THE BILLIONAIRE’S TOY

THE BILLIONAIRE’S TOY

last updateLast Updated : 2026-04-27
By:  Raindaja323Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Maverick Vijay Thalapathy - Akin ka lang, sapagkat ikaw ay aking laruan, na hindi pwedeng agawin ng iba o lawayan kahit si Diablo ng impiyerno Shavena Malasaga - Hindi mo ako pagmamay-ari. Tapos na ang kontrata ko sa'yo, Mister Thalapathy; wala akong pakialam diyan sa Diablo na sinabi mo. Hindi mo na ako laruan? Magunaw man ang mundo, hinding-hindi ako papayag na maging isang laruan mo. Mas gusto kong maging pulubi sa kalsada kaysa makasama kang muli. Isang pagkakamali ba ang pagbili ng pagkatao para lang sa mithiin mo? Makikita ba nila ang pag-ibig na sumibol sa maling pagbili at pagpayag?

View More

Chapter 1

ENCOUNTER

THE BILLIONAIRE'S TOY

Hindi ko alam kung bakit ako narito sa isang club sa BGC, Metro Manila. Pagmamay-ari ito ng kaibigan kong si Rama—isang kilalang playboy na walang ibang ginagawa sa buhay kundi mambabae.

Ilang oras na ako sa aming mesa, dahan-dahang humihigop ng paborito kong luxury whiskey na malapit ko nang maubos. Anyway, money is not my problem. Ako si Maverick Vijay Thalapathy, ang bilyonaryong binata na kilala sa loob at labas ng bansa. Iyan ang dahilan kung bakit lahat ay nahuhumaling sa akin.

Masyado akong pinalaki ng aking mga magulang na may kakaibang pagkatao. Isa akong Thalapathy na kinatatakutan sa larangan ng negosyo, kaya siguro nahihirapan ang iba na makibagay sa akin.

“Hey, Vijay! Narito ka para mag-enjoy, hindi para mag-isip tungkol sa mga negosyo mo,” puna ni Rama sa akin.

Masyado siyang workaholic, anang isipan ni Rama. Sa edad niyang ito, walang babaeng tumatagal sa kanya dahil sa ugali niya.

“Don’t mind me, Rama. Mag-enjoy lang kayo ni Piper, parang hindi naman kayo nasanay sa akin,” tugon ko sa kanya.

“That’s exactly what I mean! Ganyan ka na talaga kahit noon pa man. Ano bang bago, ‘di ba?” mayabang niyang sagot.

“Iyon naman pala, eh. Sige na, mag-enjoy na kayo roon! Hayaan niyo muna akong lasapin itong paborito kong alak.”

“Oh, men... Bahala ka nga riyan!” pagsuko ni Rama bago ako tuluyang iniwan.

Iyon naman ang gusto ko—ang mapag-isa. Magkaibigan kami pero magkaiba kami ng personalidad, at nirerespeto namin iyon. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng club. Hindi kalayuan, may natanaw akong isang babae na kakaiba ang dating. Ibang-iba siya sa mga tipikal na babaeng narito sa loob.

“Hmm, ang ganda niya kahit sa malayo,” bulong ko sa sarili. Isang ideya ang biglang pumasok sa isip ko. Bakit hindi ko subukan? Napangiti ako.

Shalavi’s POV

Narito ako sa isang club dahil isinama ako ng kaibigan kong si Merry. Kalalabas ko lang mula sa trabaho ko bilang isang saleslady. Hindi ako makatanggi dahil siya lang ang takbuhan ko rito sa Maynila.

Lumuwas ako mula sa probinsya para makatulong sa pamilya. Sinikap kong maging matatag, subalit kahit anong pilit kong mag-enjoy ngayon, hindi ko magawa. Tumawag si Nanay kahapon; ang lupa naming nakasangla ay kailangan nang matubos sa madaling panahon dahil nagkasakit si Tatay. Kung hindi namin ito matutubos ngayong taon mula sa kamag-anak naming nasa Amerika, re-rematahan na nila ito.

Paano na si Tatay? Alam kong may sentimental value ang lupang iyon sa kanya dahil iyon lang ang naiwan ng kanyang mga magulang.

Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera? Umabot na sa 1.8 milyon ang pagkakautang at hindi sapat ang sahod ko. Kahit mangutang ako sa SSS, kulang pa rin. Pagod na pagod na ako, pero hindi ako pwedeng sumuko. Sa edad kong bente-kwatro, wala pa akong nagiging karelasyon dahil sa hirap ng buhay.

The Encounter

Nagulat ako nang may lumapit sa aking lalaki. Halata sa tindig niya ang pagiging arogante at mayaman.

“Yes? Kasi tayo lang namang dalawa rito,” kabadong panimula ko.

“Pardon?” wika niya, tila nagtataka sa sagot ko.

