KABANATA 18:We didn't allow him to talk with Tito Ricky. S'yempre iyong Tito ko walang alam sa nangyayari. Hindi niya p'wede 'yon makausap."How bout Tita Wendy? Bibisita daw po siya bukas," I asked worriedly."Don't worry about her, darling. Ako na ang bahala."I slowly nodded and sighed. Akala ko kasi pati siya iintindihin ko pa.Kaya nabawasan ang isipin ko dahil doon. When Tita Wendy came in, she already had an idea. Kaya lang halatang hindi siya masaya. Pagbalik ni Dustin sa kabilang kwarto ay nagpaiwan siya."Cassy," tawag niya at ang tono ng boses ay sobrang seryoso na.I pouted and sighed. Alam ko, pagagalitan niya ako. Lumapit siya at umupo sa kama."Betty, iwan mo muna kami.""Sige po, Maam."Sinundan ko siya ng tingin bago ko binaling ang mga mata kay Tita Wendy."Hindi ko alam kung anong dahilan mo at bakit pumayag ka sa ganito."I felt guilty. Hindi ko siya matignan sa mga mata. Wala akong masabi dahil maski ako, kinukwestyon ko rin, bakit ba ako nagpapatuloy sa ganito.
KABANATA 19:I was feeling anxious the moment he opened his mouth."Yes," He whispered.Unti-unting nagtayuan ang balahibo ko sa katawan."W-why? Why did we end up like this? Are you the driver?" I asked him softly."I am... I am the driver. We had a misunderstanding, and it's my fault. Nawalan ako sa focus kaya nabunggo tayo. I regret everything. It's my fault. I'm sorry..."Napakurap-kurap ako at hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya. A part of me is not convince with he said. Tila ba parang kulang iyon."Misunderstanding? Nag-away tayo? I... I can't understand, Dustin," I mumbled.He sighed."I don't want to explain this further because I know this may trigger you and baka kung anong mangyari sa 'yo. Once you remember even the small details of what happened that day, I can tell you the whole story."Naitikom ko ang bibig at laglag ang aking balikat nang marinig ang kanyang sinabi. Paano ko gagawin 'yon na kahit small details nga eh hindi naman ako si Crystal. So, that means mala
KABANATA 20:ABOT-ABOT ang pag-pa-panic ko nang sumesenyas sa mga katulong at nagsasalita sa harap nila kahit walang boses."Labas! Nasa labas!" I mouted without any voice. Pinandilatan ko sila ng mata at nag-we-waive ng kamay para ipaalam na kunwari na wala.Nagkatinginan pa sila bago sinagot si Dustin."Ay, wala pa Sir. Nasa labas pa po."Nilingon ko si Betty na nagmamadaling kinuha 'yong wheelchair sa driver. Narinig ko pang nagsalita si Dustin bago ako lumabas ng bahay."Dali!" sabi ko pero may kahinaan naman kay Betty na sine-set up na sa lapag iyong wheelchair ko."Sir, sino pong kasama niyo?"Hiningal ako nang umupo sa wheelchair. Naririnig ko pang kinakausap ng katulong si Dustin."Asan 'yong sa legs ko?" bulong ko sa kanya."Ay, oo nga pala!" sabi ni Betty at bumalik sa sasakyan para kunin iyong kunwaring cast sa legs ko."Hayaan mo na. Mamaya na," sabi ko nang bumalik ito. Tinapik ko iyong kamay niya para itulak niya na ako papasok sa loob.Naabutan ko si Dustin na kausap na
I woke up around three pm. Nagising ako dahil sa pagkatok ni Betty. Sumusunod lang din naman kasi siya sa utos ko. Hindi naman ako nainis na ginising niya ako dahil lang doon."What is he doing?" I asked while I scanned my hair through my fingers.Nakatulog ako pero mababaw lang. Iyon bang napapakiramdaman ko pa rin 'yong paligid. Nag-unat ako at sumandal sa headboard ng kama."Hindi ko po alam, Maam. Nasa loob kasi siya ng kwarto kasama na po 'yong nurse at doctor niya."Tumango ako."Did he eat?""Yes po.""Alone?""Hindi naman. Kasama po niya iyong si manang kasi hindi pa siya masyadong gamay sa pagkuha nang pagkain nang siya lang."Tumango ako. Nakita ko rin naman 'yon pero unti-unting natututo si Dustin na subuan din ang sarili niya. Iniisip ko tuloy, baka in-e-embrace na nito 'yong pagiging bulag niya."Wala naman siya siguro sa baba. I want to eat," sabi ko at napahawak sa aking tiyan."Dalhan na lang po kita para hindi ka na bumaba tsaka baka biglang lumabas po kasi."Ngumuso
