Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Good Wife

The Good Wife

I wanted him. I needed him. I adored him. I loved him. But. He never wanted me. He never needed me. He never adored me. and the most heartbreaking part is, he never loved me. Sa puso ni Yanah ay walang ibang laman kundi si Ashton lamang. Ginawa na rin niya ang lahat para mapaamo niya ang kanyang asawa. Ngunit kahit gaano pa sya kabuti rito ay hindi pa rin nito kayang ibigay ang puso sa kanya. Ngunit paano kung ang madilim na nakaraan ng dalaga ay pilit na bumabalik sa kanya? At paano kung ang lalaking kanyang tinatangi ay may iba ding iniibig? A/N: This is my first time writing a story, so if there are grammatical errors and chapters that are slightly childish, ay pagpasensyahan niyo na po . This is an original story written by me, enjoy ️
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apelidong Montalvo. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang isang katulad ni Simoun Montalvo ay nanatiling nakakulong sa nakaraan na pilit nitong kinakalimutan. Simula ng mabigo ito sa unang pag-ibig ay hindi na ito nagtiwala sa mga babae... at ang gusto na lang nitong gawin ay ang paglaruan ang mga ito. Hanggang sa nakilala nito ang isa sa mga flight attendant nito sa sarili nitong Airline Company, si Samantha Gomez. Isa itong magaling at professional na emplayado. Lingid sa kaalam nito ay lihim na nagbighani si Simoun sa akin nitong ganda at karisma. Pero katulad ni Simoun ay hindi rin ito naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig matapos itong iwan ng mga magulang at maging produkto ng isang broken family. Magtatagumpay kaya si kupido na pagsamahin ang dalawang tao na parehong walang tiwala sa pag-ibig? Abangan...
Romance
1011.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Evenfall

The Evenfall

Nabulag si Czarina sa isang malagim na aksidente. Dahil dito ay lumayo ang loob n'ya sa lahat. Ang dating masiyahin at palatawang si Czarina ay naging tahimik at mailap. Imbes na mawalan ng pag-asa ay hindi siya sumuko at nilabanan ang hamon ng buhay, kasama ng mga magulang na sumusuporta sa kanya. Pinangako rin n'ya sa sarili na kapag nakakita ay hahanapin ang taong sangkot kung bakit siya bulag ngayon. Subalit ang tila kuntento na niyang buhay ay napalitan ng sakit at dalamhati nang sabay na mamatay ang mga magulang sa parehong aksidente. Czarina was left alone in the dark. Tila binagsakan siya ng langit at lupa dahil sa pangyayaring iyon. Hindi rin n'ya alam kung paano magsisimula muli. Ngunit isang araw ay nagpakilala sa kanya si Attorney. Mauricio De Cardenas. Siya raw ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang Ama. Pati na rin sa mga naiwan nitong ari-arian. Kaya ganoon na lamang ang pagdududa n'ya sa taong ito, lalo pa't ibinilin siya dito ng kaniyang Ama bilang maging legal guardian n'ya. Labag man sa loob ang naging desisyon ng Ama ay wala siyang nagawa. Hindi man magkasundo at parang aso't pusa ay tila nakadikit na sa kanya ang amoy nito. He always make her feel uncomfortable whenever he's around. Her heart was unexpectedly thumping hard against her chest everytime she hears his soft voice and smell his sweet scent. How can Czarina resist his charm. Kung sa umpisa palang ay binihag na nito ang natutulog niyang puso? Paano kung sa pagbabalik ng kaniyang paningin ay tumambad sa kanya ang isang katotohang si Mauricio ang dahilan kung bakit siya nabulag? Kaya ba niyang tanggapin ang sakit at kalimutan ang pangakong paghihiganti para sa tinatawag na pag-ibig?
Romance
1032.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Heartaches

Heartaches

Blood
Naranasan mo na bang magtiwala sa isang tao? Iyong tipo na akala mo ay hindi ka niya magagawang lokohin at saktan? Ysabelle isang 3rd year college student. Maganda, mabait, matalino at galing sa mayaman na pamilya pero kahit gano'n pa man ay hindi niya ginagamit 'yon para makalamang sa kapwa. Isang araw ay susubukin ang kanyang buhay dahil sa isang trahedya. Paano kung ang inaakala mong totoo sayo ay siya pala ang dahilan kung bakit muntik ka ng mamatay? May lugar pa ba sa puso mo ang kapatawaran?
Romance
915 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I Want You Back (TAGALOG)

I Want You Back (TAGALOG)

