My Dark Past
“Diane, anong nangyari? Sino ‘yong siga na ‘yon at mukhang maninira pa ng gate natin?”
“Oo nga, Ate? Patatambangan ko na ba ‘yon? Stalker mo ‘ata ‘yon eh! Noong Sabado ng gabi, ‘yon yata ‘yong pumunta rito. Teka, ipapa-blacklist ko nga ‘yon kay Kuya Greco!” sabi naman ni Dave na lalabas na ulit sana ng bahay kung hindi lang ito pabirong piningot ni Mama sa tainga nito.