My Loveless Marriage With Attorney Chandler
Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.”
Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?