Zam
A couple for almost three years broke up just because of some kind of misunderstanding. Even though they still loved each other, there is this uncertain feeling they doubt each other. Minsan ay nakasasama sa atin ang maling akala-akala mo ay wala na siyang nararamdaman sa'yo. Akala mo ay ayaw na ng lahat sa'yo. Akala mo ay wala na silang pakialam sa sarili mo. Puro na lang 'akala ko'. You want him back. You want her back. But the question is, will you listen to your own heart? Or will you listen to your mind which gives you the craziest imagination you ever expected?
YA/TEEN
104.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

My Ex-Boyfriend's Comeback (FILIPINO)

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi niya na nakuhang ipaalam sa nobyo na siya'y nagdadalang-tao. Sa paglipas ng anim na taon, muling pagtatagpuin ang landas nila. Ngunit kagaya ng ipinangako ni Sydney sa sarili, ay hinding-hindi na siya kailanman magpapa-apekto sa dating kasintahan na nanakit at nanloko sa kanya. Ngunit gano'n pa man, ay hindi niya habambuhay na maitatago sa anak kung sino ang ama nito, sa kadahilanang unti-unti na itong nagtatanong sa kanya.
Romance
9.656.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
A Day In Las Casas ( FILIPINO)

A Day In Las Casas ( FILIPINO)

Maecici
Si Ruby ay isang babaeng nagmula sa 21'st Century na isang araw ay nagising nalang sa taong 1864 sa katauhan ni Luna, ang nag-iisang anak ng isa sa pinakamayang pamilya sa Candaba,Pampanga sa panahon na iyon. Nung una, akala niya ay nasa ibang mundo lamang siya. Naniniwala kasi siyang 'Parallel World" exist. Ngunit nalaman niyang hindi siya napunta sa ibang mundo sa halip ay nagbalik lamang siya sa nakaraan niyang buhay upang baguhin ang malasimuot nitong kasaysayan. Magagawa niya bang baguhin ito? O mabibigyang katotohanan ang sinasabi nilang 'history repeats itself' ?
93.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BEYOND HER DESIRE

BEYOND HER DESIRE

Tearsilyne
Dahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang unibersidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Isa itong high-class university sa buong bansa ngunit mas gugustuhin pa niyang mag-aral sa ibang university huwag lamang dito. Gustuhin man niyang magback-out ngunit wala na siyang ibang pagpipilian sapagkat pasukan narin sa susunod na linggo at ang unibersidad lamang na ito ang tumaggap sa kanya. Labis pa niyang ipinagtaka na sa dami ng unibersidad na pinag-applyan niya ay wala ni isa sa mga ito ang nag-email sa kanya upang magbigay ng feedback. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang mga magulang, ay wala na silang magagawa sapagkat isa sa mga batas dito ay hindi na pwedeng mag-back out ang mga natanggap sa enrollment. Kung hindi ay mas lalong malalagay sa alanganin ang kanilang buhay. Sa unang tapak pa lamang niya sa Shioma University ay hindi niya lubos maisip na may isang lalakeng makakapasok sa kanyang dorm. Ang lalakeng mas lalong magpapagulo sa kanyang buhay. "I won't let anyone to see your precious body, babe. No one or I'll not hesitate to kill them."
Romance
105.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Casanova's Contracted Wife

The Casanova's Contracted Wife

Ikakasal na dapat si Alexandra sa nobyo niyang isang half chinese na si Triton Chu. Handa silang suwayin ang lahat maging ang mommy ni Triton na hindi boto sa kanya. Pero isang gabing naimbitahan siya sa isang party sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay hindi niya ito pinalampas. Pero hindi niya inakala na iyon pa la ang magdadala sa kanya sa papunta kay Zachary Luthman, isang appointed CEO ng kanilang construction company- kilala bilang casanova. Lahat ng babae ay nakukuha niya sa alindog at kaguwapuhan niya. Gawa ng labis na kalasingan ay namali ng kuwartong pinagpahingahan si Alexandra at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalo niya sa isang mainit na gabi si Zachary. Sa kahihiyan kinabukasan ay halos gumuho ang mundo ni Alexandra. Wala siyang kaalam-alam kung sino ang nakasalo niya sa kama. Wala na siyang mukhang maihaharap sa nobyo niya. Pero paano kung ang kasalanang iyon ang maglalayo pa la sa kan'ya sa maling tao? Paano kung sa muling pagtatagpo nila ni Zachary ay makilala niya kung sino talaga ang isang Zachary Luthman? Mahulog kaya siya sa babaerong si Zach? Gayong dahil sa kasalanang iyon ay napagkasunduang ipakasal silang dalawa?
Romance
9.939.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2021222324
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status