Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.910.5K viewsCompleted
Read
Add to library
THE UNFAITHFUL WIFE

THE UNFAITHFUL WIFE

MissThick
Si Cindy ay isang teacher nang nakilala niya si Mark na isang gwapong estudiyante. Sa kagustuhang maranasan yung mga fantasy niya sa sex, pinatulan niya si Mark kahit pa alam niya na mahigpit na ipinagbabawal sa isang teacher na patulan ang kanyang estudiyante. Dahil ibinibigay ni Mark ang sex na gusto niya at si Mark ang una niyag naging karanasan, nabaliw siya sa lalaki. Gusto niyang solohin si Mark ngunit hindi pwedeng exclusive si Mark sa iisa lang. Nasira ang buhay niya. Natanggal siya sa pagiging teacher. Naging call center agent naman siya. Lalong lumala ang kanyang pagkahilig sa sex at dumating sa buhay niya si Raymond. Dahil nagpakita ng kabaitan ang napakagwapong si Raymond, inuwi niya ito sa kanila at sa mga unang mga araw, napakabait nga ng lalaki ngunit wala itong trabaho. Kung kailan mahal na niya si Raymond, isang araw pag-uwi niya, wala na lahat ang pera niya, ang lahat ng mamahalin niyang alahas at gamit kasama ng magnanakaw na si Raymond. Doon na naging lalong magulo ang buhay ni Cindy. Nakipagkita na siya sa kung sinu-sino basta maibigay ang hilig niya sa sex. Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig. Hanggang sa dumating si Daniel sa buhay niya. Si Daniel na naniniwala sa tunay na pag-ibig kaya niyaya itong pakasal sa kanya. Bumuo sila ng isang pangarap. Masaya na ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa hindi nagagawang kontrolin ni Cindy ang kanyang sakit. Sakit na hindi niya alam na mayroon siya. Paano magtatagal ang pagsasama nila ni Daniel kung walang tiwala si Cindy na mahal talaga siya ng lalaki? Paano masasatisfy ni Daniel si Cindy kung may sakit ang babaeng nymphomania na lalong lumala nang may asawa na siya. Na naghahanap na ang katawan ni Cindy ng sex hindi lang kay Dani kundi sa iba pang mga lalaki?
Romance
101.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Cold Billionaire's Deaf Wife

The Cold Billionaire's Deaf Wife

Underworld Queen
Si Samantha Buenaventura ay walang ibang hinangad kung hindi ang mahalin at tanggapin siya ng asawang bilyonaryo na si Lorenzo Montefalco sa kabila nang kawalan niya ng pandinig. Subalit hindi ito naging sapat sa asawa. Halos araw-araw nitong pinadama sa kaniya na kailanman ay hindi siya nito matatanggap bilang asawa niya. Lahat ng panlalait mula sa mga magulang ng asawa, mga kaibigan, at iba pa na nakakakilala sa kanila ay kaniyang tiniis dahil mahal niya ito. Nagpakatanga siya at halos tinanggap lahat ng pasakit mula sa cold niyang asawa hanggang sa isang araw ay nasagad na siya. Napagod na ang kaniyang puso na mahalin ito at magtiis kaya inalok niya ito ng isang annulment subalit hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ng kaniyang asawa na lubusang ikinagulat niya.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Romancing My Husband

Romancing My Husband

Unang kita pa lamang ni Elle kay Navid ay nakaramdam na siya ng kakaibang atraksiyon para rito. Who wouldn't get attracted to Navid? Napakagandang lalaki nito. Idagdag pa na napakabuti ng trato nito sa kanya at sa kanyang lola. At dahil sa kabutihang ipinapakita nito sa kanya ay hindi niya napigilan ang sariling mahalin ito. Alam niyang suntok sa buwan ang mahalin din siya nito kaya't itinago na lamang niya ang pagmamahal niya para sa binata. Ngunit dahil sa isang gabing hindi naman dapat nangyari ay napilitan itong pakasalan siya, sa kagustuhan na rin ng mga magulang nito. Ngunit kahit kasal na sila ay tila wala pa ring nagbago sa relasyon nila. Their marriage was merely on paper, nothing more. Nonetheless, ayaw pa ring sumuko ni Elle. She has loved Navid for years, and now that she has the opportunity to make him feel the same way she does, she will not waste it. So she devised the plan of romancing her own husband.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Miracle is You

