공유

Tres

작가: vhans
last update 게시일: 2023-07-03 14:50:34

"Kasalanan ko ito e, kung di ako nagkasakit di sana natin maisasangla ang bahay at lupa natin" sabi ng lolo ko at naiiyak ito.

"Lolo, that's not true, wag niyo na pong isipin ang lahat, gagawan ko po ng paraan para mabawi ito lupa't bahay natin" sagot ko dito at hinalikan sa ulo at ngumiti ako dito.

"Pasensiya ka na apo at wala kaming maitulong sayo" sabi ng lola ko, umiling ako dito at niyakap.

"Yung presence niyo lang tatlo, okay na sa akin yun yung nagpapalakas ng loob ko" sabi ko dito at ngumiti sa mga ito.

"Wag na po kayong mag isip pa nang kung ano, ako na pong bahala" sagot ko mga ito, kumadong naman si Angel sa akin kaya hinalikan ko ito, they are my streght.

Nakatingin ako kay Angel natutulog ito sa tabi ko, hinawakan ko ang mukha niya, ang amo ng mukha nito, gusto kong mabigyan ng maginhawang buhay ang pamangkin ko, mahal na mahal ko ito na parang sarili kong anak, magtatrabaho siya para mabigyan ko siya ng maayos na buhay.

Naalala ko ang kapatid at tatay ko, sa mga gantong panahon ko namimiss ang mga ito, naiyak na lang ako, alam ko matagal na silang wala pero kapag naalala ko di ko pa din maiwasang umiyak. Pero kailangan kong maging matatag para kina lolo't lola at Angel.

"Hello sir" sagot ko naalimpungatan ako dahil six thirty pa lang ng umaga tumatawag na ito, " I can go to office today, bring all the documents that I need to sign and read in house" sabi nito sa akin.

"O-okay sir" sagot ko dito, s***a ang aga aga naman stress na naman ako, kailangan bang six thirty ng umaga siya tumawag jusko. binaba na nito ang tawag, "Nakakagigil ka" sigaw ko at pinagsusuntok ko yung pobreng unan iniimage ko na si grumpy monster yung binubugbog ko.

"Hay kainis" matapos ko bugbugin yung unan tumayo na lang ako, baka pag bumalik pa ako ng tulog ma-late ako bugahan pa ako ng apoy nun.

Nagluto ako ng agahan para sa lolo't lola at Angel para pagkagising nila may almusal na, maaga din ang pumasok para ayusin ang mga papers na pipirmahan rereviewhin nito.

Alas otso medya nasa tapat na ako na bahay nila nakatayo ako sa labas ng gate nila at nakailang buntong hininga bago ako nagdoorbell nasa isang exclusive subdivision ang bahay nila puro mayayaman ang mga nakatira dito. Ang dami kong dala, pati laptop at tablet dala ko, baka di naman mapirmahan agad, alam ko na kung gaano kabusisi itong boss ko.

Isang kasambahay ang nag open ng gate para sa akin, ito ang unang beses na nakapunta ako dito, nun si Ma'am Agnes pa ang boss ko di ako ang nagdadala ng papers niya kung hindi man ito makakapunta ng opisina, pinapapick up niya sa driver para daw di na ako maabala, pero tong grumpy monster na to ako pa talaga ang pinapunta.

"Hello po, I'm Florence, executive secretary ni Sir Aries" pagpapakilala ko dito, "Ay hello Florence, oo nasabi na ni Sir Aries sa amin na dadating ka, pasok" sabi ng may edad na babae siguro ay nasa fiftees na ito. Inikot ko ang mata ko sa bahay nila, napakalaki ng bahay, nagkakakitaan pa ba sila.

"Halika Florence nandito si Sir Aries sa study room niya" sabi nito umakyat kami at tumapat sa isang pinto, napabuntong hininga ako nun kumatok yung kasambahay nila. "Aries nandito na si Florence" sabi nito, pumasok naman ako. 

"G-good morning sir" sabi ko dito, s***a bakit ako nauutal nakapamabahay lang ito naka white T-shirt lang ito "This is the document that you need to sign and this are the papers that you need to review" sabi ko dito at abot ng mga folders na may mga lamang papeles.

"I'll just wait outside sir" sabi ko dito di ko kayang makasama sa isang room ito, baka masakal ko, "Wait" sabi nito at may dinail sa telephone. "Nanay punta ka po muna dito sa study room ko" sabi nito nakatingin lang ako, ang gwapo kahit simpleng white T-shirt lang ang suot nito, masungit pa din kontra ko sa isip ko.

Pumasok muli yung nag assist sa akin kanina, "Nay, please assist her another study room" sab nito sa matanda, tumango lang ito, "Halika na hija" sabi nito sa akin tumango lang ako dito, "I will call you na lang kung tapos ko na itong mga papers" sabi nito sa akin, napaalam lang ako at lumabas na.  

