Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Ang misyon lang ni Solenn nung una ay ang akitin ang batang bilyonaryo kaya ito nagtrabaho bilang isang sekretarya sa Walton Corporation. "Anong ibig sabihin nito?" Galit na galit at kunot noo na pagtatanong ng chairman sa harap nila Solenn at Marcus habang dumausdos sa lamesa ang mga stolen shot na mga litrato nilang dalawa na magkasama. "May relasyon kayo? Halos mapatid ang litid ng matanda sa loob ng meeting room na yon. "Mauubusan tayo ng investors sa ginagawa mong kahihiyan?" Hasik pa ng chairman matapos nitong pukpukin ang lamesa na nasa harapan. Nakaramdam ng awa si Solenn sa bilyonaryong boss nya na katabi. Alam nyang wala siyang karapatang maramdaman yon sa lalaki dahil kabahagi siya ng plano at bayad siya para dito. Nakita nyang halos hindi maipinta ang mukha ng binata sa harap ng kanyang lolo. Tumikhim lang si Marcus ng walang kakurap kurap, inayos ang sarili sa pagkakaupo. Itinaas ang ulo mula sa pagkakayuko at hinarap ang chairman. "Solenn!" Buong loob na pagtawag nya sa sekretarya. "Sir?" Tila maamong tupang pagtugon ni Solenn.Walang halos makalabas na boses mula sa kanya. "Ikansel mo lahat ng commitment ko this week," at mataman itong tinitigan ang dalaga sa harap ng matandang lalaki. "Pakakasalan kita, bukas na bukas din." "Ha?" Gulat na gulat na pagtatanong ni Solenn. Nanatili siyang nakatulala sa narinig. Tumayo ng dahan dahan ang binata , naglakad ng mabilis at hinawakan ang door knob ng conference room. "Iuuwi na rin kita sa condo!" Ani ni Marcus bago lumabas ng pinto. Ano daw? Hindi makapaniwala si Soleen sa narinig. Napahawak ang dalaga sa sariling dibdib at nag unahang umagos ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa nya pilit na pinipigilan. Ano na ang gagawin nya? Gulong gulo siya napahawak sa ulo. Pano na? Pagtatanong pa nya sa sarili.
Romance
106.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Boss CEO is my Ex-husband

My Boss CEO is my Ex-husband

Frozen Hearts Series #1 “It is nice to see you again, my cheater, slut, gold-digger ex-wife.” -Rome Wilson. Walang anumang salita ang iniwan si Faye Reagon nang iwanan niya ang kanyang asawa na si Rome Wilson at ipinagpalit ito sa isang matandang mayaman na si Benjamin Sorsuela. Ang kanyang asawa ay sinubukan siyang hanapin upang ibalik ito ulit sa piling niya ngunit siya ay nabigo. Doon niya lang nalaman na ang kanyang asawa ay niloko siya dahilan upang maging miserable ang kanyang buhay. Nagalit siya at sinusumpa ang kanyang asawa. Nang sa wakas ay natuklasan niya ang kanyang sarili, siya ay naunlad nang makilala niya ang kanyang tunay na mga magulang, na nagregalo sa kanya upang pamahalaan ang kumpanyang kanilang itinatag 47 taon na ang nakalilipas, at makapagtapos ng kurso sa Business Management. Siya ay naging isang bilyonaryo ngunit siya rin ay isang babaero, mapagmalupit, at walang puso. Ang dating magkasintahan ay sa wakas ay nagkitang muli matapos ng limang taon. Si Faye ay isa sa mga aplikante na napili, hindi alam kung anong uri ng trabaho, ngunit walang kaalam-alam na ang kanyang dating asawa ay ang kanyang boss. Ang kanyang galit ay umuusad at nakaisip siya ng kakaiba upang gumawa ng plano upang parusahan ang kanyang dating asawa, at gawing bayad sa kanya ang kanyang ginawa, kaya’t agad niyang kinuha si Faye bilang kanyang sekretarya at kanyang katulong, at iyon ang simula ng kanyang matamis na paghihiganti.
Romance
1026.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Wife Is An Assassin

