My Brother’s Bestfriend is My Baby’s Father
Ang tanging hiling ni Lexie Marie Delos Reyes ay matupad ang pangarap ng kaniyang Lola. Ang makasal at tuluyan nang lumagay sa tahimik. Ngunit sa araw mismo ng kaniyang kasal, gumuho ang lahat nang tumakas ang kaniyang fiancé upang sundan ang babaeng tunay nitong mahal sa ibang bansa.
Sa gitna ng sakit at kahihiyan, napilitan siyang gumawa ng desisyon na magbabago ng lahat. To marry Kaizer Zapanta, her brother’s best friend. Isang lalaking kilala sa pagiging malamig, misteryoso, at isang trilyonaryo na kinatatakutan sa mundo ng negosyo.
"If it’s marriage you want, I’ll take his place. But don’t expect me to give you my heart." – Kaizer Zapanta
Ang kasal na inakala ni Lexie na pakitang-tao lamang ay unti-unting nagiging mapanganib sa puso niya. Unti-unti niyang natuklasang na sa likod ng malamig na anyo ng lalaki, may init pala doong kayang tunawin ang lahat ng takot, at sakit sa puso niya.
And just when her heart began to trust again, Zyrus—her runaway fiancé—returned with a confession that threatened to ruin everything.
"Come back to me, Lexie. After all, we’re expecting a child. Won’t you introduce me as their father?" – Zyrus Martinez
Ngayon, kailangan niyang pumili. Sino sa pagitan ng lalaking minsang iniwan siya, o sa estrangherong hindi na lang basta asawa kundi ama ng kaniyang dinadala, ang kaniyang pipiliin?