Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
101.2K viewsOngoingAdded to Library 31 Times as crush kita
Read
+Library
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
105.3K viewsOngoingAdded to Library 203 Times as crush kita
Read
+Library
Bastarda Series-|√: Deal of Love

Bastarda Series-|√: Deal of Love

Siya si Chryll Araneta, 19 year old. Maganda, may balingkinitang katawan at morena ang kutis ng kanyang balat. Si Chyrll ay anak ni Police General. Wilson Araneta sa kanyang dating kasintahan, hindi niya alam na nabuntis niya ito noon bago sila maghiwalay at ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kanyang ina. Nalaman nalang niya na may anak siya dito ng madengue at nanganganib ang buhay ng bata na kailangan agad itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Simula noon ay kinuha nito ang bata sa kanyang dating kasintahan na hindi nagustuhan ng kanyang asawa. Bata pa lamang si Chyrll ay nakakaranas na ito ng kalupitan sa kanyang step-mother at sa kapatid nitong si Carlyn, ng tumuntong siya sa edad na dese-otso ay natuto siyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Walang kaalam-alam si General Wilson sa nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at anak na panganay at sa bunso nito. Dahil sa kagustuhan ni Chyrll bumukod ng tirahan ay nagkaroon sila ng kasunduan ng kanyang ama, papayag lamang ito kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa, kaya napag-isipan niyang magtayo ng negosyo at ito ang Chyselle Coffee Shop ng kaniyang kaibigan. Habang namamahala siya ng negosyo nila ng kanyang kaibigan ay pinagpatuloy parin nito ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At doon niya nakilala si Red Simon Marcos na isang negosyante ng mag hurado ito sa ginanap na ntramurals sa university. Unang kita pa lamang niya sa binata ay nagkagusto na siya dito. Lahat ng lakad nito ay inaalam niya ng palihim, hanggang sa nahuli siya at hindi ito nagustuhan ng binata. Atin pong alamin kung paano mapapaibig ni Chyrll o mapaibig nga ba niya ang isang Red Simon na mahilig maglaro ng damdamin ng isang babae. At sabay-sabay din po nating tuklasin ang kanilang mga tinatagong lihim.
105.1K viewsCompletedAdded to Library 151 Times as crush kita
Read
+Library
SHATTERED HEARTS (tagalog)

SHATTERED HEARTS (tagalog)

"Anak ko ang nakasalalay dito, Jessa, kaya hindi mo kami masisisi kung gumawa man kami ng bagay na kahit alam naming makakasakit para lang madugtungan ang buhay ni Clyde." Mapait siyang ngumiti. Tinignan niya si Xyrius na nakatingin sa kanya sari-saring emosyon ang nagsasalimbayan sa mga mata nito. Iniiwas niya ang tingin dito at bumaling kay Giselle. "Gusto kitang saktan, kung puwede nga lang patayin kita ngayon." Dumaan ang gulat ang takot sa mga mata ni Giselle. "Pero hindi ko gagawin dahil baka mamaya buntis ka na pala. Baka nakabuo na pala kayo ng asawa ko. Sayang yung sakit na nararamdaman ko kung mawawala lang yung batang magdudugtong sa buhay ni Clyde." Pinunasan niya ang luha niya gamit ang manggas ng damit niya. Saka tumayo ng tuwid. Naglakad siya at ng na sa tapat na siya ni Giselle huminto siya. Hinubad niya ang wedding ring niya at iniabot ang kamay nito saka inilagay roon ang wedding ring niya. "Tutal makapal naman ang mukha mo 'wag ka nang mahiya. Sa iyo na rin itong wedding ring ko. Sayong-sayo na si Xyrius..." aniya dito na ikinagulat nito. Saka niya ito nilagpasan at tinungo ang pinto pero hinabol siya ni Xyrius at pinigilan. Malamig ang mga matang nilingon niya ito. "I'm sorry..." umiiyak na anito. "Ayokong mawala si Clyde pero mas ayokong mawala ka sa buhay ko..." humahagulgol na anito. Hindi niya rin napigilan ang pagpatak ng luha niya. "Isa lang puwede mong piliin at pinili mo siya, X. Anong laban ko ro'n e, anak mo 'yon. Dugo at laman mo 'yon..." Marahan niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya. "Hanggang dito na lang ako... hindi ko na kayang magpatuloy na kasama ka. Goodbye, love... be a good father." Tinapik niya ang balikat nito at tumalikod na siya.
5.5K viewsOngoingAdded to Library 164 Times as crush kita
Read
+Library
Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake

Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake

"Ang pagibig ay tulad ng isang sugal, gaano man lalaki ang panalo kung sa maliit na halaga ay takot ka ng matalo.Hinding-Hindi ka papaldo" Abby "Run and hide all you want Abby, pero kahit saang sulok ng mundo ka man makarating, pag-aari kita at yun ang hindi mo matatakasan." Drake Si Abby, ulila na sa ina, ay araw-araw na nagtitiis.Talamak kasi sa sugal ang ama niya, kaya mula nang iwan sila ng yumaong ina, siya na ang nagpapakahirap para mabuhay silang dalawa. Mahirap nga namang palakihin ang magulang, madalas na hinaing niya. Para mabuhay, nagtitinda siyang kendi, tubig, sigarilyo,siomai at kung anu_ano pa sa umaga, sa isang paradahan ng mga jeep. Sa gabi naan ay ume-extra siyang dishwasher sa isang karaoke bar. Dahil kailangang gampanan ang responsabilidad sa maaga edad,hindi na niya natapos ang pag-aaral, kailangan niyang magtrabaho para sa kanila. May naiwan sanang mana ang ina niya mula sa pamilya nito na hindi nila nakilala at hindi man lang bumisita sa ina niya.Pero lahat iyon ay naubos ng ama niya dahil sa sugal. Labing walong taon si Abby ng dumating ang masamang balita. Dalawang lalaki, naka-coat and tie, ang dumating at sinabing kukunin na nila ang collateral ng utang ng ama niya. Nagulat si Abby, pero mas lalo siyang nagulantang nang malaman na siya pala ang collateral.Hindi kasi natupad ng ama niya ang pangako nitong babayaran ang utang sa casino sa loob ng anim na buwan. Nanlilisik ang mga mata ni Abby habang nakatingin sa ama. Pagkatapos, may kinuha ang lalaki sa bulsa—isang makapal na sobre. “Ito po ang karagdagang limang milyon para sa inyo, sabi ni Boss.” Ibinenta siya ng ama sa lalaking tinatawag niyang noong Uncle Drake,na ayon sa ama niya ay kinakapatid daw ng yumao niyang Ina.
101.4K viewsOngoingAdded to Library 36 Times as crush kita
Read
+Library
PREV
1
...
313233343536
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status