Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Ceo's Accidental Prodigy Baby

The Ceo's Accidental Prodigy Baby

"Who are you?" tanong ni Arlon habang hawak sa braso ang isang bata na babae. "Let go of me. You scumbag!" The arrival of his daughter awakened a longing for connection and love that he had never known. He loved Charlotte unconditionally but found himself lost, unsure of how to bridge the gap that had formed between them. Umiiyak si Charlotte sa isang kwarto. Puno iyon ng mga laruan na pambata, stuff toys at puno ang closet niya ng magaganda na dress ngunit wala sa mga iyon ang nakakuha ng ngiti at attention ng batang si Charlotte. As fate intertwined their lives, the complexities of love, sacrifice, and the unbreakable bond of family began to unfold. In their journey through the trials of life, would they discover that true strength lies not in perfection, but in the messy, beautiful reality of loving one another? "Wala sa inyo ni Miss Ophelia ang nagmatch ng blood type ng bata. Paano nangyari iyon?" May isang babae ang umiiyak na tumatakbo patungo sa emergency room na talagang kamukha ng nagpakilala na ina ni Charlotte at nakasama niya ng gabi na iyon. Cordelia Monteveros the woman who have a mentally unstable and walang kakayahan makapagsalita. Putikan ang dulo ng suot nito na puting dress at nakapaa. Hinawakan siya ng babae, puno ng pag-aalala at paulit-ulit na hinila ang sleeve niya— gumawa ng mga hand sign language na talagang hindi maintindihan ni Arlon. Nanatili si Arlon na nakatingin sa babae na akala niya na hindi na niya na ulit makikita at doon narealize ni Arlon na nakagawa siya ng malaking pagkakamali. In a world where family ties are tested by secrets, control and power.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Doctor 's Bargain Wife (Series 2)

Sypnosis Mula pagkabata, hindi na naranasan ni Venisse ang init ng tunay na pamilya. Sa murang edad, natutunan niyang tumayong mag-isa—kahit pa ibig sabihin niyon ay isakripisyo ang sariling pangarap. Sa edad na 23, isang hindi inaasahang pagbubuntis ang tuluyang gumiba sa plano niyang buhay. Unti-unting nawala ang pag-asa. Araw-gabi siyang kumakayod—kahit anong trabaho, mapasukan lang. Para sa gamot, check-up, at isang kinabukasang hindi pa sigurado. Hanggang sa dumating ang panahong wala na siyang pagpipilian. Pumasok siya bilang GRO sa isang kilalang bar—isang trabahong kailanma’y hindi niya inakalang papasukin. Sa bawat ngiti at aliw sa mayayamang bisita, pinipilit niyang itago ang lungkot at takot sa likod ng mata. At doon sila nagtagpo—ni Dr. Kurt Navarro. Isang gabi, isang emergency. Ang batang dinadala ni Venisse sa sinapupunan, nalagay sa panganib. Isang komplikasyon. Isang mahal na operasyon. Isang bayarin na hindi niya kayang pasanin. At sa gitna ng kaguluhan, may inalok si Kurt. Isang kasunduan. Anim na buwang kasal. Walang emosyon. Walang label. Puro papel at pirma. Kapalit: kaligtasan ng anak niya. Pero paano kung habang lumilipas ang bawat araw, unti-unting lumambot ang pusong matagal nang pinatigas ng sakit? Paano kung sa likod ng kontrata, unti-unti niyang nararamdaman ang bagay na hindi kasama sa usapan? Pag-ibig. Isang kasunduan. Isang kasinungalingan. Isang pusong unti-unting bumibigay. Pero sa dulo ng anim na buwan… pipirma ba sila para sa wakas? O para sa panibagong simula?
Romance
9.8750 viewsOngoing
Read
Add to library
The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

Hindi lubos akalain ni Lyndsey na ang kaniyang asawa na si Ezekiel Hussein ay may ibang babae sa labas. Aksidente niyang nalaman na buntis ang kabit nito kaya napagdesisyon niyang hiwalayan na ang kaniyang asawa nang tuluyan. Humingi siya ng tulong sa kaibigan ng kaniyang kuya na isang abogado para ayusin ang kanilang divorce paper. Pero nang malaman ni Ezekiel na nakikipagkita ang kaniyang asawa sa ibang lalaki ay nagalit ito, ngunit hindi nagpatinag si Lyndsey. Desidido siyang hiwalayan ang asawa. Sa kabilang banda, gumagawa nang paraan si Aerah, ang kabit ni Ezekiel, para tuluyang masira si Lyndsey hindi lang kay Ezekiel kung hindi pati na rin sa buong pamilya nila. At dahil buntis siya, mabilis niyang napaniwala ang lahat na naging dahilan ng galit nila kay Lyndsey. Sa sobrang pang-aapi at pagkapuot na naramdaman ni Lyndsey, pumasok sa isipan niya ang maghiganti. Ginawa niya ang lahat upang akitin ang dating asawa at pagtaksilan ang kapatid niya gaya ng ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit hindi nakayanan ni Aerah ang ginawa ni Lyndsey at Ezekiel kaya nakunan ito. Ang gusto lang ni Lyndsey ay maramdaman ni Aerah ang ginawa niya sa kaniya noon, ngunit hindi niya ginustong mawala ang batang dinadala nito. Sa sobrang guilty niya, naisipan niya na lamang magpakalayo-layo ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtataksil nila ng dati niyang asawa sa kaniyang kapatid ay magbubunga.
Romance
10226 viewsOngoing
Read
Add to library
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
Romance
10380 viewsOngoing
Read
Add to library
IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

