Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Paid to Say I Do

Paid to Say I Do

Ang kuwento ay umiikot sa isang simpleng babae na nagtatrabaho bilang warehouse helper sa isang kumpanya. Tahimik ang kanyang buhay hanggang sa biglang magkasakit ang kanyang ina at mangailangan ng agarang operasyon. Dahil kapos sa pera, napilitan siyang maghanap ng dagdag na pagkakakitaan. Labag man sa kalooban niya ay pumasok siya bilang Escort sa isang bar. Dito niya nakilala ang isang lalaki, handa siyang tulungan nito kapalit na kailangan niya rin itong tulungan dahil kailangan ng lalaki na may babaeng ipapakilala sa magulang niya bilang fiancee. Dahil kailangan daw munang maikasal ng lalake bago nito makuha ang mana mula sa magulang niya. Laking gulat ng pamilya ng lalaki nang malaman nila kung sino ang babaeng napiling pakasalan ng kanilang anak. Nadiskubre nilang ang babae ay biological daughter ng kanilang matagal nang karibal sa negosyo. Nalaman nilang pinaampon ang babae noong bata pa siya upang maitago ang kanyang tunay na identity at mailayo sa magulong mundo ng kapangyarihan at yaman. Nakita ng pamilya ng lalaki ang pagkakataon na gamitin ang babae laban sa kanilang karibal sa negosyo. Pinlano nilang ituloy ang kasal bilang bahagi ng kanilang corporate strategy, para mapabagsak ang pamilya ng babae. Habang tumatagal, ang dating kontrata ay nauwi sa tunay na pagmamahalan. Dalawang araw bago ang kasal, nalaman ng babae ang kanyang tunay na identity. Iniisip niya kung itutuloy pa ba ang kasal sa kabila ng kasinungalingan, o talikuran ang lahat upang protektahan ang sarili niya. Nang malaman ng lalaki ang tunay na plano ng kanyang mga magulang, tumutol siya rito. Handa siyang talikuran ang mana at labanan ang sariling pamilya para sa babaeng minahal niya. Sa gitna ng corporate rivalry, family politics, at personal betrayal, kailangang magdesisyon ang dalawa kung ang kanilang pagmamahalan ay sapat upang lampasan ang mga lihim at interes na bumabalot sa kanilang relasyon.
103.4K viewsOngoingAdded to Library 99 Times as dating simulator
Read
+Library
Dirty Secret of the CEO's Wife

Dirty Secret of the CEO's Wife

Wild and immodest are just a few words na ikinakabit sa pangalan ni Atashia Magnoia. Bakit? Anak kasi siya ng isang babaeng mababa ang lipad. People condemn her because of her mother's work. Dahil dito kaya simula noong bata pa siya ay pilit niyang pinatutunayan sa lahat na iba siya sa kaniyang ina. Sa kabila ng pangmamaltrato na kaniyang nararanasan, hindi niya magawang iwanan ang kaniyang nanay. Wala kasi siyang ibang matatawag na pamilya maliban dito. Hanggang sa dumating si Lance Henzon sa buhay ni Atashia. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang kinamulatan na buhay ng dalaga. Sa kabila ng pagiging CEO ng Henzon Group of Companies, walang takot niyang aalisin ang babaeng minamahal sa putikan na kinasasadlakan nito, kahit kapalit noon ay madungisan ang apelyido na iniingatan niya. Handa siyang maging tanga at katawa-tawa sa ngalan ng pag-ibig. Pakakasalan niya si Atashia dahilan para isumpa siya ng kan'yang buong pamilya. Iiwan n'ya ang karangyaan at magtratrabaho siya bilang isang construction worker para buhayin ang kaniyang asawa. Sa kabila ng hirap, magiging masaya silang dalawa. Ngunit isang aksidente ang babago sa lahat. Sa muling pag-gising ni Lance, mamumulat siya sa katotohanan na ang kan'yang asawa ay nakalimutan na ang kanilang sumpaan at naging katulad na rin ng kaniyang biyenan. Bukod pa roon, may anak na si Atashia na pilit ipinaaako sa kaniya. Ang pusong dating wagas kung magmahal ay babalutin ng matinding poot at kasamaan na magdudulot ng matinding sugat sa mga puso nila. Ang kasal na nagbibigkis sa dalawa ay tatalikuran ni Lance at sa iba niya hahanapin ang panibagong kaligayahan. Ngunit paano kung gawin ni Atashia ang lahat upang muli siyang mapaibig, babalikan n'ya pa rin ba ang kan'yang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng dirty secret?
1025.7K viewsCompletedAdded to Library 539 Times as dating simulator
Read
+Library
Falling for My Ex-Husband Who's Now My Boss

