THE BLIND HITMAN (SPG)
WARNING: THIS STORY MAY CONTAIN SEXUAL AND STEAMY ACTIONS, FRAUDULENT AND CRIMINAL ACTS, FOUL WORDS AND OTHER ILLEGAL DOINGS. VIEWER DISCRETION IS ADVISED.
Dahil sa isang engkwentrong naganap sa kanilang delikadong misyon ay nabulag si Ramiro Castillejo at siya’y inalis sa Black Underground Organization. He worked alone, he became an outcast. Sa kanyang galing sa pagiging assassin ay nabansagan siyang “The Blind Hitman” ng mga taong nakakakilala sa kanya ngunit meron siyang isang napakalaking problema, iyon ay ang organization na binalikan siya at ngayon ay nakikita siya bilang isang kaaway at isang malaking banta na dapat ng patahimikin at iligpit. Dahil sa pagbabanta ng organization sa kanyang buhay ay natagpuan niya ang sarili sa isa sa mga malalaki at maiimpluwensyang crime family sa Pilipinas, iyon ay ang Casa Clemente at ang tumatayong Don ay ang matalik niyang kaibigan na si Aarav Clemente. Pinangakuan siya nito ang kayamanan at proteksyon sa isang kundisyon, iyon ay ang patayin ang kalabang crime family ng mga Clemente, ang mga Fortez at ang main target nito si Don Octavio Fortez. Handa na sana siyang patayin ito at gawin ang pinapatrabaho ni Aarav ngunit isang babae ang sisira ng mga plano niya. Si Eleizha Fortez na nag iisang anak ni Don Octavio. Eleizha is smart, fun, sweet and a cheerful lady at hindi niya akalaing anak ito ng mafia boss dahil mabait ito at mapagmahal. Nagustuhan at tinanggap siya ni Eleizha sa kabila ng kanyang kapansanan at ngayon lamang siya nakaramdam ng ganon sa tanang buhay niya. Magawa niya pa kayang patayin ang tatay nito kung may espesyal na puwang na sa puso niya ang dalaga?