Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Limang taon na kasal si Yeon Na kay Henry, pero sa isang iglap, naghiwalay rin sila dahil sa isang masakit na paratang na baog daw siya. At para gawing mas masahol pa ang lahat, isang linggo matapos ang diborsyo nila, nakatanggap pa siya ng imbitasyon sa baby shower ng sarili niyang nakababatang kapatid—na buntis sa dating niyang asawa. Bigo man at sugatan ang puso, gumawa siya ng isang matapang na desisyon. Lumapit siya sa nag-iisang lalaking alam niyang makakatulong para muling mabawi ang dignidad niya—si Sire Vemeer, ang kanyang boss. Isang kilalang playboy, isang bilyonaryong CEO, at... half-brother ng ex-husband niya. Hindi para umibig. Hindi para magka-relasyon. Isa lang ang gusto niyang mangyari... ang mabuntis. Kung nakaya siyang pagtaksilan ng kanyang kapatid at ni Henry, kaya niya ring gumawa ng paraan para gumanti sa mga ito. Gagamitin niya rin ang kapatid ni Henry para maipamukha rito na hindi siya baog. Na kaya niyang magdalang-tao. Pero paano kung ang panandaliang plano ay mauwi sa permanenteng koneksyon? At paano kung, sa gitna ng paghihiganti, matutunan niyang magmahal muli, sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya pinangarap?
Romance
10562 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko

Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko

Pagkatapos ideklara ng doktor na brain dead ang anak kong si Mia Powell, kinumbinsi ako ng asawa kong si Liam Powelle na pirmahan ang organ donation consent form. Kasalukuyan ako noong nalulunod sa pagdadalamhati at malapit na ring mawala ang katinuan sa aking isipan. Dito ko aksidenteng nadiskubre na ang doktor ng aking anak na si Blair Lincoln ay ang dating kasintahan ng aking asawa. Nagsinungaling sila sa pagiging brain dead ni Mia para pirmahan ko ang form at makuha ang puso nito na kanilang gagamitin para mailigtas ang anak ni Blair na si Sophia. Pinanood ko ang pagsundo ni Liam kay Sophia sa ospital. Nakangiting umalis ang mga ito para bang isa silang perpekto at masayang pamilya. Nang kumprontahin ko ang mga ito, agad nila akong itinulak para mahulog mula sa isang building na siyang ikinamatay ko. Nang mabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, bumalik ako sa araw kung kailan ko dapat pirmahan ang organ donation form. Tahimik akong nangako habang tinititigan ko ang nakahigang si Mia kaniyang hospital bed. Buhay ang sisingilin ko sa lalaking iyon at sa ex nito nang dahil sa ginawa nila kay Mia.
Maikling Kwento · Rebirth
460 viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Contract Wife

The Billionaire's Contract Wife

Desperada at wala nang ibang mapagpipilian, pumayag si Hiraya Lyn—isang matatag at determinadong dalaga—na pumasok sa isang contract marriage kasama si Nexus Watson, isang malamig at misteryosong bilyonaryo. Hindi simple ang naging dahilan ni Hiraya sa pagsang-ayon niya—ang kanyang nakababatang kapatid ay may malubhang sakit na cancer, at ang perang iniaalok ni Nexus ang tanging pag-asa nilang makapag pagamot ito. Si Nexus, na kilala sa kanyang pagiging walang-awang negosyante, ay may sarili ring dahilan. Ang kanyang pinakamamahal na lola—ang tanging taong minahal niya ng buong-buo—ay tumatanda na at may hiling na makita siyang ikinasal bago ito pumanaw. Upang tuparin ang kahilingan nito—at panatilihing ligtas ang kanyang puso—nag-alok siya ng isang kasunduan. Isang taon lamang ang itatagal ng kanilang kasal, walang sabit, walang damdamin na masasangkot. Habang binabagtas nina Hiraya at Nexus ang kanilang huwad na relasyon, at habang namumuhay sa iisang bubong ay unti-unting nagiging totoo ang nararamdaman nila. Mula sa isang malamig at pekeng kasunduan, unti-unting umusbong ang isang damdaming hindi nila inaasahan—pag-ibig. Pero sa gitna ng mga lihim, pagpapanggap, at sakit, kakayanin ba ng relasyong sinimulan sa kasinungalingan ang paglabas katotohanan?
Romance
10405 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
Maikling Kwento · Romance
438 viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Substitute Bride

The Substitute Bride

Tumakbo sa mismong araw ng kasal nito ang ate ni Cassandra, kaya para makaiwas ang kanilang pamilya sa kahihiyan ay siya ang ginawang pamalit bilang bride at pinakasalan ang nobyo ng kaniyang ate na si Sawyer Valdez. Tatlong taon silang magkasama ni Sawyer at unti-unti ring nagkamabutihan ng loob. Ngunit kung kailan umuusbong ang kanilang mga damdamin, dadating naman ang kaniyang ate na siyang sisira at hahadlang sa kanilang dalawa na magkaroon ng happily ever after. HANGGANG saan kaya ang kaya ni Cassandra na ipaglaban ang karapatan sa kaniyang asawa, ga'yong pinamukha nito sa kaniya na hindi siya kailanman minahal at ang ate lang niya ang mahal nito. Kakayanin kaya niyang tumira sa pamamahay nila na kasama ang kaniyang ate na pilit inaagaw ang asawa?
Romance
343 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince

The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince

**MATURE CONTENT** Territorial Mafia Series 2: Vaughn Crossban --- He is a doctor. He is a billionaire. He is the ruthless leader of the Northern Mafia. Vaughn Christian Crossban, 27 years old, a dangerously handsome, filthy rich, and the most sought-after bachelor in the city. He can heal you, destroy you, or buy your entire existence with a single command. But beneath the perfection is a man intoxicated by control, armed with a god complex and a heart incapable of mercy. Vaughn doesn’t believe in love. He vowed never to kneel, beg, or cry for any woman. No woman could ever do that to him, not even his ex-fiancée. Admirable Kim Adore, ang babaeng hindi sumipot sa mismong araw ng kasal nila. Ang babaeng walang takot na iniwan ang isang katulad niyang bilyonaryo, at ipinagpalit lamang siya sa isang lalaking wala sa kalingkingan niya. Dahil sa galit... sa pride at ego niyang niyurakan, sinira niya ang lahat kay Mira. He watched as she drowned in debt, cursed by misfortune. At natutuwa siyang paglaruan ito. Para sa kanya, she was nothing but a toy… someone to manipulate, control, and discard. Pero paano kung lahat ng katagang binitiwan niya noon... ay siya ring kakainin niya sa huli? Paano kung ang larong sinimulan niya ay nauwi sa isang pagmamahal na hindi na niya kayang pigilan? Sa isang pag-ibig na hindi inaasahan, may pag-asa pa bang makaligtas ang isang cold-hearted prince sa apoy ng sarili niyang kapahamakan?
Mafia
10340 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire’s Successors

The Billionaire’s Successors

ManitaMeenara_
Jaxton Ricafrente came from a rich family and 'cursed' family. In able for them to inherit what rightfully is for them, they have to bear a child before they reach the age of 25. Pero hindi ganoon kadali ang lahat ng iyon dahil karamihan sa pamilya nila ay baog, na minana pa nila sa mga ninuno nila. They have to do everything; professionally, medically, traditionally. Lahat gagawin nila upang maging posible ito. And there is Cindy Gamboa. His long-time friend, who fell in love with him unexpectedly. She's aware of their family's background and don't want to be involved regardless on how much she loves Jaxton. Until one night came, they're both dr*gged and drunk. The unexpected thing happened. Hindi tanggap ng pamilya ni Cindy ang nangyari at gusto ng mga ito ipalaglag ang batang dinadala niya. Wala ring alam si Jaxton tungkol dito at wala siyang balak ipaalam sa binata. Just like the other girls he's been with, she'll be thrown out once he finds out that she's bearing his child. At ayaw niyang mangyari 'yon, so, she left Manila for good. Nandoon ang pangamba ni Cindy na kapag nalaman ni Jaxton na anak niya ang dalawang bata ay ilayo niya ang mga ito sa kanya at maiwan siya. Hanggang kailan maitatago ni Cindy ang katotohanan? Ngayong nakita niya muli si Jaxton, nanaiisin kaya nito na maging parte ito ng kanilang tahimik na pamumuhay?
Romance
10343 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10320 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
'Till Contract Do Us Apart

'Till Contract Do Us Apart

Para masalba ang kompanya ng kanyang ama, napilitan si Bianca na pakasalan si Lucien Hoffman—isang ruthless at disabled na lalaki. Ngunit sa mismong araw ng kanilang kasal, nagulat ang lahat nang makita nilang nakakalakad ito nang maayos. At hindi lang iyon, napakaguwapo pa ni Lucien! Nang magtagpo ang kanilang landas, malamig na sinabi ni Lucien kay Bianca, "I will never love you or sleep with you. To me, you're nothing but a contracted wife." Ngunit dumating ang araw na hindi na niya magawang sundin ang nakasaad sa kontrata. Malumanay niyang sinabi, "I don't know, but I lose my mind when you're not here with me. Now, I’ll treat you as my wife. I will love you and… make love to you.” Umiling si Bianca. “It's a breach of contract! Do you know you'll have to pay for it?” Ngumiti si Lucien. “I can pay for that breach of contract even multiple times, as long as you'll be mine." Ngunit paano kung ang kontratang nagbuklod sa kanila ay siya ring maging dahilan para magkalayo sila?
Romance
10268 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Doctor Calyx: Touch Me Gently

Doctor Calyx: Touch Me Gently

Mataba. Nerd. Walang kaibigan. Ganito noon si Calyx Monteverde—isang binatang pinangarap lamang mahalin ng babaeng tinitibok ng puso niya, si Sahara Villareal. Maganda. Seksi. Perpekto. Ngunit sa halip na matamis na ngiti, kahihiyan ang isinukli ni Sahara sa kanyang lihim na damdamin—sa harap ng lahat. Lumipas ang mga taon. Si Calyx, ngayo’y isang kilalang, mayaman, at magaling na doktor. Si Sahara? Bagsak ang negosyo, naghihirap, at desperado. Malubha ang sakit ng ama niya—at tanging si Dr. Calyx ang makapagliligtas. Ngunit paano kung ang lalaking minsang pinahiya mo ay siya ring tanging pag-asa ng ama mo ngayon? At paano kung wala kang sapat na pera para bayaran ang kanyang serbisyo? May isang kondisyon si Calyx—ang katawan ni Sahara ang magiging kabayaran. Ngayon, sa harap ng muling pagtatagpo, ano ang nanaig sa puso ni Calyx—ang matagal na pagmamahal o matinding paghihiganti?
Romance
10255 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1819202122
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status