IN THE NAME OF THE BILLIONAIRE'S GAME

Hindi akalain ni Victoria na isang patibong pala ang lahat upang makatakas ang kapatid sa isang responsibilidad na hindi nito kayang panindigan. Nasira ang buhay ni Victoria sa kagagawan ng isang estranghero dahil na rin kay Victorina. Nawala ang lahat sa kanya at nagbunga pa ang isang gabing pagniniig nila. Tiniis ni Victoria ang lahat para sa mga anak. Pagkalipas ng limang taon, lihim siyang umuwi sa Pilipinas kasabay ang bantang pagbabayarin ang lahat ng taong may kagagawan ng kanyang pagdurusa. Samantalang mahigpit ang pangangailangan ni Xander ng bagong sekretarya, isang istriktong CEO ng Mondragon Textile Company. Malamig ang pakikitungo nito sa kahit kanino maliban kay Victoria na bagong salta. Sa unang pagkikita nila ay may kung anong tibok ang naramdaman niya dito. Hanggang magkaroon ng car accident si Victoria. Doon niya nakita ang batang lalaki na kamukhang – kamukha niya. Pagkagising ni Victoria mula sa comatose estate ay pinapirma siya ng CEO sa isang marriage contract. Sa kabila ng pagkabigla ay pumayag ito ngunit mas matindi pa sa bomba ang kanyang nalaman. Siya ang ama ng kanyang kambal. Gustuhin man niyang tumakas sa poder ng CEO ay hindi niya magawa dahil sa laki ng utang na loob nito. Mananatili bang utang na loob ang lahat o susubukan niyang mahalin si Xander kabila ng kanyang paghihiganti? Palalayain ba ni Xander si Victoria at bubuuin ang kanilang pamilya?
Romance
1016.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Whispers of Forbidden Desire

Whispers of Forbidden Desire

Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason. Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay. Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan? Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa? At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?
Romance
109.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Untamable Heart

Untamable Heart

Christine Echon
Zoey grew up in the slums of Manila. Bata pa lamang ay namulat na siya sa malupit na kalakaran ng mundo, na kung saan tanging matibay lang ang natitira. Sa kaniyang murang isipan ninais niya na balang araw ay makaahon siya sa kahirapan and she is willing to do anything to get what she wants in her life. She would be dragged deeper in the darkness because of trying to survive. Dahil sa nakasanayang mga gawain tulad ng panggogoyo sa kapawa at panlalamang, aabot siya sa puntong magkakaroon ng pusong bato. Not until she meets Gael, isang batang anak mayaman na nagpakita ng kabutihan sakanya noon. Zoey mastered the art of deceiving people, kaya niyang umarte depende sa hinihingi ng sitwasyon, ngunit tila ba di umuubra ang bertud niya kay Gael. Huli na ang lahat ng mapansin niyang she has deceived herself that she will not fall inlove with Gael. Sa kasamaang palad, Si Gael pala ang tagapagmana ng Kumpanyang kanyang pinabagsak out of greed. Sa pag-upo ni Gael as the new CEO of their company susubukan niyang itayong muli ang kanilang kompanya. Ano ang gagawin ni Zoey ngayong nalaman niya na magiging kakompetisyon na niya si Gael, and what will Gael think of Zoey if he finds out that she is the one that had been sabotaging their company resulting to its downfall. Can love win against all odds? Is love enough to erase the hatred in their hearts? Two people from two different worlds colliding. This is a story of a Girl pursuing her dreams and how she finds love in the most unexpected way.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Don’t Mess With Me

