, unti-unti niyang natutuklasan na ang aksidenteng naglagay kay Aurelia sa coma ay hindi isang simpleng trahedya. Sa likod ng mga ngiti at pakikiramay ay may mga taong may itinatagong ambisyon at lihim lalo na ang babaeng matagal nang nagnanais na mapalapit kay Sebastian. Sa kabila ng pagdududa at emosyonal na distansya, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang koneksyon sa pagitan ni Elena at ni Sebastian isang damdaming hindi batay sa alaala ng nakaraan, kundi sa taong unti-unti nilang nakikilala sa kasalukuyan. Ngunit hanggang kailan kayang itago ni Elena ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao? At kapag nalaman ni Sebastian ang lahat, pipiliin ba niya ang babaeng minahal niya sa alaala o ang kaluluwang minahal niya sa kasalukuyan? Isang kwento ng ikalawang buhay, lihim, at pag-ibig na susubok sa hangganan ng katawan, kaluluwa, at kapalaran.
Romance
153 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Ex: She's Back for Revenge

Billionaire's Ex: She's Back for Revenge

Midnight Ghost
“Walang iba doon, dahil ang totoo, mas importante yang kabit mo kaysa sa lahat ng bagay! You always put your mistress in the first line! Lola ko ang usapan dito, Harvey! She is literally your in-law kaya bakit hindi mo kayang bayaran ang mga tao sa presinto gayong ginagawa mo naman iyon tuwing kailangan ng kabit mo ang dugo ko?!” “I said don’t call her that—” “Why? Iyon naman talaga ang dapat itawag diyan sa babaeng 'yan, ah?! A fvcking mistress—” “Shut up!” Napatalon sa gulat si Jessa sa sigaw ni Harvey sa kanya. Jessa did everything to be a perfect wife to her husband, but even though she did everything, it still wasn’t enough because what mattered to her husband was his mistress. Jessa's pain fuels her strength to seek revenge.
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Pembalasan Pangeran Mata Iblis

Pembalasan Pangeran Mata Iblis

shennaartha
Lahir dengan mata kanan berwarna merah membuat orang-orang mengutuk dan menjuluki Mo Feng sebagai pembawa sial, titisan iblis, Sang Pangeran Mata Iblis! Terlebih di hari yang sama dengan hari kelahirannya itu, tragedi berdarah terjadi secara tiba-tiba! Monster iblis melakukan pembantaian di mana-mana! Ayah ibunya ikut mati, kerajaan porak-poranda, dan seluruh rakyat menderita. Mo Feng pun hidup nelangsa karena kebencian orang-orang kepadanya. Tidak sedikit orang yang berniat membunuhnya. Hal ini membuat Mo Feng bertekad untuk membuktikan pada dunia kalau dia bukan titisan iblis!
Pendekar
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Midnight Temptations

Midnight Temptations

MsDayDreamer99
Mula nang dumating nang walang anumang alaala mula sa party ng kanyang matalik na kaibigan, si Elise ay nagkakaroon ng kakaibang panaginip. Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging kakaiba ang kanyang mga panaghinip. Natatagpuan niya na lang ang sarili sa isang madilim na kwarto kasama ang isang napakagwapong estranghero. At bawat araw ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog dito. Subalit alam niya na ang kung ano mang namamagitan sa kanila ng estrangherong iyon ay hindi bahagi ng kanyang reyalidad. Hanggang sa nagpakita sa kaniya ang isang lalaking kamukhang-kamukha nito at bumago sa takbo ng kanyang buhay. Ngunit, ano ang misteryong bumabalot sa pagkatao nito? Ano ang mga lihim na pilit nitong itinatago sa kanya?
Paranormal
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1415161718
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status