Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
A Mistress's Revenge

A Mistress's Revenge

Paano nga ba maging masaya lalo na kapag nalaman mong isa ka na lang kabit ng lalaking unang nangako sa'yo ng kasal at pagmamahal? Si Joy Fuego, isang simpleng babae na masaya at kuntento na sa buhay pag-ibig niya kay Ricks Gregorio-- ang kan'yang nobyo dahil kahit na mahirap lang sila pareho ay responsable at mapagmahal naman ito sa kan'ya. Hindi man nito naibibigay sa kan'ya ang lahat ay alam niyang mahal na mahal siya nito at kahit na kailan ay hindi siya nito magagawang lokohin. Pero paano na lang kapag dumating ang isang malaking pagsubok sa pagsasama nila at malaman niyang kasal na pala ito sa iba? At ang masakit pa ay bago lamang nito nakilala ang babaeng pinakasalan. Matitiis ba niyang maging isang kabit lang ng lalaking pinakamamahal alang-alang sa magiging anak nila o nakahanda na siyang palayain ito at hayaang lumigaya sa piling ng babaeng pinili nitong pakasalan?
Romance
106.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Still You

Still You

Hindi inasahan ni Laura na may epekto pa rin sa kanya si Lance makalipas ng mahigit isang taon na hindi nila pagkikita. Napagtanto niya iyon nang muli silang magkita sa wedding rehearsal ng mga kaibigan nila at nang masundan pa ang mga pagkikita nila. Hindi man naging opisyal ang relasyon nila, si Lance ang unang lalaking totoong minahal niya pero bigla na lamang na naputol ang komunikasyon nila. Nalaman na lamang ni Laura na inagaw nito ang girlfriend ng best friend nito. Sinubukan ni Laura na iwasan si Lance dahil siguradong magugulo lang nito ang maayos niyang buhay kapag muli silang nagkalapit. Pero hindi siya nagtagumpay dahil tila sinasadya ng pagkakataon na magkasama sila. Eventually, Lance asked her for a second chance. Pumayag naman si Laura. Ang akala niya ay wala na silang magiging problema, pero natuklasan niya ang malaking kasalanan na nagawa sa kanya ni Lance.
Romance
106.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)

MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)

Nakipaghiwalay si Kisses sa boyfriend niyang si Dashiel. High School pa lang naman kasi sila kaya hindi niya gaanong sineryoso ang kanilang relasyon. At matapos naman ang ilang taon simula ng mamatay ang kanyang ama, bigla na lang ini-announce ng kanyang ina na nag asawa na ulit ito. Ang masaklap pa roon, hindi niya inaasahan na ang napangasawa pala ng kanyang ina ay si Dashiel, na siyang Ex boyfriend niya... at ngayon ay Stepfather na niya!
Romance
485 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
You Ruined My Life Mr. Velasco (BOOK 1)

You Ruined My Life Mr. Velasco (BOOK 1)

Na lugi ang kompanya nina Aaliyah kaya nagpag desisyonan ng kanyang ama na ipakasal siya sa anak ng kanyang business partner na si Alexander Velasco. Una hindi pumayag si Alexander na ipakasal siya kay Aaliyah dahil hindi niya mahal ito at may nobya siya na si Jennifer. Kalaunan na kombinsi din siya ng kanyang ama na pakasalan niya si Aaliyah. Sa araw mismo ng kasal nina Alexander and Aaliyah nagsimulang lumayo ni Alexander imbis na si Aaliyah ang kasama niya sa honeymoon nila pero si Jennifer ang isinama ni Alexander. Tumigil si Aaliyah sa trabaho niya dahil gusto ni Aaliyah na mahalin din siya ng kanyang asawa lahat ng bagay ginawa niya luto, laba, linis at iba pa. Pinagsilbihan niya ang kanyang asawa pati sa kama ngunit hindi na appreciate ni Alexander ang mga ginawa niya sa tingin ni Alexander pera lang ang habol ni Aaliyah sa kanya. Nakipagkita na si Aaliyah Kay Jennifer pinagbantaan niya ang babae na kapag hindi siya lalayo kay Alexander ipapakulong niya ito. Tumopad si Jennifer sa usapan nila na lalayo siya kay Alexander. Akala ni Aaliyah na maging masaya na silang dalawa ni Alexander at matutunan na siyang mahalin ng lalaki pero mali pala siya sa paglayo ni Jennifer nagsimula na siyang saktan ni Alexander. Tumigil lang ang pananakit ni Alexander sa kanya nang nagdalang tao si Aaliyah pero lumayo si Alexander sa kanya minsan lang umuwi si Alexander sa kanya. 4 months ang kanyang tiyan pumasok sa buhay nila si Genna ang kanyang step sister ito nanaman ang kalagoyo ni Alexander. Araw araw nagdusa si Aaliyah kaya napag desisyonan niyang umalis na lang at iwan si Alexander. May book 2 po ito
Romance
173 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Art of Destiny