My Wife Is An Assassin

Labing walo taong gulang si Erica nang mabuntis siya ni Gregory Hans Miller dahil sa one night stand. Napilitan na pakasalan siya ni Greg dahil sa utos ng kanyang grandfather. Sinisisi siya ni Greg dahil sa pag hihiwalay nila ng kasintahan nito si Amira. Sinaktan at itinuring na katulong imbes na asawa. Nag offer si Greg ng sampung milyon kapalit na pipirmahan ang annulment papers at mawawalan ng karapatan si Erica bilang ina ni Greyson na kanilang anak. Nagmakaawa si Erica kay Greg kapalit ng magiging nanny siya ng kanilang anak sa loob ng isang taon. Pagkalipas ng isang taon. Kahit labag sa kalooban. Napilitan umalis si Erica para magpakalayo at kalimutan ang pagiging ina ni Greyson. Malaki ang pag sisi ni Greg dahil huli na ang lahat nang matanto niya na umiibig siya sa kanyang asawa. Hinanap ni Greg ang kanyang asawa subalit nawala na lang ito na parang bula. Pagkalipas ng anim na taon. Muli niyang nakita ang kanyang asawa. Subalit malaki na ang pinagbago ni Erica. Isang matapang at palaban na babae.
Romance
1026.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1027.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, the mafia's gem! But in real life, isa lang siyang walang kwentang tao na ipinadala sa mafia's underground world para patayin ang pinuno ng mga mafia group kasama na ang lider ng Devil's Angel Mafia Organization. Hanggang sa muling magtagpo ang landas niya at ng mga taong nagpadala sa kaniya sa mafia's world. Sa pagkakataong ito, kalaban na ang turing nila sa kaniya. Sa gitna ng panganib at kalituhan, isang alagad ng batas, sa katauhan ni Lt. Andrei Montillano, ang maninindigan upang iligtas siya sa bingit ng kamatayan. Dahil sa ginawa ni Andrei, ituturing siyang bayani ni Tamara. Subalit lingid sa kaalaman ng dalaga, pagbabayarin siya ng bilyonaryong binata sa kamatayan ng ama nito na minsan ay naging target niya sa isang misyon. Ngunit paano kung sa huli'y kapwa sila mahulog sa kumunoy ng mapaglarong pag-ibig? Handa ba nilang kalimutan ang poot sa kanilang mga puso alang-alang sa nanganganib nilang anak? May halaga ba ang salitang pagmamamahal sa dalawang taong handang ipaglaban ang prinsipyo at katarungan kung pareho na silang natutupok sa apoy ng galit?
Romance
1025.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Me for Who I Am

Love Me for Who I Am

Siya si Danielle, short for Daniella Marasigan Sandoval. Anak mayaman, kung kayat lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha. Sa katunayan siya ang nag isang anak ni Eduardo Sandovall, ang nagmamay ari ng pagawaan ng mamahaling sasakyan sa bansa. Maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal sa mga taong itinuturing siyang pamilya. Isa lang ang kulang sa kanyang buhay at ang pinakaasam asam niya, walang iba kundi ang atensiyon at pagmamahal ng kanyang ama. Lalaki kasi ang gusto ni Eduardo Sandoval na maging anak kung kayat sobra itong nadismaya ng babae ang lumabas noong manganak ang kanyang asawa na si Victoria Marasigan Sandoval. Muntik kasi itong mamatay nang ipanganak siya kung kayat hindi na siya nasundan o di kaya ay nagkaroon pa ng kapatid. Noong kabataan niya ay isa siyang prinsesa ngunit ng nagkaroon ng isip at nalaman ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa kanya ng kanyang ama ay binago niya ang kanyang sarili. Mula sa magagandang bestida ay pinalitan niya ng maluluwang na t-shirts at jeans. Ang laruan niyang manika ay naging barilbarilan at ang pangarap niyang maging model ay naging taga kalikot ng makina ng mga sasakyan. Ang mga activities na kanyang sinasalihan ay para sa mga kalalakihan, kagaya ng karate, taekwando, shooting, motto cross, drag race at kung ano ano pa. Hindi naman iyon sinabi ng kanyang ama bagkus ay sarili niya itong pasya lalo na ng sabihin nito minsan na ayaw niya sa babaeng mahina kung kayat pati ang pagtatago ng emosyon ay praktisado na niya. Ngunit ang lahat ng kanyang effort ay tila hindi nakikita ng kanyang ama, bagkus ay bale wala ang lahat ng ito sa kanya.
Romance
1027.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Heiress Poor Charming

