Unang Tikim (SSPG)
Sa mundo ni Eros Sandoval, kontrolado niya ang lahat, ang negosyo, ang mga tao sa paligid niya, at maging ang sarili niyang emosyon. Sanay siyang makuha ang lahat ng gusto niya sa isang pitik lang. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Alana.
Si Alana ay simple, inosente, at malayo sa mga babaeng karaniwang nakakasama niya. Sa isang gabing hindi inaasahan, isang pagkakamali ang maglalapit sa kanilang dalawa. Isang engkwentro na magbubukas sa mga pagnanasang matagal na nilang pilit na itinatago.
Ito ang kwento ng tukso, ng pag-iwas, at ng panganib na hatid ng unang tikim. Kapag natikman mo na ang langit sa piling ng taong bawal, kakayanin mo pa bang bumitaw? O hihingi ka pa ng hihigit pa sa unang pagkakataon?