Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Voir plusSabina point of view
"Sabina Denise Taylor, bwiset ka talaga! Baka gusto mong patulugin na lang kita sa libingan!” Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang nakakabulahaw na sigaw ni Mommy. Kinapa ko ang lumang relo na nakasabit sa dingding ng aking silid. Basag na ang salamin nito kaya nakakapa ko ang mga numero sa loob niyon. Nagsimula na akong magbilang. Alas sinko na ng umaga. Madalas pag ganitong oras, gising na ako, ngunit ngayon hindi ako nagising sa saktong oras dahil sa sobrang pagod na pagtrabaho. Alas tres na ng madaling araw ako natulog dahil marami akong pinlantsa na mga damit ni Mommy, dagdagan pa ng kay Ate. Akmang tatayo na ako habang naghihikab ng biglang may bumuhos sa akin na malamig na tubig."M-Mom?" Nangangatal ang labi ko habang pinapakiramdaman ang aking ina. Ramdam ko ang sobrang galit ng kanyang presensya sa aking harapan."Aray, Mom, masakit po. Tama na Mom, nasasaktan po ako." Impit na sigaw ko ng bigla niyang kinurot ang magkabilaang pisngi ko. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya pero mas lalo lang humihigpit iyon dahilan upang manghina ako at hinayaan na lamang siya sa anumang gawin niya sa akin."Sabina Denise Taylor hindi ka nakatira rito para magbuhay prinsesa. Nandito ka para sundin ang lahat ng ini-utos ko para naman may silbi ang pagiging pabigat mo!" Lihim akong napahawak sa aking dibdib dahil sa matalim na bagay na parang sumaksak sa loob. Minsan naisip ko, anak ba talaga ako ni Mommy? Bakit magkaiba ang turing nila sa amin ni Ate?“P*****a! Ano, hindi ka pa ba gagalaw diyan? Baka gusto mong gisingin pa kita?” SLAP! Galit niya akong sinampal dahilan upang mapahawak ako sa aking pisngi na nasampal ni Mommy. Sa naalala ko, pangatlong sampal na itong natamo ko mula sa kanya. “Ano ha, gising na ba ang diwa mo? O, baka gusto mong dagdagan ko pa iyan?”“M-Magtatrabaho na po ako, Mom.” nauutal kong sagot at kinapa ang aking walking stick mula sa dingding na pinaglagyan ko. Habang ginagawa ko iyon, panay naman sa pag buhos ang mga luha ko. Parang punyal na tumarak at humiwa sa kaloob-looban ko ang bawat salitang binitawan ng aking ina."Oh Sabina!" For a moment I thought she would comfort me but she’s not, what she did next torn me into million pieces. "Don't give me that crap and get your ass up!" Malakas na hinila ako nito ng hindi ko pa nahawakan ang aking walking stick, dahilan upang maglupagi ako sa sahig."BLAG!""Aray!" I groaned in so much pain habang tutop ko ang likod ko na tumama yata sa upuan."Bakit ba kasi ang bagal mo? Araw-araw iyan na ang ginagawa mo pero hindi ka pa rin sanay?” Naramdaman ko na lang na hinagis niya ang walking stick sa aking harapan. Tumama pa ito sa ulo ko, ngunitnpilit kong ininda iyon. “Magluto ka na dahil male-late na si Samantha sa klase niya, at kapag nangyari yun, malilintikan ka talaga sa'kin." Pagbabanta nito bago ako tuluyan iwanan."BLAG!" napaigtad ako ng mariniig ang biglang pagbagsak ng pinto ng aking silid. Kinapa ko ang aking walking stick na syang karamay ko sa madilim kong mundo. Dati, maliwanag ang buhay ko kasama si Daddy. Ngunit kasabay ng pagkawala niya, nawala na rin ang liwanag sa paligid ko. Mabilis na akong tumayo habang nakatukod sa aking walking stick. Kahit na nahihirapan sa madilim na paligid, binilisan ko ang pagkilos. Kinapa ko ang tsinelas sa ilalim ng higaan ko ngunit