KABANATA 22.1:HE had his dinner in my room. Kahit na sabi nga niya ay hindi naman siya sanay sa ganoon ay ginawa pa rin niya."Tapos ka nang kumain kanina pa. Aren't you going to your room?""Mamaya. Nagpapahinga pa ko," sabi niya.I crossed my arms and looked at him. Wala naman siyang ginagawa kundi ang nakaupo lang at makinig sa TV. Hinayaan ko na lang siya at mukhang kahit ulitin ko, hindi rin naman niya ako susundin.Hanggang sa isang oras na 'yong lumipas, hindi pa rin siya umaalis. I wonder if his back is not aching. Ang tagal niyang nakaupo at straight body pa rin siya mula pa kanina."You can go back to your room. I'm going to sleep now," sabi ko at hinila ang kumot para itabon hanggang sa aking dibdib.Lumingon siya ng kaunti. Ibinuka ang bibig pero itinikom ulit."You want to say something?"Umiling siya at nilabas ang cellphone. Tinawagan ang katulong nito para sunduin siya."Goodnight..." ani ni Dustin at nilingon ako ng kaunti."Goodnight..." I replied and hugged my pill
BAKAS ang hirap sa mukha ni Dustin habang inaangat nito ang kanyang paa. Wala mang pagbabago dahil hindi naman umangat kahit kaunti pero kitang-kita naming lahat 'yong effort niya dahil sa pagdaing nito."That's fine. Don't force yourself if you still can't do it. Marami pang mga araw. Magagalaw mo rin iyan nang hindi na masakit. Kailangan lang ng practice at pahinga," ani ni Doc.I bit my lower lip while looking at his face. Tagaktak na ang pawis niya mula sa sentido pababa sa prominente nitong panga. Naituro ko tuloy iyon."What?" anito dahil naramdaman niya iyong hintuturo ko."Pinagpapawisan ka kasi," puna ko.Iniwas niya ng kaunti ang ulo niya sa akin at tinawag si Mara."A-ako na," sabi ni Mara na nakangiti pa nang kunin ang towel sa ibabaw ng lamesa at pinunas sa noo ni Dustin.I frowned.Hinahayaan niya si Mara na magpunas ng pawis niya?"Ikaw? Hindi ka ba nahihirapan?" biglang tanong ni Dustin kaya napakurap-kurap ako at napatingin kay Betty na ngumunguya ng mansanas."Apple
KABANATA 23:PARANG ayaw ko nang bumaba para makasama si Dustin."Hindi mo man lang sinabi sa akin?" tanong ko kay Betty."Kanina lang po niya sinabi. Nawala po sa isip ko," aniya.Napabuga ako ng hangin. Kinuha ko ang cellphone at di-n-ial ang numero ni Tita Tamara. Marami siyang hindi sinabi sa akin. Hindi ba niya alam kung anong ginagawa ni Dustin ngayon? Bakit niya hinahayaan. She should control what's happening.The number you have dialed is out of the coverage area.Napapantastikuhan kong tinignan ang cellphone. Inulit kong tumawag pero hindi pa rin siya makontak.Napabuga ako ng hangin."What will I do there?""You just have to say you don't remember at all. Wala ka naman talagang alam. Stick to the plans. Hindi ba 'yon ang sabi ni Madame? Wala kang maalala. Convince him everyday to have a surgery para hindi ka na magkaganito, Maam."Humalukipip ako at pinagmasdan ng mabuti si Betty na kumagat ulit ng mansanas."Hindi ba nauubos 'yang mansanas mo? Everytime I looked at you, ka
MASAYA ako na hindi kami natuloy kanina para sa memory session ko sana. Nagkaroon siya ng tawag at regarding iyon sa naiwan nitong trabaho. I spent my time doing yoga shesh in my room. Sa dami ng mga nangyari at yoga ang magpapakalma at magbibigay ng liwanag sa utak ko.Isang oras ang nilaan ko para doon at tinawag na ako ng katulong para sa hapunan. Kapag lalabas at baba, naglalakad lang ako. Tsaka lang ako uupo sa wheelchair kapag papasok na sa dining dahil naroon na si Dustin."May ampalaya tayo, Maam. Pabirito niyo daw po ito sabi ni Sir Dustin," ani ng katulong.Napangiwi ako. Paborito iyon ni Crystal hindi ako. Iyon ang bagay na hindi kami magkapareho. Sabi nila, kapag kambal ay mostly magkakapareho ng sa lahat ng bagay. Ako ang patunay na hindi lahat iyon ay totoo.Kaya nga natatakot ako na palaging dumikit kay Dustin dahil pakiramdam ko ay mahuhuli niya ako. Pakiramdam ko kabisado niya si Crystal. Nahihirapan akong maniwala na nalilito siya o hindi niya kabisado ang asawa niya