Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1021.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10262 viewsOngoing
Read
Add to library
You're Mine Sergeant

You're Mine Sergeant

Lyniel
Si Crisanta ay may matagal ng pangarap na maging isang sikat na news writer kaya naman madalas siyang tumambay sa opisina ng kanyang ninong na hepe ng pulisya sa kanilang bayan upang makasagap ng scoop or balita. Dito niya unang nakita ang gwapo at makisig na pulis na si Sergeant Alexander Ricarfort, pangalan pa lang ang kisig na. Tinamaan ka agad siya ng palaso ni kupido lalo na ng masalat niya kung gaano "katambok" at "katigas" ang abs nito. Gumawa siya ng paraan para mapalapit sa binata at ng makakuha na rin siya ng magandang article para sa kanilang newspaper. ayun nga lang mukhang lagi siyang inaalat, dahil sa tuwing mag lalapit sila ni Alex ay kung ano-ano namang kapalpakan ang nagagawa niya na lalong ikinainis ng binata sa kanya. Paano pa kaya siya magugustuhan ni Alex kung lahat ng gusto nito sa isang babae ay wala sa kanya? idagdag pa na meron na pala itong "babe". Wala na nga kayang pag-asa ang mapagmahal na puso ni Cris para sa makisig nating pulis?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Affair

Love Affair

Sandara
Sa edad sa 20 ay solo ng tinataguyod ni Aena ang nakababatang kapatid na lalaki na kasalukuyan pa lamang na nag aaral ng elementarya, bata pa lamang kasi sila ng pumanaw ang kanilang ama at hindi nagtagal ay nagkasakit naman ang kaniyang ina ng kanser at dahil wala silang sapat na pera upang ipagamot ito ay hindi nagtagal ay binawian rin ito ng buhay. Hindi rin siya nakapagtapos ng pag aaral dahil kinailangan niyang magtrabaho para sa kanilang magkapatid dahil wala silang aasahan kundi ang sarili niya, wala silang kamag anak sa lugar na iyon. Napadpad siya sa Maynila at doon nagkaroon ng trabaho bilang isang kasambahay, ngunit paanong ang pagiging kasambahay ang makakapagpabago sa kaniyang buhay. Paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay mahulog siya sa lalaking may karelasyon ng iba? Handa ba siyang makiapid sa ngalan ng pag-ibig?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire True Love

My Billionaire True Love

Penrose Lily Magdilang, isang illegitimate daughter na anak ng isang maid. Ipinagpalit ng kanyang boyfriend sa bratinella niyang kapatid at ipinakasal ng kanyang pamilya sa isang baldadong lalaki. Ang lahat ay tiniis niya dahil isa lang siyang sampid sa pamilya at kailangan sundin ang nais ng ama dahil ito ang batas. Masakit na iniwan siya ng kanyang boyfriend ng dahil lang sa kayamanan pero wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat ng ito. At sa hindi inaasahang sorpresa ng tadhana. Ang kanyang baldadong asawa na si Christopher John Villezo ay isa palang Muli-Billionaire na nagmamay-ari ng hotel chain from local to international! Gwapo, mabait at mayaman. It's too good to be true! Susugal ba siyang muli sa pag-ibig kahit may takot sa kanyang puso? It's her second chance to Love... Ito na kaya ang true love niya? Will she chase love or she will let Love chase her?
Romance
1078.7K viewsCompleted
Read
Add to library
TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

Lumaki sa karahasan at magulong buhay si Niccos. Normal na lang sa kan'ya ang patayan at madugong kaganapan sa araw-araw. Kaya ipinangako n'ya sa sarili pagkatapos ng unos sa kan'yang buhay at sa pamilya ay mamuhay s'ya ng tahimik, maayos at matiwasay. Ngunit paano kung hindi n'ya pwedeng talikuran ang obligasyon na iniwan sa kan'ya? Paano kung dito nakasalalay ang kaligtasan ng nag iisang babae na pinakaayaw n'ya, ngunit nagbago ang lahat ng minsang may mangyari sa kanila. Naging demonyo s'yang muli ng masaksihan kung paano nalagay sa panganib ang buhay ni Kianna dahil sa kagagawan ng kan'yang mga kalaban dati na naghihiganti sa kan'ya. Paano n'ya lalabanan ang isinumpa sa sarili na mamuhay ng tahimik? Kung sa bawat pagpikit ng kan'yang mga mata ay ang nagmamakaawa at nahihirapang mukha ng dalaga ang kan'yang nakikita.
Romance
9.9118.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Descendant of the Last Red Moon

Descendant of the Last Red Moon

Sinisikap ni Matt na mamuhay ng malayo at tahimik, Sinikap niyang hindi maging mundo ang mundo ng totoo niyang pagkatao. Sinikap nilang kahit sa kanyang sariling paraan ay hindi matulad sa mga taong kinasusuklaman pero isang babaeng ang nakatakda ng tadhana na siyang babago sa kanyang pananaw ay mamahalin ng kanyang puso at buong pagkatao. Ngunit ang babaeng iyon din ang lilipol ng kanyang uri at tatapos ng kanyang huling hininga. Tama nga bang mahalin pa nila ito?
Other
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Slave Of A Heartless Demon

Slave Of A Heartless Demon

Sairel De Juan
Isang babaeng walang ibang ginawa kun'di ang mahalin ang lalakeng wala ring ibang ginawa kun'di ang saktan s'ya sapagka't s'ya ang pinagbibintangan nito'ng dahilan ng pagkamatay ng babaeng minamahal ng lalakeng iyon. Makakaya kaya niya ang pagpapahirap nito sa kan'ya hindi lamang emosyonal, kun'di pati na sa pisikal? Matutunan kaya siyang mahalin ng lalakeng siyang pangarap niya o habang buhay na siyang mamumuhay sa piling ng isang heartless demon?
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Before The Vows Were Broken

Before The Vows Were Broken

Ipinagkasundo si Cassidy ng kanyang mga magulang kay Chester Montecalvo. Bata pa lang ay minamahal na ng dalaga si Chester kaya tinanggap niyang maikasal dito. Pero sa loob ng dalawang taon nilang pagiging mag-asawa ay walang ginawa si Chester kundi pasakitin ang puso niya. At nang mamatay ang mga magulang niya ay mas lalo pang lumabas ang tunay na kulay ni Chester nang ikulong siya nito at pilitin papirmahin ng mga dokumento para mailipat dito ang pagmamay-ari ng kompanya. Cassidy killed herself bago pa makuha ng asawa niya ang lahat ng meron siya. Hindi niya hahayaan na mapunta sa walanghiya niyang asawa ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Pero iba ang plano ng kapalaran sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa harapan siya ng altar, ikinakasal muli kay Chester. She had given a second chance, nabuhay siyang muli.
Romance
330 viewsOngoing
Read
Add to library
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
Romance
1010.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status