The Heiress Poor Charming

WeirdyGurl
Sushi "Sushmita Costales" is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate. Her father thinks that she lacks heart and compassion towards other people. She doesn't believe in love and is willing to marry anyone who can be a great asset to her father's company. So her father decided to send her off in a small town in Guimaras, kung saan nakatira ang isang malapit na kaibigan ng ama niya para turuang makisama at mamuhay ng simple. She will then marry the man her father had chosen for her when she comes back. Sushi meets the one and only grandson of her father's friend, Pierce Kyries Allede o mas kilala bilang Pier. Pier, is the opposite of a prince charming or any elite bachelor in the city. He was undeniably poor and simple. The guy doesn't even dress well, halos paulit-ulit lang ang damit nito. Hindi gusto ni Sushi ang pagiging friendly nito sa kanya. He's a commoner in all aspects. Even his well-toned physique and handsome face couldn't hide the fact that Peir couldn't pass as collateral damage. At bakit kumakabog nang mabilis ang puso niya kapag tinititigan siya nito at hinahawakan sa kamay? God, he's poor! She must be out of her mind.
1025.4K viewsCompleted
Read
Add to library
JOIN ME: Rigel Skye

JOIN ME: Rigel Skye

Ako ang anak na pinapangarap nila, at siya ang lalaking pinalaki para sa akin. Hindi kami magka-apelyido o magkadugo ngunit magkapatid ang turingan namin sa loob ng bahay at sa harap ng mga magulang ko. — Heaven Abellana Bata pa lang ay alam ko kung bakit ako pinalaki. Matagal akong naghintay at walang makakapigil sa kagustuhan kong makuha siya. Dapat lang na kunin ko ang bagay na pinangako nila. — Rigel Skye
Romance
1019.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.4K viewsCompleted
Read
Add to library
GAME OF LOVE: Olivia Reid

GAME OF LOVE: Olivia Reid

"I don't do love. Ang pag-ibig ay tanda ng kahinaan. At hindi ako mahina. I am Olivia Reid!" Siya si Olivia Ried, palaban at mala-diyosa ang angking kagandahan; Kinaiinggitan ng mga kababaihan, kinababaliwan ng mga kalalakihan. Ngunit sa likod ng kanyang tapang at ganda ay may isang nakaraang pilit nyang tinatakasan. Ang nakaraan niyang iyon ang dahilan kung bakit isinumpa niya sa sariling hinding-hindi siya iibig kahit na kailan. Kaya naman kahit na marami ang nahuhumaling sa kanya, binabasted lamang niya ang mga ito. Ngunit isang lalaki ang mukhang hindi tinatalaban sa taglay niyang ganda. Si Gabriel Craig na umpisa pa lang ay halata na ang pagkadisgusto sa kanya. At isang malakas na sampal iyon sa pride ni Olivia Reid. Kaya ang plano niya:: Paibigin si Gabriel Craig at pagkatapos ay iwanang luhaan! Ngunit hawak ni Gabriel ang alas tungkol sa tunay niyang pagkatao. At iyon ang ginagamit nitong panakot para maging sunod-sunuran siya sa bawat naisin nito. Pero gaya nga ng mantra niya sa buhay; She is Olivia Reid. Matalino, madiskarte at hindi palulupig. Sa labanan ng talino at patusuhan, sino ang magwawagi? Si Olivia Reid na ginagamit ang taglay na kagandahan para makuha ang lahat ng gusto sa buhay? O si Gabriel Craig na nakakaalam ng kanyang kahinaan?
Romance
1025.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status