Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Raising The Billionaire's Child

Raising The Billionaire's Child

- Tagalog Novel - Hindi anak ni Hannah si Elisha, pero higit pa sa sariling dugo't laman na itinuring niya itong pamilya nang abandunahin ito ng tunay nitong mga magulang. Apat na taon na tumayo siyang ama at ina nang sabay sa bata. Until Elisha's biological parents suddenly reappeared in their lives. At bago pa mapagtanto ni Hannah ang nangyayari, binabawi na ng ama nito ang bata mula sa kanya. Pero gano'n na lang ba iyon? Matapos ang lahat ay tila siya pa ang masama? Up to what lengths could a mother go to keep her child? Kahit na hindi si Hannah ang nagsilang kay Elisha, gagawin pa rin niya ang lahat para ipaglaban ito.  Even if it would mean going against the dangerous Billionaire, Nate Sarmiento in the process. Kahit pa mukhang wala siyang karapatan, Hannah still raised his child and that’s an irreversible fact. But would Hannah survive the harsh treatment before she could even see Elisha again? If she would, what about from Nate’s charms? Could her inexperienced heart handle the danger of falling in love with a man who loves someone else?
9.746.7K viewsCompletedAdded to Library 1.2K Times as diary examples tagalog
Read
+Library
The Billionaire's Kryptonite

The Billionaire's Kryptonite

- TAGALOG NOVEL- Nang magdisi-otso anyos si Lara, nagpakasal siya sa isang lalaking pakakasalan dapat ng ate niya labing isang taon na ang nakararaan. Pero hindi dumating sa araw ng kasal nila si Miguel Villareal at ipinaabot lang ang mga dokumentong kailangan niyang pirmahan. Five years later, hindi pa rin nagpakita kahit na minsan ang asawa niya sa kanya. Kaya naman naghamon na siya ng hiwalayan. But when Migo learned of her wish to end their marriage, he disagreed to set her free. Pinagtrabaho siya nito sa kompanya nito pero bawal niyang ipagsabi na asawa siya ng may-ari. Bukod pa ro'n ay sa pinakamababang pwesto siya nito pinagsimula. At idagdag pa na wala pa ring pagkakataon na makita niya ito sa trabaho. Offended and hurt, Lara demanded him to sign their annulment papers and be done with their marriage. Pero hindi niya inexpect na susugod ang CEO sa cubicle niya para lang punitin sa harapan niya ang mga papeles na pinadala niya rito. But what shocked Lara most was how devilishly handsome her husband, Miguel Villareal was! Did she really want to annul their marriage? Would meeting him again for the first time after so many years be the start of something beautiful between them, husband and wife? Or would the truth behind Migo’s decision to keep her away from him tear her apart? After all, Migo was a powerful man and behind every man of that status was a kryptonite his enemies were so eager to find.
1074.2K viewsCompletedAdded to Library 1.6K Times as diary examples tagalog
Read
+Library
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
4.6K viewsCompletedAdded to Library 125 Times as diary examples tagalog
Read
+Library
PREV
1
...
282930313233
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status