Art of Destiny

Juanmarcuz Padilla
Dahil sa labis na pagkagahaman sa yaman, ang lihim pala ng pagpapakasal ni Rose Mary Gaile De La Luna Villadencio kay Kent Jino Zeke Domingo ay isang plano ng paghihiganti. Walang alam ang binata na matagal na itong pinagplanuhan ng ama ni Rose Mary na si Jonathan Villadencio at maging ang lihim na relasyon nina Rose Mary at Drax Steve Del Valle. Ang kasal ang magiging katuparan ng masamang tangka ng pamilya kay Jino at sa mga taong mahal niya. Hanggang sa nagising na lamang si Jino sa isang Isla sa Palawan na taglay ang pangalan ni Jino Favila, ang yumaong nobyo ni Naikkah Mae Miraflores. Kung sining ng tadhana ang naganap para magkita sina Jino at Naikkah, sapat na ba ang pagkikita nila para sabihin na sila talaga ang para sa isa't isa? Paano ang pagiging legal na asawa ni Jino sa kay Rose Mary? Sino kaya ang pipiliin niya? Ang dating pag-ibig na nagdala sa kaniya sa kapahamakan? O ang isang buhay na nasa sinapupunan ng babaeng hindi niya kilala pero natutunan na niyang mahalin?
Romance
102.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Bodyguard Is Now A Billionaire (Tagalog)

My Bodyguard Is Now A Billionaire (Tagalog)

Kylie never thought she would end up falling inlove with her bodyguard slash soon to be brother. Taga bantay at driver niya lang dapat ito, pero nahulog siya sa binata, sinong hindi maiinlove sa lalaki? He's perfect! Para sa kanya ay perpekto na ito. gwapo, mabait, masipag at higit sa lahat matalino! Hindi man ito mayaman ay ayos lang sa kanya. Ang problema nga lang sa binata ay lagi lang itong seryoso. Bibihira magsalita na kulang na lang ay mapanisan ng laway. Masaya siya ng malamang may nararamdaman din pala sa kanya ang binata. Dahil gusto nga ng magulang nila na ampunin ang naging lihim muna ang relasyon na meron sila. Kaso wala talagang sekretong hindi nabubunyag nalaman ng parents niya ang relasyon nila. Dahil doon nagdesisyon ang mga ito na ipadala sa ibang bansa ang binata at kuya niya para doon ipag-patuloy ang pag-aaral. Hindi niya iyon alam. basta pag gising nalang niya kinabukasan. Wala na ang lalaking mahal niya iniwan siya ng walang paalam. Years past nakalimutan na niya ang lahat. Naka-move on na siya at masaya na ulit. Pero mapag laro talaga ang tadhana kung kailan ayos na siya bigla namang bumalik ang binata at hindi na ito basta basta dahil nalaman niya na isa na itong bilyonaryo. At ang masaklap pa, makakasama niya ulit ito sa iisang bahay at trabaho. What will she do? How will she deal with the man who broke her heart then?
Romance
9.948.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
I am your Legal Wife

I am your Legal Wife

Dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama at pagkakalubog sa utang, napilitang magtrabaho si Nathalie sa bahay ng kanyang Tiyo Antonio bilang isang kasambahay, at ang kanyang ama naman bilang isang hardinero upang mabayaran ang lahat ng ginastos ng mga ito sa hospital. Sa ikalawang pagkakataon na inatake sa puso ang kanyang ama ay kinailangan na nito ng heart bypass surgery, kaya nama nanghiram ulit siya sa mayaman na asawa ng kanyang tiyuhin ng pera na si Daphne, ngunit iba na ang hiniling na bayad nito. Iyon ay ang pagpapalit niya ng mukha at gayahin ang mukha ng kanyang pinsan. Ito ay sa kadahilanang nais nang mapapangasawa ni Andrea na si Caleb Lopez na masiguradong malinis ito bago sila ikasal. Hiniling ng bilyonaryo na may mangyari muna sa kanila bago ang kasal. At dahil marami nang nagdaang lalake sa buhay ni Andrea, siguradong tatanggi si Caleb na pakasalan siya kapag nalaman na Hindi na ito malinis. Wala nang nagawa si Nathalie nang isang gabi ay bigla na lamang may sumira sa kanyang mukha kaya naman napilitan siyang sumailalim sa plastic surgery upang maging kamukha ng kanyang pinsan na si Andrea. Papayag ba siyang makipagniig sa lalakeng nakatakdang pakasalan ng kanyang pinsan? Paano kung siya ang alukin nito ng kasal at hindi ang tunay nitong kasintahan? Bilang paghihiganti sa mga nanakit sa kanila ng kanyang ama, pumayag siyang magpakasal sa bilyonaryong si Caleb Lopez.
Romance
1011.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
Romance
10382 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Walang maramdaming kahit na katiting si Lucilia mula sa asawa. At kinamumuhian siya ng anak niyang lalaki dahil gusto nito ng ibang nanay. Hanngang sa mapagod at mapuno na si Lucilia ay nakipaghiwalay siya sa asawa. Iniwan niya ito. Umalis siya kasama ang anak na babae. Nagpatulong siya para ma divorce sa asawa sa pinakasikat at high paid na lawyer na si Donovan, na best friend ng asawa niyang si Nolan. Matagal ng gusto ni Donovan si Lucilia pero naunahan siya ni Nolan. Pero ngayon ay hindi niya na palalampasin ang pagkakataon na mapasakanya si Lucilia. Kaya gumawa siya ng kasunduan na tutulungan niya si Lucilia na ma divorce sa asawa kung papayag itong magpakasal sa kanya pagkatapos. Papayag ba si Lucilia? Makukuha ba ni Donovan si Lucilia? Abangan ang kwento nina Donovan at Lucilia...
Romance
8.79.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status