The Miracle is You

sun10uni
Deril mencari di setiap ruangan, mulai dari kelas 1 hingga kelas 3, di ruang praktek dan ruang latihan drama, namun gadis itu tidak ada disana. terakhir pemuda itu menemukannya di ruang loker. Hana masih terlihat serius mengecek isi lokernya sebelum pulang. Deril sangat senang dan segera mendekatinya. “Hay…!” ucap Deril sambil berjalan mendekati Hana Tanpa melihatnya Hana sudah tahu bahwa seorang yang sedang menyapanya adalah Deril. Hana mencium aroma parfum bercampur keringatnya yang masih sama sejak setahun lalu. Tentu itu adalah parfum mahal yang dia beli di toko-toko berkelas. “Hay … Deril Batara Sandrian,” jawab Hana. Gadis itu tahu betul bahwa seorang brandal seperti Deril tidak mungkin menemuinya tanpa maksud. “Sepertinya ada urusan yang sangat penting hingga anda menyempatkan diri menemuiku.” Tanya Hana langsung pada pokok permasalahan. “Ehmmm…aku tahu ini memang konyol. Tapi aku membuthkan bantuanmu” ucap Deril sedikit ragu “Great..!” Hana tersenyum bangga saat Deril mengucapkan permintaan tolong padanya. “Ya..apa kita bisa latihan drama bersama setelah pulang sekolah?, aku tidak yakin untuk memintamu, namun aku ingin pementasan nanti berjalan dengan baik” ucap Deril Hana mengangguk. “Oke…aku akan membantumu. Kita akan latihan bersama dengan satu sayarat” ucap Hana “Oke…No paroblem, sebutkan saja apa yang kamu minta” jawab Dilan penuh percaya diri “Kita akan latihan bersama asal kamu mau berjanji tidak akan jatuh cinta padaku” Hana berucap dengan sangat serius. Deril tersenyum mengolok. “ Never “ jawab Deril cepat. Bagi dirinya tidak mungkin jatuh cinta pada gadis biasa seperti Hana, tentu dia sama sekali bukan tipe Deril. Pemuda itu masih tidak percaya jika Hana seyakin itu.
Romansa
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Body Shots (Book II)

Body Shots (Book II)

Bb. Busilak
Happy wife, happy life- ito ang inakala ni Stacy ngayong kasal na sila ni Richard lalo pa at alam niya na mahal na mahal siya nito. Pero ano ang mangyayari kung may matutuklasan siyang inililihim nito? Lalayo ba siya? Katapangan ba o karuwagan kung lalayo silang mag ina?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving the Zillionaire

Loving the Zillionaire

Para kay Vivianne Loresco, ang makilala si Zeke Connor ang pinaka kasumpa-sumpang pangyayari sa buhay niya. Kahit hindi niya pa nakikita ito sa personal, alam niya nang magiging miserable ang kaniyang buhay sa oras na maitali siya rito. Pero wala siyang ibang mapagpipilian kung hindi ang magpakasal sa kaniya, alang-alang sa kaniyang Lola na may sakit. Kailangan niya ng malaking halaga para sa operasyon nito, at mangyayari lang 'yon kung magpapakasal siya kay Zeke Connor—known as the ruthless and merciless Billionaire. Ngunit isang buwan bago ang kanilang kasal, sa kaniyang trabaho, nakilala ni Vivianne ang isang CEO na walang ibang ginawa kung hindi ang i-pamper siya. Pilit niyang nilalabanan ang tukso na huwag mahulog ang loob sa CEO na ito dahil kahit hindi niya mahal ang kaniyang fiancé, nakatakda pa rin silang ikasal sa isa't isa. But what if THIS POSSESSIVE CEO IS THE PERSON SHE'S GOING TO MARRY?! Her future HUSBAND?! Alam niyang malaki ang galit ni Zeke sa kaniya dahil magpapakasal lamang siya para sa pera. Ngunit bakit ngayon ay pinagkakagastusan pa siya nito sa kahit ano'ng layaw niya? Hindi ba alam ni Zeke na si Vivianne ang taong pakakasalan niya? O pinaglalaruan lang siya nito?
Romance
10438 viewsOngoing
Read
Add to library
Two Wives