"Dito ka muna mag stay Florence, may kailangan ka ba?" tanong nito sa akin, "Naku wala po, ayos lang ako" sagot ko dito.

"O siya maiwan muna kita ha, dial 121 dito sa telephone kung may kailangan ka sa akin" sabi nito tumango at ngumiti lang ako dito.

Naiwan ako mag isa sa kwarto, nilabas ko yung laptop ko, alam ko na matatagalan ako dito, kaya kesa tumunganga dinala ko to para magawa ko ang ibang trabaho ko, naupo na ako at nagsimulang magtrabaho. Nagtataka ako kung ano meron at di siya pumasok sa opisina ngayon, kahapon pinacancel niya lahat ng schedule niya.

May kumatok si Nanay pala " Dinalhan kita ng makakain at inumin" nakangiting sabi nito sa akin, lumapit ako inabot ang dala dalang tray na may isang slice na cake, juice at isang basong tubig.

"Salamat po, nag abala pa kayo" sabi ko dito at ngumiti, "Ay naku baka mamaya pa matapos si Aries, baka magutom ka" sabi nito, "Mamayang taghalian ay samahan mo kami" dagdag pa nito sa akin tumango lang ako dito, bumalik sa ginagawa ko sa dami ng ginagawa ko e di napansin na magtatanghalian na.

Saktong twelve may umakyat para ayain akong kumain, isa sa mga kasambahay ang nag guide sa akin papunta sa dining area ng bahay, nagulat ako dahil unang una nandun si Sir Aries, pero hindi lang siya nandun lahat ang buong Agoncillo mula sa mag asawang Agoncillo at ang limang anak nito mula sa panganay at bunsong anak, s***a para gusto kong tumakbo palayo, never akong kumain sa same table with them kahit nun kay Ma'am Agnes pa ako nagtatrabaho, di naman sa binabawalan ako, pero nakakahiya they are my big bosses at feeling ko wala akong K para makishare ng table sa kanila.

"Florence come here, let's eat" pag aaya ni Ma'am Agnes sa akin.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Otsenta'y Nuebe

    Di ko alam if nababaliw na ako or what, tama ba ang narinig ko, nakatitig lang ako sa kanya."Ha, pakiulit" yun ang lumabas sa bibig ko, nakita ko ang pagpipigil ng ngiti niya."I'm in love with, Florence" pagkakaulit nito at matamang nakatingin sa akin, "You don't need to answer, but if you reject me please be more gentle" dagdag pa nito, at naglayo ng tingin.Sira ba ulo nito sinong irereject, e gustong gusto ko nga siya."I feel the same way, Sir Aries" ang lumabas sa bibig ko pakiramdam ko ay nanginginig ang baba ko.Nanlaki ang mata nito at tumingin ulit sa akin, "You mean, you like me too?" tanong nito sa akin."No, I'm in love with you" sabi ko dito, I am teary eye now, I want to cry, right now jusko totoo ba to, hindi to joke time no, hindi prank, we feel the same way.He cupped my face and look straight to my eyes, di ko napigil ang emosyon ko, I start crying."Hey, why are you crying?" natatarantang tanong nito sa akin agad naman niyang pinunasan ang mga luha ko."I'm just o

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Otsenta'y Otso

    Nakasanay kami sa elevator kasama ko ang Agoncillo boys, at ilang employee, alam na alam na kinikilig yung iba, aba naman apat ng gwapo ba naman ang kasabay namin.Akala ko ay bababa na si Axel dahil dito na ang floor niya pero hindi, kaya napatingin ako dito."May pag uusapan kami" nangiting sagot nito sa akin kaya napatango. ako dito, at ngumiti din.Akala ko ay hanggang 10th Floor kami lang ni Aries pero lima kami, di ko nasolo yung boss ko, joke!Pagdating ng floor ay agad agad silang pumasok sa office ni Aries, di na ako sumunod dahil mukhang importante dahil ang aga ng meeting nilang apat na magkakakapatid.Inaayos ko lang ang mga documents at ang report today, napalingon ako sa pinto ng boss ko mukhang importante dahil halos mag thirty minutes na asilang apat dun.Nagdadalawang isip ako if kakatukin ko sila para mag offer ng kape or what."I want coffee" bulong ko sa sarili ko at yun naman bukas ng pinto ng office ni Aries, kaya naman ay napalingon ako.Sunod sunod na lumabas

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Otsenta'y Siete

    "Po, ako hmm, di ko pa alam" sabi ko dito at napakamot pa sa ulo. "I don't have any ideas about that" dagdag ko pa dito.Napalingon ako sa boss ko nakatingin lang ito sa akin, kaya yung tingin ko dito na tinatanong ko kung anong trip niya."Let's go home" pag aaya nito sa akin at naglakad papuntang sasakyan niya, kaya napasunod na lang din ako dito.Asual I am the yapper at siyang ang listener, infairness naman dito sa boss ko talagang nakikinig siya sa mga ebas ko no, pati ata yung manok ng kapit bahay namin nachika ko na sa kanya."Di na po ba kayo papasok?" tanong ko dito nakatingin ako sa kanya nakalabas na ako ng kotse nito, "No, next time na gabi na din para makapagpahinga ka na" sabi nito, tumango na lang ako dito, pinapasok pa niya ako ng gate ng bahay namin bago umalis, gentleman talaga tong si Aries, may pagka grumpy monster lang pero gentleman."Hello Noah" bati ko dito na nakaupo sa sala at may binubutingting sa cellphone niya, "Hello ate" balik na bati nito sa akin."Nasa