Don’t Mess With Me

LEXIE ZIMMERMAN- Isang simpleng babae na puno ng dignidad, nangangarap ng isang simpleng buhay na may kapayapaan ngunit mahirap para sa kan’ya na makaalis sa poder ng mga Terorista. Ang unang misyon ni Lexie ay patayin si Cedric ngunit dahil sa maling impormasyon na natanggap niya, nabigo ang kanyang misyon. Sa halip na patayin si Cedric, iniligtas pa niya ito. Idineklarang traydor sa kanilang grupo ang dalaga, dahilan kung bakit gusto siyang patayin ng mga kasamahan niyang terorista. CEDRIC HILTON- Sa edad na 34 ay naging matagumpay sa buhay, siya ang batang bilyonaryo na naging Governor ng Montenegro City. Naging obsessed sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay. Hindi tumigil ang binata sa paghahanap sa dalaga hanggang sa natagpuan niya ang pamilya nito. Pwersahan niyang ipinakasal sa kanya ang dalaga, ngunit isang pagkakamali ang naging desisyon ng binata dahil ang babaeng pinakasalan nito ay ang identical twin ni Lexie, si Chloe Tanner. Ano ang gagawin ni Cedric kung malaman niya na ang babaeng kinahuhumalingan ay isang Terorista? May pag-asa pa bang magkatuluyan ang dalawa, gayong kasal na ang binata sa kakambal ni Lexie? Ano ang mangyayari kapag nagsama sa iisang bubong ang supladong Governor at ang makulit na dalagang Terorista? Siguradong babaligtad ang mundo mo dito. Samahan n’yo akong pasukin at tuklasin ang mundo ni Lexie Zimmerman at Cedric Hilton sa “Don’t Mess with Me.”
Romance
1018.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Divorcing Ahmed: The Tycoon Wants Me Back!

Divorcing Ahmed: The Tycoon Wants Me Back!

(Ahmed Haddad's Story) Four years ago, Clarissa, desperate for money and desperate to win her mother’s approval, gave up the chance to attend Juilliard school and agreed to be a substitute bride for her stepsister. Three and a half years ago, she actually fell in love with the man she married. She even risked her life to save her husband, Ahmed, when a building collapsed. That accident left her infertile—a secret she carried alone, afraid that if Ahmed found out, Clarissa would lose him completely. Naive as she was, she thought Ahmed just needed more time. But on their fourth anniversary, Clarissa found him kissing his true love, Brianna, the woman who was meant to be his original bride. ***** “Did you cheat, Ahmed?!” dagundong ang boses ng lolo ni Ahmed. “No!” “Did you ignore your wife? Or any mistake that made her want to divorce you?” Bago pa makasagot si Ahmed ay biglang sumulpot si Brianna. Sa likod nito ay ang mga security guards na pilit pinipigilan ang babae. Inilapag nito ang pamilyar na envelope sa mesa. Pinanlalamigan si Clarissa. “Ahmed has nothing at fault! Clarissa, the infertile, should be blamed!” ****** “Mama, inaway ako ni Reirey," iyak ng batang babae na may magagandang uri ng mga mata. After their divorce, a miracle daughter came. Wala na si Ahmed sa buhay nila. Matapos nitong ipakulong siya at nalaglag ang pinagbubuntis ay hindi na bibigyan ni Clarissa si Ahmed ng pagkakataon na malaman nitong ibinalik sa kanya ng Panginoon ang nawalang bata. Hinding-hindi nito makikilala ang anak nila. Ahmed and Clarissa (COMPLETED) Rios and Kaye (COMPLETED) Altero and Mihrimah (ON-GOING)
Romance
1042.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Nanny Contract

The Billionaire's Nanny Contract

Title: The Billionaire’s Nanny Contract Blurb: Mahirap ang buhay ni Ariana Natividad—isang simpleng saleslady na biglang natanggal sa trabaho matapos mapagbintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Sa desperasyon niyang makahanap ng bagong hanapbuhay, isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng kakaibang trabaho: maging yaya ng isang batang hindi mapigil sa kakulitan—Emanuel Luca Madrigal, ang anak ng mayamang negosyante na si Zephyr Madrigal. Wala nang nagtatagal na yaya sa bata, at ang asawa ni Zephyr, si Noime, ay nasa hangganan na ng kanyang pasensya. Dahil aalis siya patungong ibang bansa para sa trabaho, kailangan nilang kumuha ng yaya na hindi lang magaling mag-alaga kundi… pangit. Oo, pangit—para hindi ito type-in ni Zephyr! Desidido si Ariana na kunin ang trabaho, lalo na nang marinig ang alok—sampung milyong piso bilang reward kung matatapos niya ang isang taong kontrata. Mukhang madali lang, ‘di ba? Pero paano kung ang tinaguriang “playboy billionaire” na si Zephyr ay hindi lang mahirap pagsilbihan kundi tila may ibang plano rin sa kanya? At paano kung ang yaya na dapat ay "pangit" ay unti-unting nagugustuhan ng boss na hindi dapat ma-in love sa kanya? Sa isang bahay na puno ng kalokohan, asaran, at hindi maiiwasang tensyon, kaya bang tiisin ni Ariana ang isang taon nang hindi mahulog sa patibong ng The Billionaire’s Nanny Contract? A romantic comedy na siguradong magpapatili at magpapatawa sa iyo!
Romance
1016.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
151617181920
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status