“Actually, kanina pa kita pinagmamasdan. Mukhang wala ka sa mood para mag-enjoy. Pasensya na,” saad niya na may halong awtoridad.

“Wala lang ito, sanay lang ako sa ganito kapag isinasama ako ng kaibigan ko,” mahina kong tugon.

“Hmm... I’m not a mind reader, pero nababasa ko sa iyong mga mata na may problema ka. Baka makatulong ako? Anyway, I’m Maverick Vijay Thalapathy,” wika niya sabay lahad ng kanyang kamay.

“Shalavi Malasaga. Nice to meet you, Vi,” sagot ko habang tinatanggap ang kamay niya.

Bakit ang lambot ng kanyang palad at ang init? Kay sarap hawakan, anang isip ko.

“Nice name,” wika ni Vijay sabay lunok ng laway. Ganda ng kanyang mga mata kahit malalim siyang tumingin. Dahil sa suot niyang mamahaling corporate attire, alam kong tinitingala siya sa lipunan.

“I know may dinadala kang mabigat na problema. I have a proposal for you,” diretsang sabi niya. “If you don’t mind, 5 million ang offer ko. Pwede mong makuha agad kung papayag ka sa gusto ko.”

Napamangha ako. Hindi ko akalain na may pakay siya sa akin. “What do you mean?”

“Five million. Kung hindi pa sapat, tell me!” wika niya habang nakatitig sa aking mukha.

“Anong kapalit?” mabilis kong tanong.

“Be my toy. Ako lang ang nakakaalam kung ano ang plano ko sa iyo. Anim na buwan ang kontrata natin; bukas ko ibibigay ang mga papeles.”

Halos hindi ako makahinga. Kapag pumayag ako, matutubos namin ang lupa, maipapaayos ang bahay, at makakaipon pa ako para sa pangarap kong mag-Amerika.

“Pwedeng... bigyan mo muna ako ng ilang araw para makapag-isip?” tanong ko nang may pag-aalinlangan.

“Okay. But give me your contact number para malaman ko ang sagot mo.”

Kinuha ko ang phone ko at ibinigay ang numero ko. Dinial niya ito agad. “That’s my number. Save it para alam mo kung ako ang tumatawag. Got it?”

“Ang bossy naman,” bulong ko. Sinave ko ang number niya sa pangalang “My Bossy Vijay.”

“Papasok na ako sa loob. Hindi ka ba sasabay?” tanong ko sa kanya.

“Mauna ka na, baka may makakita sa atin. Alam kong kilala ka sa lipunan, ayaw kong maging sentro ng usap-usapan,” paliwanag ko.

“Subalit kailangan mong masanay, Shalavi... kung papayag ka sa alok ko,” tugon niya.

“Ayaw ko ng spotlight, Vijay. Sana maunawaan mo.”

Vijay’s POV

Shit. Bakit kay sarap pakinggan ang pagtawag niya sa pangalan ko? Napapikit ako at nilunok ang sariling laway.

“Okay.” Lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang niyakap para mag-beso. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

“Vijay...” mahina niyang tawag sa akin. Nagulat siya pero niyakap niya rin ako pabalik.

“Mauna na ako,” wika ko nang may ngisi.

Pagbalik ko sa aming mesa, sinalubong ako ng mapanuring tingin ng aking mga kaibigan.

“Where have you been?” tanong ni Piper.

“I think may nakita siyang chick,” kantiyaw naman ni Ervick.

“Kailan pa kayo naging imbestigador? Mind your own business, dudes,” matigas kong tugon.

Tumawag ako ng waiter at nag-order ng paborito kong Klage. Habang sinisimsim ko ang alak, nakatingin ako sa table ni Shalavi. Naroon siya, umiinom lang ng pineapple juice. Hindi ko ipinahalata sa mga kasama ko na siya ang tinitingnan ko.

Kaya pala hindi ako makatanggi kanina sa aya nila, dahil dito ko pala makikita ang magiging “laruan” ko. Excited na akong makuha siya. Alam kong papayag siya; malaki ang offer ko at halatang kailangan niya ito.

Nang mag-yaya nang umuwi si Rama dahil darating ang Daddy niya bukas, agad ko siyang pinadalhan ng mensahe. Nang nasa bahay na ako, habang nakahiga, hinanap ko ang pangalan niya sa social media at agad ko naman itong nahanap.

Nakita ko ang mga selfie niya—may mga litratong naka-nguso siya na tila nang-aakit ng halik. I feel weird. Bakit masyado akong nag-iinteres sa kanya?

Sana ay tanggapin niya ang alok ko. In six months, hindi na siya lugi; pwede pa siyang mag-demand kung nais niya. Ako ang magiging una sa lahat, kaya masarap siyang maging laruan. Mas maganda kung ang magiging titulo niya ay... ‘THE BILLIONAIRE’S TOY.’

Ngumisi ako habang dahan-dahang ipinipikit ang aking mga mata.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status