One Hot Night to Forever
Pitong taon na ang nakalilipas, hindi sinasadyang nakaniíg ni Yvangeline "Yvee" Alejado ang isang arogante, dominante at malakas na CEO na si Gideon Isaac Revamonte. Nagkamali siya ng silid na napasukan at inakalang si Gideon ang lalaking binayaran niya para sa isang mainit na gabi.
Tulad ng plano at inaasahang mangyari ni Yvee, nagbunga ang isang mapusok na gabing iyon dahilan para makalaya siya sa masamang plano ng kaniyang sariling ama. Nanganak siya ng kambal na lalaki. Nawala ang isa at naiwan si Atticus sa kaniya.
Sa pagbabalik ni Yvee para hanapin ang kaniyang nawawalang anak, muli niyang nakatagpo si Gideon. At sa hindi inaasahang pagtatagpo ng kambal, gagawa sila ng paraan para buuin ang kanilang nasirang pamilya ngunit paano nila pahuhupain ang galit ng isang Gideon Isaac Revamonte sa babaeng inaakala niyang inabandona ang kanilang anak at iniwan siyang mag-isa sa ere? May pag-asa pa kayang mabuo ang kanilang pamilya? Paano kung malaman niyang may kaugnayan pala si Gideon sa kaniyang yumaong ex-fiancé?