Accidentally Yours, Mr. CEO!
"Ouch, ang sakit ng ulo ko," daing ko habang hawak ito. Para itong binibiyak sa sobrang sakit. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at umupo. "Teka, nasaan ako?" Ang huli kong natatandaan ay nasa bar ako at nagpapakalasing upang makalimot. Niloko kasi ako ng long time boyfriend ko pagkatapos ng tatlong taon naming relasyon. At para panandalian makalimutan ang sakit ay nagpasya akong magpunta sa bar para aliwin ang sarili ko.
Napasinghap ako sa gulat ng mapagtanto ko na wala akong saplot.
"Bakit nakahubad ako?!" Bulalas ko habang kipkip ang katawan ko ng kumot. Wala akong suot na bra, kahit panty ay wala, ang nakakabahala ay masakit pa ang gitna ko... palatandaan na may nangyari na hindi dapat.
Nanigas ako ng maramdaman na may gumalaw sa tabi ko. "Oh no..." Ayokong lumingon dahil kinakabahan ako. Pero kailangan kong kumirmahin ang hinala ko, kaya dahan-dahan akong lumingon. Umawang ang labi ko sa gulat ng makita ang huling tao na naisip kong makikita ko.
S-si Sir Elijah, ang CEO at boss ko! May nangyari sa aming dalawa!
Ang unexpected sex naming dalawa ay nauwi sa kontrata ng kasal at sa loob ng isang taon ay pag aari niya ako.