Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Impostor Wife

The Impostor Wife

Ang tanging pangarap ni MILAGROS ay ang maiahon sa hirap ang pamilya at ang maikasal sa nobyong si Martin. Ngunit ang simple niyang buhay ay nagulo nang makilala niya ang mag-inang Monica at Valentina. Natuklasan niya ang illegal business ni Valentina kaya nais siya nitong ipapatay. Kasunod niyon ay naging saksi siya sa krimen na nagawa ni Monica. Isang aksidente ang kakasangkutan nina Milagros at Monica. Masisira ang mukha ni Milagros at mawawalan siya ng alaala. Aakalain ni Valentina na si Milagros ay ang anak niyang si Monica. At upang matakasan ni "Monica" ang pananagutan nito sa batas ay pagpapanggapin ito ni Valentina bilang si "Milagros". Dahil sa walang memorya ay iisipin ni Milagros na siya ay talagang si Monica! Sa pagbabalik ni Milagros sa piling ni Martin, magagawa kayang ipaalala ng lalaking minamahal niya kung sino ang totoong siya?
Romance
1010.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
His Bodyguard Wife

His Bodyguard Wife

BOOK 1: HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen subalit nagkaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng kan'yang buhay matapos sabihin ng ama na siya ay kasal na. *** Nang ibigay kay West ng ama ang misyon na protektahan ang kan'yang asawa na walang kaide-ideya na sila ay kasal na at mula sa pamilya ng mga mafia ay nagpas'ya siyang maging bodyguard nito subalit habang nakakasama niya ito ay unti-unti niyang nararamdaman ang mga emosyon na matagal niya ng kinalimutan lalo na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Paano pro-protektahan ng isang mafia queen ang kan'yang hot tempered na asawa kung maraming pangyayari ang magaganap na malayo sa inaasahan niya?
Romance
1010.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Beautiful Stepsister

My Beautiful Stepsister

Naya06
Amber fell inlove with her savior. Sa pagliligtas na ginawa sa kanya ni Caitlin ay nabighani siya sa taglay nitong ganda. Sa maikling panahon na nagkakilala ang dalawa ay namuo ang pagmamahal na inakala nila'y panghabang buhay na. But destiny seems to be playful. Ang anak pala ng bagong asawa ng daddy niya ay walang iba kung hindi ang babaeng minamahal niya. Ang babaeng nagligtas sa kanya at bumihag sa puso niya.
LGBTQ+
109.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Pulang Kuwintas

Ang Pulang Kuwintas

Whiteknight Magico
Dichas, sol y amores (ligaya, liwanag at mga pag-ibig) Te esperare, senorita Toma unos cientos de anos En la primera reunion Te mirare de Nuevo (Maghihintay ako, binibini Abutin man ng ilang daang taon Sa unang tagpuan Muli kita'y susulyapan) Sa inaakala mong tahimik na buhay, pa'no kung sa isang iglap ay maibalik ka sa nakaraan? ‘Yong tipong hindi mo na nga sineryoso history subject mo tapos mapupunta ka pa sa panahon ni Diego Silang. Idagdag mo na rin ang mga kilos mong hindi mala-Maria Clara, saan na ngayon ang bagsak mo? Lalo na't wala ka nag iba pang pagpipilian… Ano ang gagawin mo? Kuwentong iikot sa nakaraan, pagmamahalang handing abutin ng siyam-siyam. Sa sugal ng pag-ibig, hanggang saan ang kaya mong itaya? Para sa pamilya, handa mo bang isuko ang lahat? Paano kung kinakailangan mo nang mamili? Vahlia Rex Medrano, ang babaeng babalik sa sinaunang panahon upang isakatuparan ang misyong hindi niya naman ginusto. Sa kan'yang paglalakbay, masasagot na kaya ang mga katanungang umiikot sa kan'yang isipan?
History
1011.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
Romance
1011.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Hindi ko kailanman inakala na ang isang desperadong desisyon ay tuluyang magbabago sa buhay ko. Nang lumobo ang bayarin sa ospital ng aking lola, wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang isang hindi pangkaraniwang alok—ang magpakasal kay Conrad, ang bulag ngunit malupit na tagapagmana ng makapangyarihang pamilya Laurier. Sinasabi nilang ipinanganak siyang nagdadala ng kamalasan dahil namamatay ang mga mahal niya sa buhay. Ngunit kailangan nila ng asawa para sa kanya, at kailangan ko ng pera. Dapat sana, isang simpleng kasunduan lang ito. Ngunit mula nang pumasok ako sa kanyang mundo, napagtanto kong may higit pa kay Conrad kaysa sa mga bulung-bulungan. Ang kanyang pagkabulag ay hindi kahinaan—bagkus, ginawa siyang mas matalas, mas mapanganib. Bawat salitang binibigkas niya ay may bigat, at bawat dampi ng kanyang kamay ay nagpapadala ng kilabot sa aking balat. Hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Iniisip niyang isa lang ako sa mga babaeng nais samantalahin siya. Pero paano kung unti-unti kong makita ang totoong lalaking nasa likod ng malamig niyang maskara? At mas masama pa—paano kung mahulog ako sa kanya?
Romance
9.810.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE SEX CONTRACT

