FAITH'S POVBAGSAK si Matteo matapos ang mahigit apat na oras nilang pag-iinoman kasama ng kanyang mga kaibigan. Ngayon ay nakahiga na ito sa kama at mukhang malalim na nga ang tulog. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya at isa lang ang masasabi ko, napaka guwapo niya parin kahit tulog. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko kung bakit sa dinami-rami ng nagagandahang babae dito sa mundo, ay bakit ako pa ang napili niyang pakasalan? Baka nga yung mga babae pa ang magpo-propose sa kanya. I mean, look at him, halos na sa kanya na talaga lahat kaya sino pa bang aayaw sa katulad niya, 'di ba. "Aleah..." Akma na sana akong tatayo para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig na ipangpupunas ko sa kanya, nang bigla itong magsalita dahilan para saglit akong matigilan. Muli kong nilingon ang gawi nito't gano'n parin naman, tulog na tulog parin siya. Don't tell me, nag s-sleep talking siya?Hindi ko na sana bibigyang pansin pa yun, ang kaso'y muli na naman itong nagsalita na sy
FAITH'S POVNagniningning ang aking mga mata habang tinitingnan ang ganda ng paligid. Tunay ngang mala paraiso ang lugar na ito at hanggang ngayon ay parang ang hirap paniwalaan na sa wakas ay nakaapak na rin ako rito and for me, it was a dream come true.."Ahm, puwede mo ba 'tong sootin?" Ang medyo nahihiyang turan ko kay Matteo habang hawak ang pink t-shirt na nabili namin kanina nina Herra at Jiyanna habang namamasyal kami. Actually, couple t-shirt talaga 'to at napag utusan lang kami ni Jiya na ipasuot 'to sa mga partner namin para daw sweet. Todo tanggi pa ako kanina sa kadahilanang nahihiya nga ako at baka hindi rin ito magustuhan ni Matteo– but then, Jiyanna was really persistent hanggang sa napilit niya na nga ako. "You bought this?" Ang may ngiting ani Matteo matapos tingnan yung t-shirt. May nakasulat dun na 'Hubby' habang yung sakin naman ay 'Wifey'. Awkward ko itong tinangoan sabay iwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi dahil sa hiya. Parang gusto ko
FAITH'S POV"M-my gosh! Matteo, look, balak 'ata akong patayin nitong-""'Cause they have my permission to do so. Inutusan ko silang lahat na barilin ang sino mang magtatangkang insultuhin ang asawa ko." Malamig ang boses na wika ni Matteo na kahit sino ay kikilabutan sa paraan ng pagsasalita nito't kung paano siya tumingin gamit ang blanko niyang ekspreyon. "Matt.." I called his attention at hindi naman ako nabigo dahil agaran itong lumingon sa gawi ko, at gamit ang kanyang wheelchair ay nilapitan niya ako atsaka masuyong hinawakan ang aking kamay. "What the.. don't tell me, she is your wife?" Ang may halong pagkadismaya na saad ng matanda matapos ako nitong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na ikinayuko ko nalang. "God, Matteo! You didn't tell me na ganyang klasi ng babae na pala ang gusto mo ngayon? Seriously, an ugly- oh my gosh!" Biglang napasinghap ang matanda matapos rin siyang tutukan ng baril ng isa sa mga tauhan ni Matteo."Isang salita pa at hindi ako magdadalawan
FAITH'S POVHALATA ang pagkamangha sa mukha nina Mama at Freya habang nililibot ng tingin ang paligid ng mansion ni Matteo. "Grabe, buhay reyna kana nga talaga, Faith." May halong sarkasmong komento ni Mama. "Isipin mo, nakatira ka sa mala palasyong tahanan na 'to, ta's andami pang mga bodyguards at katulong. Tsk. Suwerte mong panget-" "Ma," ang mariing saway sa kanya ni Freya na ikinairap lang naman nito't tsaka nagtawag ng isang kasambahay. "Pakikuha mo nga ako ng maiinom. Samahan mo na rin ng masarap na dessert, okay?" Daig pa nito ang amo kung makautos. Lihim na kumuyom ang aking kamao. Sa mga oras na ito'y hindi ko na maipaliwanag ang inis at gigil na nararamdaman ko. Napapatanong na tuloy ako sa sarili ko kung tama lang ba ang naging desisyon ko na dalhin sila rito. Tsk. "Saan ba ang magiging kuwarto namin?" Ang tanong ni Freya habang abala sa pag tingin-tingin ng mga kagamitan na narito sa may salas. "Hindi ko pa alam. Si Matteo ang magde-desisyon kung saang kuwarto kayo
FAITH'S POVLUMIPAS ang mga araw at nasanay na rin ako sa mga papuri't pag ngiti sa akin ng nag-iisang Matteo Montenegro. Dahil sa kanya kaya kahit papaano'y unti-unti akong nagkakaroon ng kompyansa sa sarili ko. Akala ko talaga noon ay masungit at cold siyang tao kaya nga ilang na ilang ako every time na nasa paligid ko lang siya but, it turns out na mabait at palangiti naman pala siya dahilan kung bakit gumaan ang loob ko sa kanya. He's just too good to be true.."Wow naman, amoy palang masarap na!" Narito ako ngayon sa kusina at nagluluto ng pork adobo na syang dadalhin ko mamaya sa opisina ni Matteo. Nag request kasi ito sa akin na gawan ko raw siya ng lunch kaya heto't naghahanda na ako. "Mambu-bwiset kana naman kaya ka narito, noh." Ani ko't pabirong inirapan si Kaizer. Siya ang isa sa mga tauhan ni Matteo na kahit papaano'y masasabi kong ka-close ko na rin. Bukod kasi sa siya yung palaging naghahatid at sundo sakin sa school, ay hindi rin naman nagkakalayo ang aming edad. A
FAITH'S POV "S-sorry pero hindi ako sasama." I firmly said. Kagaya nga ng sabi ko'y, wala na akong mukhang maihaharap pa kay Matteo after knowing na hindi naman pala ito bulag. "My boss would surely get mad kapag bumalik ako sa mansion at hindi ka kasama." Halata sa kanya na wala talaga siyang balak umalis hanggat hindi ako kasama kaya, labag sa loob na sumama na lamang ako rito. Bago umalis ay nagpaalam at nagpasalamat na muna ako kay Elyse sa pagpapatuloy nito sa akin sa loob ng ilang araw. "Nasa office room niya siya at hinihintay ka." Ang ani bodyguard ni Matteo pagkarating na pagkarating namin sa mansion. Tipid ko lang itong tinangoan atsaka naglakad na papasok. Hindi ko maipaliwanag ang kabang bumabalot ngayon sa dibdib ko habang paakyat ng hagdan. All this time akala ko talaga bulag siya kaya nga somehow ay nakampante rin akong humarap sa kanya kasi alam kong hindi niya makikita ang panget kong mukha, but I was wrong. Nakakakita siya una palang pero bakit siya pumayag na p