My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)
Friday morning, maaga akong nakapasok si Noah na daw ang maghahatid kay Angel, kaya maaga akong pumasok, nagpunta ako ng coffee shop para bumili ng kape bago umakyat ng office, nakapila ako ng may kumalabit sa akin, aba'y apat na gwapo ang nasa likuran ko, ang Agoncillo boys.
"Good morning mga sir" bati ko sa mga ito, "Good morning too Florence" balik na bati nila, napatingin ako sa relo ko wala pang 7:30 nandito na silang magkakapatid.
"Aga namin no?" natatawang sabi ni Austin, napatango naman ako at tipid na ngumiti.
"Maaga kasi kami aalis later for Zyline's birthday party" pagpapaliwanag ni Axel sa akin, napa ah at napatango lang ako.
Bab Populer