THE SEX CONTRACT

Sulit na sulit ang 7 days Sex Contract sa pagitan nina Frey at Warren 'Dark' Samaniego dahil hinabol-habol ng milyonaryo ang ordinayong babae na gaya niya. He offered her all the things in the world, maliban sa kasal. Na hindi niya kailangan dahil kapag natapos ang paghihiganti niya, may sarili siyang plano kung paano maglalaho sa buhay ni Dark. May lugar ba ang pag ibig sa mga pusong pagod nang masaktan?
Romance
109.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
One Rebellious Night

One Rebellious Night

Most women fall for rich businessmen, dashing doctors, or genius lawyers… pero ako? I fell hard for my bodyguard. *** Akala ni Caroline, one-night stand lang 'yon. A reckless escape from an arranged marriage to the cold and powerful Alexander. Mas gusto pa niyang ibigay ang sarili sa isang estranghero kaysa itali ang buhay sa lalaking 'yon. Pero paano kung ang stranger na 'yon… ay si Miguel—ang tahimik pero mapanuksong bodyguard ng pamilya niya? She thought it ended that night. But fate had other plans. As sparks turned into something deeper, Caroline finds herself falling for the one man she's not supposed to love. Sa mundo kung saan ang pangalan, yaman, at status ang sukatan ng halaga, paano kung ang puso niya’y pumili ng isang taong hindi niya ka-level? Will she defy her family's expectations and fight for a love that’s as dangerous as it is forbidden? Or will she walk away from the man who made her feel alive—just to keep everyone else happy?
Romance
1010.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Darkness Within

Darkness Within

naughtyjackyy
Bilang isang anak ng Diyos ng Kadiliman, alam ni Cassy Aguilar na kailanman ay hinding-hindi niya maabot ang liwanag, na kahit na anong takbo niya ay hindi niya matatagpuan ang sarili na nabababalot ng sinag kundi purong anino at dilim lamang. At iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang makatakas sa tadhanang tila kadenang nagbibigkis sa kanya sa mundo ng kadiliman at kasamaan. Nais niyang makalaya. At ang tanging paraan para mangyari iyon ay ang wakasan ang buhay ng sarili niyang ama, ang Diyos ng Kadiliman. Sakit. Kamatayan. Pagtataksil. Sakripisyo. Pag-ibig. Pakikipagsapalaran. Lahat ng ito ay naghihintay kay Cassy kasama ang mga taong magiging kasangga niya sa pagkamit ng kalayaang hinahangad niya at ang pagtapos sa buhay ng Diyos ng Kadiliman na matagal nang banta sa kapayapaan ng mamamayan.
109.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Loving The Arrogant Man

Loving The Arrogant Man

Erica has fallen in love with a man na akala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinangarap at inasam. Kay Troy Sandoval. A mysterious guy na biglang dumating sa kanyang buhay at ginulo ito. Sa simula pinakitaan siya ni Troy ng mabuti. Niligawan siya nito, hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki kaya naman nagpakasal sila agad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang lumipas ay nag iba ang trato nito sa kanya. Naging bastos ito at mapangahas sa kanya. Dahil ang totoong motibo ni Troy ay ipaghiganti ang kapatid na nasa ospital pa rin hanggang ngayon at hindi parin nagigising sa coma. Sobrang mahal ni Troy si Rix. Si Erica ang sinisisi nila sa trahedyang nangyari sa kanyang kapatid. Matagal ng manliligaw ni Erica si Rix at palagi din itong basted sa kanya kahit anong pagtataboy niya rito ay ayaw siyang tantanan ng binata. Ayaw sana niyang paasahin si Rix kasi wala talaga siyang feelings para dito at kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Ngunit isang araw bigla na lang itong tumawag kay Erica at nagbabantang magpapakamatay ito kapag hindi siya nagpakita sa dito. Pumayag si Erica sa gusto nito kasi alam niya ang kayang gawin ni Rix. Sa kasamaan hindi nakarating si Erica sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Rix dahil sa isang insidenting nangyari. Isang insidente na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Insidenting naging dahilan kung bakit dumaranas siya ngayon ng impyernong buhay sa piling ni Troy. Tama bang inilihim ni Erica kay Troy ang insidenting yun? Paano kung sinabi niya kaagad sa kanila? Dadanasin pa kaya niya ang pagpapahirap na pinaparanas ni Troy sa kanya? O mas mamahalin siya ng tuluyan ni Troy kapag nalaman nito ang totoo?
Romance
10.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4344454647
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status