Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

last updateLast Updated : 2025-04-18
By:  Thousand ReliefsOngoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
50Chapters
2.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hindi ko kailanman inakala na ang isang desperadong desisyon ay tuluyang magbabago sa buhay ko. Nang lumobo ang bayarin sa ospital ng aking lola, wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang isang hindi pangkaraniwang alok—ang magpakasal kay Conrad, ang bulag ngunit malupit na tagapagmana ng makapangyarihang pamilya Laurier. Sinasabi nilang ipinanganak siyang nagdadala ng kamalasan dahil namamatay ang mga mahal niya sa buhay. Ngunit kailangan nila ng asawa para sa kanya, at kailangan ko ng pera. Dapat sana, isang simpleng kasunduan lang ito. Ngunit mula nang pumasok ako sa kanyang mundo, napagtanto kong may higit pa kay Conrad kaysa sa mga bulung-bulungan. Ang kanyang pagkabulag ay hindi kahinaan—bagkus, ginawa siyang mas matalas, mas mapanganib. Bawat salitang binibigkas niya ay may bigat, at bawat dampi ng kanyang kamay ay nagpapadala ng kilabot sa aking balat. Hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Iniisip niyang isa lang ako sa mga babaeng nais samantalahin siya. Pero paano kung unti-unti kong makita ang totoong lalaking nasa likod ng malamig niyang maskara? At mas masama pa—paano kung mahulog ako sa kanya?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

“Umm…dapat ba akong maghubad muna at humiga sa kama, o... tulungan kitang maghubad?”

Nakatayo si Mandy sa may pintuan ng banyo, balot ng tuwalya, at maingat na nagtatanong.

Ngayong gabi ay ang kanyang unang gabi bilang bagong kasal. Ang lalaking nakaupo sa wheelchair sa hindi kalayuan na may itim na piring sa mga mata ay ang kanyang magiging asawa.

Ito ang unang pagkakataon na nakita niya sa personal ang lalaki at namangha siya dahil mas gwapo pala ito kaysa sa mga larawan. Matikas ang mga katangian ng lalaki; matangos ang ilong, makapal ang kilay, at matangkad ang pangangatawan—tulad ng lalaki sa kanyang mga pangarap.

Pero sayang, bulag ito at nakakulong sa wheelchair.

May mga nagsasabi na si Conrad Laurier ay ipinanganak na malas. Nang siya’y siyam na taong gulang, namatay ang kanyang mga magulang. Nang siya’y tumuntong sa labing-tatlo, sunod na namatay ang kanyang kapatid na babae. At nang siya’y magbinata, sunud-sunod na namatay ang tatlong babaeng kanyang naging nobya.

Nang unang marinig ni Mandy ang mga tsismis na ito, natakot siya dahil baka siya ang sumunod sa hukay. Pero ayon sa tito niya, kung siya’y magpapakasal kay Conrad, tutulungan ng pamilya Laurier na bayaran ang gamot ng kanyang lola.

At para sa kanyang Lola Theresita, handa siyang sumugal.

Nang mapansing walang reaksyon ang lalaki, naisip ni Mandy na baka hindi niya ito narinig kaya inulit niya ang tanong.

“Hmm.” Dahan-dahang tinanggal ng lalaki ang piring sa kanyang mga mata at malamig siyang sinilip. “Alam mo ba kung kanino ka ikakasal?”

Masyadong malamig ang tingin nito kaya kusang napaurong si Mandy pero naisip niya, wala naman siyang dapat ikatakot dahil bulag siya!

Kaso may bulag ba na ganoon kalalim ang mga binibigay na tingin?

Hindi pa nakakita si Mandy ng bulag kaya wala siyang ideya.

Pero tapat pa rin siyang sumagot, “Alam ko.”

Kumunot ang noo ng lalaki. “Hindi ka ba takot mamatay?”

Nang matanggal ang piring sa mata, mas lalong naging matikas at malamig ang kanyang hitsura.

