The Queen Warrior
Hindi rin gawa-gawa ang mga narinig niya kay Heather, at mga senyales na nakikita niya sa ibang tao.
Isa siyang Jelrio at nagmula siya sa angkan ng Royal family. Si Xian, isang Sandevil. Maaaring alam nito ang tunay niyang pagkatao kaya nagdesisyon itong lumapit sa kaniya. Bukod sa kaniyang Ina, si Xian lang ang nakakaalam sa totoo niyang pangalan. Malakas ang kutob niyang gusto siyang patayin ni Xian dahil isa siyang Jelrio. Hindi ang paglakas ng pisikal niyang katawan ang gusto nitong mangyari sa paghahanap ng mga lunas, dahil gusto nitong mapahamak siya sa mga nakaabang na panganib. Dalawang bagay ang gusto nitong mangyari, makuha ang mga lunas at ang kamatayan niya.
“Magbabayad ka, Xian!
Hot Chapters