OFW Wife of a Billionaire
Si Kate ay Isang succesful OFW sa Dubai. Nagsakripisyo siya ng sariling kaligayahan para sa ikakaunlad ng kanyang pamilya ngunit mababago ang lahat ng mapagdesisyunan niyang sorpresahin ang kanyang pamilya sa biglaan niyang pagbabakasyon sa Pilipinas ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay siya ang nasorpresa ng malaman niyang nabuntis ng kanyang fiance ang kanyang kapatid na si Charlotte.
SI James naman ay kilalang chick magnet sa hanay ng mga Batang Bilyonaryo sa kanyang henerasyon. Madami mga kalalakihan ang naiingit sa kanyang kakayahang mapaibig at makuha ang isang babae ng walang kahirap hirap ngunit mag iiba ang lahat ng makilala niya si Kate sa Isang resort club sa Boracay. Matatapakan ang kanyang pagkalalaki dahil ito ang unang beses na may tatanggi sa kanyang alok. Hindi niya ito iiwan bagkus ay I da-dare niya ito kung sino ang unang maiinlove sa kanilang dalawa ay siyang magbabayad ng kanilang mga ininom . Naparami na din ang kanilang nainom at hindi na nila alam ang mga sumunod nilang ginawa .Naunang nagising si Kate at nagmadaling umalis sa tabi ni James . Ayun na ang una at huli nilang pagkikita. Dumating na lang ang isang araw na kakailanganin ni Kate na hanapin muli si James upang ipaalam dito ang nairehistrong kasal nila hihiling siya ng annulment dito Ngunit hindi Naman papayag si James Dahil nalaman niya ang kalupitan ng pamilya ni Kate sa kanya, walang alam ang pamilya ni Kate sa estado ng pamumuhay na Meron si James kinailangan ni Kate kumuha ng cenomar dahil pinipilit siya ng kanyang ama na magpakasal sa isang mayamang tao na nag-alok sa kanya ng kasal sa Dubai. Maaawa si James kaya Naman aalagaan niya ito . Paano mapoprotektahan ni James si Kate kung pamilya MISMO nito ang kanyang kalaban.