POSSESSED BY THE DON
Sa gitna ng isang malamig at maka pangyarihang mansion, pumasok si Ysabel Aragon isang babaeng hindi lang basta nanny, kundi si Vivienne Calista Montclair, na nagbago ng pagkakakilanlan upang makapasok sa mundo ng mga Whitmore.
Ang tunay niyang pakay ay hindi trabaho, kundi isang lihim na misyon ang makalapit kay Aurelius Whitmore, ang kinatatakutang Don na posibleng may kinalaman sa pagkawala ng kanyang ina.
Ang trahedyang iyon ang nagbago sa buong buhay niya, kaya sa likod ng bagong pangalan at bagong katauhan, matagal niyang pinagplanuhan ang bawat hakbang para makapasok sa buhay ng lalaking kinamumuhian niya.
Sa mata ng lahat, isa lamang siyang simpleng nanny, pero sa likod nito ay isang babaeng puno ng galit, sakit, at matinding paghahanap ng katotohanan. Ngunit sa pagpasok niya sa mansion ng mga Whitmore, hindi niya inaasahang may batang si Isabella na unti-unting babago sa direksyon ng kanyang misyon.
Sa halip na malamig at magulong kapaligiran, nakita niya ang isang inosenteng bata na dahan-dahang nagbubukas ng pinto ng tiwala at emosyon na matagal nang nakasara sa kanya. Habang mas lumalalim ang koneksyon ni Ysabel kay Isabella, mas nagiging komplikado rin ang kanyang misyon dahil unti-unti siyang nahihila sa misteryosong si Aurelius.
Isang lalaking puno ng kapangyarihan, panganib, at madilim na nakaraan-na sa bawat titig ay unti-unting sumisira sa matitibay niyang depensa. Sa pagitan ng paghihiganti, lihim na pagkakakilanlan, at unti-unting pagkapit ng damdamin, nagiging mas magulo ang lahat.
Hanggang saan niya kayang panindigan ang kanyang misyon kung ang puso niya mismo ang unti-unting kumakalaban dito? At sa mundong puno ng kasinungalingan at kapangyarihan... sino nga ba ang tunay na kalaban ang Don o ang sariling damdamin niya?