Tumibok nang malakas ang puso ni Mandy. “Hindi naman ako natatakot.”

Tinitigan niya ito nang may determinasyon. “Iniligtas mo ang lola ko, kaya tagapagligtas na rin kita. Kaya tutuparin ko ang mga pangako ko—bibigyan kita ng anak at aalagaan kita habang buhay!” Natutuwa niya pang sabi habang tahimik lang si Conrad na walang reaksyon siyang pinagmamasdan.

Pagkatapos ng ilang sandali, ngumisi si Conrad nang may paghamak. “Kung ganon, tulungan mo akong maligo.”

Nag-isip sandali si Mandy bago sumagot, “S-Sige.”

Mula nang pumayag siya sa kagustuhan ng lolo nito na pakasalan siya, wala na siyang balak na baliin ang kanyang pangako.

Pagkatapos nilang magpakasal, siya na ang legal nitong asawa. At bilang asawa ng taong may kapansanan, natural lang na alagaan niya ito at tulungan lalo sa pagligo dahil hirap itong makakilos.

“Okay, Saglit lang, Maghahanda lang ako ng tubig.” Pagkasabi nito, pumasok siya sa banyo.

Nakatingin sa likuran ni Mandy si Conrad na nakakunot ang noong pinag-aaralan ang kilos ng babae. Hindi siya nagpadala ng tao para siyasatin ito pero may nalaman siyang impormasyon tungkol sa buhay ni Mandy Suarez.

Simple lamang ang pamumuhay nito sa bundok—isang mahirap na taga-baryo na handang magpakasal sa kanya; isang lalaking puno ng kamalasan at hindi kaaya-ayang reputasyon para lang mabayaran ang gamot ng kanyang lola sa ospital.

Ang tatlong dating nobya ni Conrad ay nagmula sa mga mayayamang pamilya na kilala at tanyag sa lipunan. Pero lahat sila’y pinatay bago pa man sila ikasal kay Conrad.

At napaisip siya kung paano nakaligtas si Mandy na mukhang inosente at walang muwang sa gabi ng kanilang kasal. Siguro, masyado itong tanga para patayin. O baka nagkukunwari lang na isang tanga.

Habang nag-iisip si Conrad, narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo.

Tumingala siya at sa isang saglit, nagningning ang kanyang mga mata. Lumabas ang singaw mula sa banyo at dahan-dahang lumabas ang babaeng may maliit na pangangatawan.

Basang-basa ang kanyang mahabang itim na buhok at may ilang hibla na nakalugay sa kanyang leeg. Ang tuwalya na nakabalot sa kanya ay basa na rin, nakadikit ito sa kanyang katawan na nagpapakita ng magandang hubog ng kanyang katawan.

“Sandali lang, ha?”

Lumuhod siya at kinuha ang maleta sa ilalim ng kama at binuksan. Nakahanay nang maayos sa loob ng maleta ang kanyang mga damit. Kumuha siya ng isang puting lace na damit at tinanggal ang tag bago isuot.

Dahil naisip niyang bulag si Conrad, wala siyang pakialam na magbihis sa harap nito pero ang simpleng kilos na ito ay may ibang kahulugan para sa lalaki.

Pakiramdam niya ay para siyang sinusubukan nito kung talaga bang bulag siya?

“Hmm…”

Pagkatapos magbihis ni Mandy, lumapit siya kay Conrad at itinulak ang wheelchair nito papunta sa pintuan ng banyo. Tinulungan niya itong pumasok sa banyo at dahan-dahang hinubaran. Sa gitna ng makapal na singaw, tinitigan siya ni Conrad.

Nakayuko naman si Mandy, taimtim ang ekspresyon at maliwanag ang mga mata na walang bahid ng anumang emosyon. Para siyang isang estudyante na seryosong ginagawa ang isang assignment.

