Eternally
Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya.
Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya.
TIME TRAVEL.
At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso.
Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?