Two Wives

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Si Emory Meredith Grant, lumaki sa marangyang pamumuhay at nabibile ang lahat ng gusto. Nag mahal ng lalaking hindi angkop at walang maipagmamalaki sa buhay. Ngunit namutawi pa rin ang pag nanais nitong makasama ang lalaking mahal.Wala na itong hihilingin pa kundi ang mamuhay na kasama si Hezekiah, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana nang subukin ang kanilang relasyon. Lumubog ang barkong sinasakyan nila dahil sa malakas na bagyo. Malas na nawalay ito sa kaniyang asawa at hindi na niya nakita pang muli.Parang pinagsakloban siya ng langit at lupa dahil sa trahedyang nangyare. Nagising siya isang araw wala na nga ito sa tabi niya at hindi na babalik pang muli.Sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin itong makikita siyang buhay at babalik sa kaniyang piling. Pero paano kung isang araw ay makita niya itong buhay? Ngunit ang masakit nito ay hindi na siya makilala at higit sa lahat ay malaman na ang dati niyang asawa ay kasal na sa iba? How will she win him back? Do she need to claim her real husband Or do she need to play the role of a mistress? Emory Meredith Grant. A multi billionaire business woman. The heiress, a wife and the mistress..
1021.9K viewsOngoing
Read
Add to library
BABY IT'S ONLY YOU

BABY IT'S ONLY YOU

Nagpasya si Aldrin John Villafuerde na umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng pag-aaral niya sa kolehiyo. Maaga siyang nagbook ng kanyang ticket para maaga rin siyang makarating ng Pinas. Excited na siyang makauwi para bisitahin si Jamaica Montefalcon, ang kababata niya at malapit na kaibigan noong sekundarya. sa di inaasahang pagkakataon ay makakasalubong niya si Athena Salazar, dati nilang kaklase ng sekundarya at matagal ng may gusto sa kanya. Napagplanuhan na ng mga magulang ni Jamaica at Aldrin na ipakasal sila sa lalong madaling panahon kaya naman ay nag-usap sila tungkol sa kasalang magaganap. Pumayag sila sa kagustuhan ng kanilang mga magulang dahil mahal naman nila ang isa't isa pero hindi pa nila ito inaamin sa bawat isa. Matagumpay silang ikinasal ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay unti unting masisira ang tiwala nila sa isa't isa.
Romance
413 viewsOngoing
Read
Add to library
My Bestfriend's Enemy

My Bestfriend's Enemy

Maria Angela Gonzales
Mahal ni Jillian ang bestfriend niyang si Mark Wayne Toledo kaya pumayag siya sa offer ni Lance na ipa-realize sa matalik niyang kaibigan na mahal din siya nito. Iyon nga lang sa huli ay na-realize niyang tinangay na ni Ysmael Lance Madrigal ang kanyang puso. Minahal niya si Lance ng higit pa sa pagmamahal niya kay Mark Wayne at sinabi rin nito na mahal siya pero natuklasan niya ang plano nito -- ang patunayan na pati pag-ibig niya kay Mark Wayne ay kaya nitong agawin. Kaya sa huli, tinanggap niya ang alok na kasal ni Mark Wayne.
Romance
109.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status