Tinanggal niya ang relo ng lalaki, sinimulang hubarin ang kanyang shirt at pagkatapos…

Nang nasa huling bahagi na, biglang napaurong si Mandy nang pigilan siya ng lalaki.

“Pwede bang hindi mo na ito tanggalin?” suhestiyon ni Conrad. Tinitigan siya nito, at may bahid ng paghamak sa kanyang mga mata.

“Kung hindi mo ito tatanggalin, hindi malilinis ang ilang parte ng katawan mo.”

“Ahh, oo nga.” Tumango si Conrad at dahan-dahang tinanggal ito. Kumunot ulit ang noo niya habang nakatitig sa mukha ni Mandy na tila walang malisya sa kanyang ginagawa.

Talaga bang ganito siya ka-inosente? Alam ba niya kung ano ang kahulugan ng hiya o sadyang manhid siya?

“Dahan-dahan ka lang na tumapak.”

Tuluyan siyang tinulungan ni Mandy na pumasok sa bathtub na parang walang nakikitang kakaiba sa katawan ng lalaki pero namumula ang kanyang magkabilang pisnge.

Itinabi ni Mandy ang basang buhok at binuksan ang cabinet para kumuha ng scrub. Tsaka ibinaling ang atensyon kay Conrad.

"Hindi ka ba takot na masaktan?" Bigla niyang tanong.

Natahimik lang si Conrad na nanatiling nakakunot ang noo dahil hindi niya inaasahan na gusto palang manghilod nito.

Hindi na nagsalita si Mandy na diretsong naghilod sa likod ng lalaki. “Kung masakit, sabihin mo lang, babawasan ko ang lakas.”

Masigasig at taimtim na naghilod si Mandy sa likuran ng asawang natahimik sa kanyang ginagawa. Bago siya ikasal, ilang taon na niyang inaalagaan ang kanyang lola, at gustung-gusto nito ang paghihilod niya.

Kaya naisip niyang baka magugustuhan din ito ni Conrad. Nakaluhod siya sa gilid ng bathtub at masinop na hinihilot ang bawat parte ng katawan ng lalaki.                                                                                                                                                                                                                                                                                                              Kahit na sinubukan niyang maghilod nang maayos, para kay Conrad, para siyang nakikiliti.

Pero nakita niya ang pagsisikap ng babae sa ginagawa. Hindi nagtagal, pinagpawisan na si Mandy kakahilod.

Nanatili pa ring tahimik si Conrad sa kinauupuan at sa sandaling iyon, napaisip siya kung nagkamali ba siya sa paghusga sa babae. Ang isang babaeng ganito ka-inosente, pinag-iisipan niya na may masamang intensyon sa kanya?

Pagkatapos hilurin ang ibang parte ng katawan, tumingin si Mandy sa gitnang bahagi ng kanyang hita, “Kailangan ko ba rin itong linisin?”

Tiningnan siya ni Conrad nang may malalim na kahulugan. “Ano sa palagay mo?”

Nag-isip sandali si Mandy bago sumagot, “S-siguro…linisin ko na rin.”

Hinawakan niya ang scrub at tinungo ang parteng iyon.

Pero biglang hinawakan ni Conrad ang kanyang kamay at binalot sila ng katahimikan sa paligid.

Tiningnan siya ni Mandy nang walang malisya. “Paano ko malilinis kung hinahawakan mo ako?”

Tiningnan siya ng matalim ni Conrad at malamig na sinabi, “Lumabas ka.”
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
lilyann_rupal
Nice story. ...️ love ko ung character ng gurl.
2025-05-03 15:19:22
0
user avatar
Madelyn Macapas
ang Ganda ng story
2025-04-28 12:40:27
0
user avatar
Madelyn Macapas
update na po please
2025-04-28 12:40:16
0
default avatar
nemimacapas
update na po..Ganda po mg story
2025-04-27 22:17:55
0
user avatar
Shyra Marquez
nice story po ...sana my update po
2025-04-27 17:26:31
0
50 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status