Falling for My Ex-Husband Who's Now My Boss

Apat na taon na nagmahalan si Sariah Marie Quiambao at si Zayne Benj Suarez. Mula sa pagiging magkaklase sa kolehiyo hanggang sa pagiging mag-asawa, akala nila ay sapat na ang pagmamahalan para malampasan ang kahit anong pagsubok. Pero dalawang taon matapos ang kasal nila, si Sariah mismo ang humiling ng divorce sa lalaki. "Isang linggo lang akong nawala, hiwalayan agad ang gusto mo?" masakit na tanong ni Zayne. "Hindi na kita mahal," malamig na sagot ni Sariah. "Nagsawa na ako. At isa pa... wala kang pera." Sa huli, pinakawalan ni Zayne ang babaeng pinakamamahal niya at tuluyan silang nagkanya-kanyang landas. Pagkaraan ng apat na taon, muling nagtagpo ang dalawa sa paraang hindi inaasahan ni Sariah. Ang dating lalaking pinili niyang iwan ay isa na ngayong bilyonaryong negosyante. Mas masakit pa rito? Binili ni Zayne ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. At mula sa pagiging ex-husband... naging boss niya ito. Inihanda na ni Sariah ang sarili para sa paghihiganti. Para sa mga masasakit na salita. Para sa lahat ng sama ng loob na maaaring itinanim niya noon. Ngunit sa bawat pagkakataong inaasahan niyang pababagsakin siya ni Zayne, ito pa ang lihim na nagpoprotekta sa kanya. Sa bawat pangarap na matagal na niyang binitiwan, si Zayne ang tahimik na tumutupad. At sa bawat hakbang na ginagawa niya para lumayo, mas lalo siyang hinihila ng lalaking akala niyang matagal nang tumigil sa pagmamahal sa kanya. Hanggang sa isang gabi, nang akalain niyang pansamantalang kasunduan lang ang namamagitan sa kanila, isang bagay ang nagpayanig sa buong mundo niya. Dahil hindi pala pagbabayad ng utang o paghihiganti ang pakay ni Zayne… Mula pa noong araw na iniwan ni Sariah si Zayne, iisa lang ang plano ng lalaki, ang bawiin ang Ex-Wife at ikulong sa mga bisig niya. At sa pagkakataong ito, hindi na niya ito pakakawalan.
102.2K viewsOngoingAdded to Library 51 Times as dating simulator
Read
+Library
The Silent Billionaire

The Silent Billionaire

Madeson-Luke Salazar ang tunay na pangalan ni Lucas ang kaisa-isang tagapag mana ng pamilya Salazar ang lahat ng ari-ariang naiwan ng yumao niyang ama na hindi man lang nito nasilayan. Isang proposal ang inalok ni Lea kay Lucas na tinanggihan naman ng binata. Sa kalaunan ay nagsisi din ang binata sa pag tanggi sa alok ng dalaga. Napag tanto ng binata na mahal niya pala ang babaeng tinanggihan niya. Si Leah Martinez ang kababata ni Lucas na labis ang pagmamahal sa binata hindi nito ikinahihiya ang pagka gusto nito sa binata. Dahil sa kabiguan sa binata ay lumayo ito upangangibang bansa at makalimot sa binata. Nagbalik si Leah na may asawa na ito si Noel at labis ang pag hihinagpis ni Lucas dahil hindi na niya maaaring mahalin ang babaeng matagal niyang hinintay sa loob ng ilang taon kaya naman ay ibinaling niya ang pagtingin sa ibang babae. Umosbong ang bangayan sa pagitan ni Leah at Noel. Ang resulta nagulo ang mundo ng dalawa. Isang trahidya ang naganap sa buhay ni Leah at ng kanyang Asawa na si Noel. Natuksalan ni Lucas na isa pala siyang Ampon ng mag asawang Remi at Isko at ang totoong magulang nito ay isang mayaman at siya ang kaisa isang tagapag mana ng Billionaryong si Luis Salazar. Nagka amnesia si Leah kaya naman ay hindi niya nakilala ang binata, subalit habang hindi niya naalala ang binata ay lihim na niya ito minahal na hindi alam ng binata. Mapa ibig pa kaya ni Lucas si Leah sa puntong malaman ng dalaga na dati niya na pala ito inalok ng kasal. Ang dating Leah Martinez ay kilala ang mahirap na si Lucas, ngunit ang bagong leah ay kilala niya ang binata na bilyonaryo. Kaya bang ipag tapat ng binata sa kanya na isa pala siyang billionaryo?
109.5K viewsCompletedAdded to Library 218 Times as dating simulator
Read
+Library
PREV
1
...
363738394041
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status