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Author's Note Again 🥹😅

    Hello everyone! sorry for being MIA. Just focus on my mental health lately, at may writers block din. I will be back maybe this September or late September. Thank you for loving Aries and Florence. Balik ako soon promise, wag na kayo magalit, hahaha👉👈✌️🥹

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Otsenta'y Sais

    Biglang nag init ang mukha ko sa sinabi niya, kinilig ko ay bakit namiss ako ng boss ko, sino ka dyan.Nag iwas ako ng tingin at narinig ko ang mahinang tawa mula dito."La-labas na ko sir" paalam ko dito kaya nagmamadali akong lumabas.Napangiti ako ng bumalik ako sa pwesto, ito naman boss ko kung ano ano naman ang sinasabi, naku aasa naman ako niyan.Pagdating ng lunch nasa meeting kami with Sir Benj, they are busy talking I'm in the side tulala, aba'y nakakaantok kaya pag busog."Hija are you awake?" natatawang tanong ni Sir Benj sa akin, kasi halata atang inaantok ako."Okay lang po ako sir" nakangiti sagot ko dito, napalingon din ako sa bossing ko, nakakunot ang noo nito habang nakamasid sa akin."You okay?" tanong niya sa akin, tumango lang ako at ngumiti dito, ilang segundo ito nakatitig sa akin."Ehem" kunwari'y ubo ni Sir Benj, napalingon kami dalawa sa kanya, isang malaking ngiti ang ibinigay nito sa amin, pati si Xian na assistant niya ay pangiti ngiti lang sa gedli."You c

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Otsenta'y Cinco

    "Sir" sabi ko dito ng salubungin ko ito sa tapat ng pinto, may dala itong mga prutas."How are you?" tanong nito sa akin, titig na titig pa sa mukha ko."Okay, okay lang po" sabi ko dito at sinuot ang face mask ko, "Aries" bati ng lolo at lola ko."Good afternoon po" bati nito at lumapit para mag mano ang mga ito."For you" bigay nito sa basket ng fruits, agad ko naman itong inabot."Thank you sir, nag abala pa po kayo" nahihiyang sabi ko dito."No worries, are you okay na?" tanong nito sa akin, tumango lang ako, "Yes po, makapasok na po ako next week" nakangiting sagot ko dito.Ngumiti lang ito, "Kumain na po kayo?" tanong ko dito, "I'm good Florence, no need to worry" sagot nito sa akin.Naupo ako sa tapat nito, umiiwas akong tumabi at mahawaan ko pa ito."You, did you eat?" tanong nito, tumango lang ako, "Ay oo hijo, dinalhan kami ng ninang niya ng pagkain dahil nasa trabaho pa si Noah" sagot ng lola ko dito."Si Noah ang cook namin" nakangiting sagot ko dito, "Bumalik na yung kula

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Dos

    Naupo kami ni Kuya Marlon mga tatlong table mula sa kanila, ayoko naman makinig sa pinaguusapan namin, I'm sure it's s to personal, but I don't freakig care lalo na dun sa babae mukhang maldita. Umorder lang kami ng kakainin namin ni Kuya Marlon, agad naman kaming natapos baka bigla kaming tawagin

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Sais

    Nagulat ako sa sinabi ni Aries "Yown o, smooth" sabi ni Austin dito, "Don't believe in him Florence" dagdag pa nito, natawa ako ng mapakla, pero nag init yung mukha ko sa sinabi nito, jusko kumalma ka Florence Agustin, di ka pwedeng magka crush sa monster. "Austin, stay away from her, magagalit si

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Cinco

    "Are you okay?" tanong nilang magkapatid sa akin, "I'm okay Sir Austin" ng balak pang lumapit sa akin, "Are you really okay" tanong muli nito sa akin, tumango lang ako dito. "Get out now, Austin" madilim ang mukha ni Sir Aries sabi nito may crumpled na papel sa table nito at binato sa kapatid, tata

  • My Grumpy Boss ( The Agoncillo Series)   Kwatro

    Pinaghila ako ng upuan ng isa sa kasambahay, feeling ko naistatwa ako, first time kong makikita ang buong Agoncillo ng buo at fresh and flesh, nakikita ko naman pero hindi ganto kompleto sila, ngayon ko lang nakita si Austin Agoncillo. "Florence, sit down" sabi ni Sir Aries dun lang ako nagising n

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status