MasukTila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Lihat lebih banyakSa loob ng sasakyan, tahimik ang naging biyahe nila pauwi. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang marahang pagpatak ng ulan sa bintana ang maririnig. Hindi tumitingin si Amara kay Ethan, pero ramdam niya ang presensya nito—malamig, mabigat, at puno ng tensyon.Sa isang banda, gusto niyang pasalamatan ito sa ginawa kanina. Pero sa kabilang banda, may bumabagabag sa kanya.Bakit gano’n na lang ang galit ni Ethan kay Liam?Alam niyang bahagi ito ng kanilang kasunduan—na kailangan nilang magpanggap bilang perpektong mag-asawa sa mata ng publiko. Pero hindi niya mapigilang tanungin ang sarili…Nagagalit ba si Ethan dahil lang sa kasunduan nila?O may mas malalim pang dahilan?Tumingin siya sa lalaki, ngunit nakatuon lang ito sa labas ng bintana, waring may iniisip na malalim.Hindi siya nakatiis. “Paano mo nalaman na naroon ako sa cafè?”Walang reaksyon si Ethan. Saglit itong pumikit bago bumuntong-hininga, saka dahan-dahang nilingon siya. “Akala mo ba hindi kita babantayan?”Nanlaki
Dalawang araw matapos ang charity gala, hindi pa rin maalis sa isip ni Amara ang sinabi ni Ethan."Dahil asawa na kita, Amara. At ako lang ang dapat mong tinitingnan."May ibig sabihin ba iyon? O sadyang nilalaro lang niya ang kasunduan nilang dalawa?Gusto niyang isipin na parte lang iyon ng palabas—na ginagawa lang ni Ethan ang dapat nilang gawin bilang mag-asawa sa mata ng publiko. Pero bakit may bumabagabag sa kanya?Nakahalukipkip siya sa kanilang pribadong hardin sa mansion, ang mga mata’y nakapako sa lawak ng berdeng damuhan. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa kanyang balat, pero hindi nito kayang palamigin ang nag-aalab niyang isipan.Tumunog ang kanyang cellphone.📩 Amara, please. Kailangan kitang makausap.📩 Bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon. Magkita tayo bukas sa dati nating lugar.Napabuntong-hininga siya. Ilang beses nang nag-text si Liam mula nang magkrus ang landas nila. Hindi siya sigurado kung dapat niya ba itong pansinin, pero sa loob-loob niya, gusto niya
Matapos ang hindi inaasahang banggaan kay Liam at Kristine sa mall, hindi pa man lumilipas ang isang araw, naging laman na ng social media si Amara. Parang isang wildfire ang pagkalat ng kanyang mga larawan, at kasabay nito ay ang samu't saring reaksyon ng publiko."Bagong Mrs. Alcantara, nag-shopping ng luxury brands!""Ang simpleng babae, biglang sosyal matapos pakasalan ang billionaire kongresista!"Ang iba ay humanga sa kanyang transformation—mula sa isang ordinaryong babae patungo sa isang eleganteng may bahay ng isang makapangyarihang lalaki. Ngunit hindi lahat ay natuwa. Maraming nagdududa."Isa na lang ba siyang gold digger na nagpakasal para sa pera?""Mukhang jackpot siya kay Ethan Alcantara. Pero totoo kayang may pagmamahal sa pagitan nila?"Nakakairita. Nakakatawa. Pero higit sa lahat, nakakasakal.Pero wala siyang panahon para alalahanin ang sinasabi ng mga tao. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iniisip ng publiko, sa mga mapanirang opinyon ng mga hindi naman niya kila
Madaling araw pa lang ay nagising na agad si Amara. Hindi pa rin siya sanay sa lambot ng kama na kanyang hinigaan, sa malamig na simoy ng aircon, at higit sa lahat, sa presensya ng lalaking natutulog sa kabilang dulo ng higaan.Si Ethan Alcantara.Ang asawa niya—kahit peke lang ang kasal nila. Nakaramdam pa rin siya ng kapanatagan at pahingang di niya kailanman naranasan. Ngunit kasabay ng ginhawang iyon ay ang matinding pangamba. Isa itong panaginip na maaaring maglaho anumang oras.Dahan-dahan siyang bumangon, nag-iingat siya na huwag gumawa ng kahit anong ingay para hindi maistorbo ang tulog ni Ethan. Pero nang matapak siya sa sahig, isang malalim na tinig ang nagpagising sa kanyang diwa.“Anong ginagawa mo?”Boses na parang mayroong pagkamuhi at pagtataka.Napalunok si Amara. Dahan-dahan siyang napalingon at nakita niyang nakadilat na si Ethan, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. Sa malamlam na ilaw ng kwarto, mas lalong naging kapansin-pansin ang matitigas nitong panga,


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan