Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
He Hates Me But He Loves Me

He Hates Me But He Loves Me

Zairalyah_dezai
Bata pa lang si Marina, may galit ng namuo sa puso ni Sebastian dahil ayaw niya itong nakikita palagi sa kanilang hacienda. Sukang suka siya sa babaeng matabang nerd na kagaya ni Marina ngunit matalino naman ito dahil sa sipag niyang mag-aral. Paano na lang sa kanilang pagbinata at pagdalaga ay hindi nila inaasahan ang huling habilin ng yuamong lolo at lola ni Sebastian na ipakasal silang dalawa pagtungtong nila sa tamang edad? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa kung sila'y magsama sa iisang bahay kung sila'y kasal na? May mabubuo ba kayang pagmamahal sa pagitan nilang dalawa kahit sila'y magkaaway noon pa man?
Romance
106.0K viewsCompleted
Read
Add to library
ONE WILD NIGHT

ONE WILD NIGHT

Emerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto niya ang laging nasusunod. Because her boyfriends always wanted to take advantage of her. Iyon ang isa sa dahilan ng mga breakup niya. Subalit, isang gabi, nagkayayaan sila ng kaniyang mga kaibigan na sumugod sa isang bar; hindi para mag-unwind, kundi para sugurin ang boyfriend ng isa sa mga kaibigan niya na may kinakalantaring ibang babae. Pero naiba ang kwento, nang mula sa kung saan ay may humila sa kaniya at protektahan sa gulong nagaganap. At ang masama pa, kinabukasan, nagising na lang siyang may katabing lalaki sa kama!
Romance
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
But Only Destiny Can Tell

But Only Destiny Can Tell

maikitamahome
Matapos ang masakit na nangayari kay Marinel ay nagpatuloy siya sa kanyang buhay kahit wala na si Calvin sa buhay niya. Inisa-isa niya lahat ng pinangako niya rito ayon na rin sa kahilingan nito noong nabubuhay pa ang binata. Maayos ang naging buhay ni Marinel hanggang sa biglang dumating ang isang surpresa sa kanyang buhay. Biglang nagpakita sa kanya ang kakambal ni Calvin at bigla siya nitong inakusahang manggagamit. Sinabi pa nitong mag-asawa silang dalawa. Hindi mawari ni Marinel kung bakit at kung paano nangyari ito. Ngunit sa biglaang pagdating ng binata sa kanyang buhay ay malalaman niyang may mas malalim pa pala itong kaugnayan sa kanya. Matatanggap kaya niya ang bagay na iyon? O magdadala lamang sa kanya ng malaking problema.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

Isa akong stripper o sa madaling salita, tagabigay ng ligaya sa mga lalaking nagnanais ng mainit na sandali tuwing gabi. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang kliyente kong Zander Almeda. Isang flash lamang ng kamera nang magbago ang buhay ko at naging instant hot issue sa social media. At sa isang iglap, ang stripper na katulad ko ay naging instant girlfriend ng isang bilyonaryong CEO na si Zander Almeda sa bisa ng agreement na magkukunwari ako sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit paano ko mapipigilan ang puso ko kung mahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya? Paano kung malaman ng lahat ng tao na isa akong dating tapagbigay ng ligaya sa mga lalaki sa isang club? Kaya niya ba akong ipaglaban?
Romance
10234 viewsOngoing
Read
Add to library
[Tagalog] In Her Shoes

[Tagalog] In Her Shoes

Alex Dane Lee
Si Lara ay isang babae na may malungkot na nakaraan at buhay. Wala siyang sariling pamilya, wala siyang sariling ipon, at nagsusumikap siya sa araw-araw para lang mabuhay. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang janitress sa isang sikat at prestihiyosong kumpanya sa bansa, ang Etoile Cosmetics. Ang kanyang pang-araw-araw na gawain ay ang gumising ng maaga sa umaga, pumasok sa trabaho, umuwi sa tinitirhang apartment, at magpalipas ng malungkot na gabi nang mag-isa. Nais niyang maging katulad ni Amanda Montserrat, isang maganda, mayaman at isang makapangyarihang babae na nagmamay-ari ng kumpanya na Etoile Cosmetics. At mukhang nagkatotoo ang kanyang kahilingan. Nang dahil sa isang malaking aksidente ay nabubuhay siya ngayon bilang si Amanda Montserrat at kailangan niyang mamuhay sa mundo nito hanggang sa makabalik siya sa kanyang sariling katawan! Pero paano niya gagawin iyon?
Romance
101.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Shadow

Shadow

Sa lugar kung saan wala kang kakampi kun'di ang iyong sarili, sisigaw ka ba nang malakas? Pumasok si Lianne sa Brimstone Academy para manamnam ang hustisyang ipinagkait sa kan'ya. Ngunit ang pagpasok niya sa impyernong iyon na pala ang magiging malaking pagkakamali na kan'yang gagawin. Makakamit niya kaya ang hustisya, kung tumatakbo ito palayo sa kan'ya? Makakatakas pa kaya siya ng buhay sa Brimstone, kung ang tadhana na ang nagsabi na 'yon ang lugar na nararapat sa kan'ya?
Mystery/Thriller
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Angel, Don't Fly So Close To Me

Angel, Don't Fly So Close To Me

Si Ysabella ay isang cloistered nun, ang babaeng mas pinili ang mamuhay sa apat na sulok ng monesteryo at ilaan ang buhay sa pagsamba at paglilingkod ng tahimik sa Diyos. Napakasaya niya at ilang araw na lamang ay matutupad na ang pangarap niyang maging ganap na perpetual cloistered nun, ngunit hindi niya inaasahan ang bilaang pagbisita ng kanyang nag-iisa at nakakatandang kapatid. Inamin nitong miyembro ng organisyon ng mga mafia at siya ay pinaparatangang nagtraidor sa grupo kaya kailangan nitong umalis at magtago. Nagmakaawa itong proprotektahan niya ang kanilang mga magulang sa maaring gawin ng grupo sa kanilang pamilya kung kayat napilitan siyang lumabas sa monesteryo. Hindi niya akalaing ganun kasama ang sinalihang grupo ng kanyang kapatid lalong lalo na ang pinuno na si Eric Madrigal na walang awang basta na lamang kumikitil ng buhay sa kanyang harapan. Sa galit nito sa kanyang kapatid ay puwersahan siyang inilayo sa kanyang pamilya upang pagbayaran ang kasalanan ng kapatid. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Ysabella sa kamay ng pinakamasamang mafia boss sa buong daigdig? Makakabalik pa kaya siya sa monesteryo?
Romance
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Virgin Writer

The Virgin Writer

missfriees
Isla Adelaide Austria – isang kilalang manunulat. Ngunit malaki ang posibilidad na matanggal siya sa trabaho sa kadahilanang naalis siya sa pwesto bilang top-grossing author hanggang sa tuluyang hindi na bumenta ang kan'yang mga storya. Ang manunulat na katunggali niya ay magaling magsulat ng mga romantic novels na may kalakip na mature contents at iyan ang kahinaan niya dahil sa edad na 22, wala pa siyang karanasan sa mga gan'yan. At sa 'di inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Ezra Hudson – gwapo, malakas ang appeal, at higit sa lahat eksperto na sa gan'yang usapan ngunit siya ay isang broken hearted. Dahil dito, magkakaroon sila ng deal, magpapanggap siya bilang girlfriend ni Ezra at ang kapalit noon ay bibigyan siya nito ng mga impormasyon at ideya upang makapagsulat siya ng mature contents. Pero paano kung ang akala niyang simpleng deal ay siya pala ang magdadala ng gulo sa buhay niya? Paano kung dahil sa isang deal na 'to ay tuluyan siyang mahulog sa binata? At paano kung dahil din sa deal na 'yan, may mabuong bata sa kan'yang sinapupunan? Paano na ang magiging buhay ng ating virgin writer?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Yugto

Yugto

Fourthpretty
Mina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Napakaputla ng kaniyang balat at maging ang kaniyang buhok ay naiiba rin. Mayroon siyang asul na mga mata at nagtataglay ng kahali-halinang kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob sa kanilang tahanan at walang ibang nakasalamuha maliban sa kaniyang ama at ina. Lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang binata ang lubos na humahanga sa kaniya noon pa man. Ito ay ang binatang si Joeliano Crisologo na nalalapit na maging isang ganap na doktor. Lubos ang kaniyang paghanga sa dalaga mula noong una niya itong makita. Ninais niyang mapalapit sa dalaga ngunit hindi iyon gano`n kadali sapagkat kinailangan niyang bumalik sa bayan kung saan siya namulat. Ipinangakoo niiya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ito sa oras ng kaniyang pagbabalik sa Cavite. nang dumating na ang araw na kaniyang pinakahihintay ay may hahadlang upang sila ay tuluyang magkalapit. Ano ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan kung sa umpisa pa lamang ay hinid na magtagpo ang kanilang landas patunngo sa isa`t-isa.
History
107.4K viewsOngoing
Read
Add to library
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status