hindi ko mahanap kaya minabuti ko na lang na lumabas sa silid ng naka-paa. Hindi ko na din inabala ang sarili ko na magbihis dahil mauubos lang ang konting oras na mayroon ako.Paika-ika akong naglakad sa hallway ng second floor, at sa bawat hakbang ko ay nagdadasal ako na makarating na sa kusina para maiwasan na muling mapagalitan."Sabina! P*****a!"Para na akong mapapatid sa aking paglalakad ng muli kong marinig ang sigaw ni Mommy."Wala na bang ibibilis ‘yang paglalakad mo?" Napahinto ako sa tangkang pag hakbang ng marinig ko ang maarteng boses ng kapatid kong si Samantha.Samantha is my older sibling, the first born kaya naging favorite siya ni Mommy."Ate-!" I was about to answer her question pero hindi ko na natuloy, ng marinig na muli itong nagsalita."Well hindi na dapat ako magtaka kung bakit mabagal ka." Halata ang pang-iinsulto niya sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin dahilan upang uminit ang ulo niya."Mabagal ka kasi BULAG KA! You're basically useless!" Alam kong sinadya niyang sabihin iyon para saktan ang damdamin ko. Ngunit hindi ko iyon pinahalata.“You should thank me then, ate. Dahil kung hindi ako bulag, baka mas lalo kayong maiinggit sa akin.” Kahit durog na ang puso ko, pilit akong lumalaban.“Bakit naman ako maiinggit sa’yo? Hindi mo nga kayang pagsilbihan ang sarili mo!” Galit niyang turan sa akin. Naamoy ko pa ang lansa ng kanyang hininga dahil siguro magkalapit ang aming mga mukha.“Kung ganun, sino ba ang nagsisilbi ngayon sa inyo?” sagot ko, dahilan upang tumahimik siya. Dahil sa galit niya, muntik na akong mahulog sa hagdan dahil sa kanyang pagtulak sa akin. Mabuti na lang nakahawak ako sa railings. Malutong na halakhak ang narinig ko pagkatpos niyon.Tuluyan akong nanghina at magkakasunod na napahinga ng malalim habang pinakikinggan ang papalayong tunog ng heels nito."You're blind, you're useless!""You're blind, you're useless!""You're blind, you're useless!"Hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy dahil sa paulit-ulit na pag-e-echo ng mga salitang binitawan ni Ate Samantha.I am blind, it happened ten years ago dahil sa isang collision na kinasangkutan namin ng Daddy ko. I didn't just lost my sight that time but I also lost my protector and savior. Dahil din sa nangyari ay ako ang sinisisi nila Mommy sa pagkawala ni Daddy.Hindi ko alam kung hanggang ilang oras ako nakasandal lang sa pader at nag-iisip, basta namalayan ko na lang na kinakaladkad na ako ni mommy papuntang kusina."You really are testing my patience, Sabina!" Galit is understatement para ilahad ang tono ng boses ni mommy at natatakot ako sa kung ano ang magagawa niya."I-I'm sorry Mom, b-bibilisan ko na po." Hindi ako magkandatuto sa pagkawala sa mahigpit na hawak ni mommy at sa pagtayo ng maayos.Bago ako tuluyang bitawan nito ay idiniin niya muna ang mukha ko sa lababo bago ako pinagbantaan at tinalikuran. "Bilisan mo at huwag kang tatanga-tanga!"Paulit-ulit akong tumango at nagsimulang maghanda ng pagkain si ate at mommy."Dang it!" Tahimik na mura ko ng sa pagmamadali ay naibagsak ko ang isa sa mga tasa."Anu ba yan bulag na nga tanga pa!" Malakas na pasaring ni ate Samantha na sinadya yata dahil narinig ko ang malakas na boses ni mommy."What the heck, Sabina!?" Dali-dali kong kinapa upang damputin ang mga basag na piraso ng tasa, wala na akong pakialam kung masugat ako.Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo ng maramdaman ko ang hapdi ng kamay ko dahil sa mga bubog na tumimo dito."Mauubos talaga ang dugo ko sa’yo, Sabina!" Sigaw ni mommy at tinabig ako dahilan para mapaupo ako at naitukod ang kamay ko na puno ng bubog."Ahhhh..hmmp!" Piping d***g ko ng maramdaman na lalong bumaon ang mga bubog sa kamay ko."Get the hell out of here, you freak!" sigaw ni Samantha.Tumayo ako at nagtatakbo palabas ng bahay. Kahit na hindi ko nakikita ang paligid ay nagpatuloy ako sa pagtakbo. Walang ibang nasa isip ko kundi ang makarating sa lugar na iyon."Daddy!" Tahimik na usal ko habang tumatakbo."Watch out!” I heard someone shout at kasabay no’n ay ang magkakasunod at malalakas na busina ng sasakyan. “Fuck!” Narinig ko pa ang mahinang mura ng isang lalaki na humawak sa akin bago ako mawalan ng malay.Sabina point of view12 years later...."Sigfred Blaiz, ano itong natanggap kong text from your teacher na nakipagsuntukan ka daw!?" Nakapameywang na tanong ko dito, habang pinanlalakihan ko ito ng mata.Kakagaling ko lang sa conference meeting ng SVE Corporation ng tawagan ako ng teacher nito para lang sabihin na nakipag-away daw ang anak ko.Hindi ito sumagot, tinitigan lang ako nito at pinagkibitan ng balikat."Sigfred Blaiz Taylor Jenkins, kailan ka pa natutong magkibit balikat sa'kin!? You are grounded!" Nang-gigigil na singhal ko dito."Mom, that's unfair, you can't use your mother role to do that!" Giit nito pero pinanlakihan ko lang ito ng mata."Oh! Of course I can," wika ko at nginisihan ko ito bago tinalikuran."Ugh!" Dinig ko pang napu-frustrate na d***g nito.Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig dahil pakiramdam ko ay magkaka-high blood ako sa batang iyon.Abala ako sa pag-inom ng tubig ng maramdaman ko ang kamay na pumulupot sa baywang ko."Nagsusumbong
Vivien point of viewPagkagaling ko sa school ay ibinaba ko lang ang bag ko sa sofa at dumiretso kaagad ako sa kusina para kumuha ng tubig ng mapadaan ako sa opisina ni Mommy at Daddy at dahil sa bahagya itong nakabukas ay dinig na dinig ko ang pagtatalo ng dalawa.Napailing ako dahil lagi silang ganyan sanay na sanay na ako. 'Ano na naman kaya ang pinag-aawayan ng dalawang 'yon?' tanong ko sa aking isipan bago nagpatuloy sa pagpunta sa kusina.Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik na ako sa sala ng maisipan ko na magpakita muna sa dalawa para pigilan ang mga ito sa pag-aaway, pero habang lumalapit ako dito ay mas lumilinaw sa'kin ang pinag-aawayan ng mga ito."Hindi ako makakapayag na bibigyan mo ng pera ang ampon mo!" Sigaw ni Daddy. Napailing ako dahil pera na naman ang pinag-aawayan ng mga ito pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi nitong ampon.'May ampon si Mommy at Daddy? Sino?' Magkakasunod kong tanong at mas lumapit pa ako para mas marinig ko ng malinaw ang pina
Sabina point of viewSix months later...Decades ago I was just a blind girl who dreamt to see the beauty of the world and then I happen to met a ruthless yet sweet and caring billionaire who don't just made my dream come true but he made me his whole world too. Sa loob ng halos dalawang taon na magkasama kami, naramdaman ko ang roller coaster of emotions, ilang kapahamakan ang naranasan at napagtagumpayan namin ng magkasama, muntik na kaming maghiwalay pero hindi hinayaan ng diyos na mangyari iyon. Nawalan kami ng mga taong kakilala pero naka-gain kami ng panibagong mga kaibigan na sumuporta sa'min at nangakong susuportahan kami hanggang sa huli."Baby, don't leave me hanging!" reklamo ni Blake. Napatingin ako dito at saka ko lang naalala na nasa kama nga pala kaming dalawa at kasalukuyan siyang nasa pagitan ng mga hita ko at pinapaligaya ako."Sorry," nahihiyang paghingi ko ng paumanhin at hinawakan ko ang ulo nito para mas ilapit sa basa kong pagkababae."This is your punishment for
Third person point of viewNagkagulo ang mga nurse na abala sa pag-kwentuhan galing sa pagra-rounds sa mga room ng kani-kaniyang pasyente ng mula sa bukana ng hospital ay isa-isang ipinasok ang mga duguang katawan na nakahiga sa stretcher na tulak-tulak ng ilang mga nakaunipormeng pulis at nurse na rumesponde sa nangyaring malaking gulo."We need a doctor here, this one is not breathing anymore!" Kaagad na lumapit ang isang babaeng doctor at bago ito mamgsimulang suriin ang pasyente ay tinawag nito ang dalawang pangalan ng kasamahang doctor."Doc Lim, Doc Dela Constacia, kayo na ang bahala sa magkasunod na pasyente!" Malakas na wika nito at nagsimulang suriin ang pasyente mula sa pag-check ng vitals at pulso nito pero malungkot lang na umiling ang pasyente at tumingin sa pambisig na orasan."Time of death, 7:45 AM," wika ng doctor at lumayo na sa stretcher. Malungkot na itinulak na ng mga nurse ang stretcher papuntang morgue."I'm doctor, Ethan Lim, what's the status of the patient?"
Sabina point of viewPagkagising ko ay mukha kaagad ng nanay ko ang bumungad sa'kin. Iginala ko ang paningin ko sa pagbabakasakaling makikita ko sa kwarto ko si Mommy Aurora pero tanging kami lang dalawa ang tao dito. "Where's Mommy Aurora?" tanong ko dito, namutla ito pero bigla ding ngumiti ng matamis, "umuwi muna sandali, anak para kumuha ng mga malinis na damit." "tss." yun lang ang naging tugon ko at tinalikuran ko na ito. "Nagugutom ka ba? May binili akong prutas baka gusto mo ng apple, ipagbabalat kita o kaya naman ay orange," pinasigla nito ang boses at naglakad papunta sa lamesa kung saan nakalagay ang basket na may lamang iba't-ibang prutas."Hindi ako nagugutom." monotone na sagot ko, dahil nakaharap ako sa may lamesa ay nakita kong humigpit ang hawak nito sa mansanas."Ano ang gusto mo anak? Kahit ano ibibigay ni Mommy," tanong nito sa'kin."Umalis ka, yun ang gusto ko." matalim na sagot ko at ipinakita ko dito na hindi ako natutuwa sa presensiya niya."S-Sorry, anak ku
Sabina's point of view"Blake!" Sigaw ko kasabay ng pagbalikwas ng bangon dahil sa isang masamang panaginip, sa panaginip ko ay naaksidente daw kami and then the next thing ay kumakaway sa'kin si Blake habang naglalakad palayo ng may payapang ngiti, pero nagtataka ako kung sino at bakit may nakahawak sa kamay ng asawa ko na isang batang lalaki na kagaya din nito ay kumakaway habang matamis na nakangiti."Ugh!" Daing ko at kaagad nagsisi sa ginawang mabilisang pagbangon ng maramdaman ko ang matinding sakit na bumalot sa bawat himaymay ng katawan ko."Blake?" tinawag ko ang pangalan ng asawa ko habang ginagala ko ang paningin ko sa paligid, walang kahit isa, maliban sa'kin.Puro puti lang ang nakikita ko, kinusot ko ang mga mata ko dahil baka nagkakamali lang ako ng tingin, pero hindi dahil puro puti lang talaga ang kulay na nakikita ko. Binalot ako ng kaba at madiin kong kinurot ang braso ko sa pag-aakalang baka nananaginip pa ako pero napadaing ako dahil sa sakit, "aray!"Hinimas ko a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Commentaires