The Melody of Heartbreak (Bastarda Series-Five)
Siya si Rasselle 19 year old, isang kolehiyala na mahilig kumanta, na iniingatan ng kanyang ama dahil sa kanyang sensitibong damdamin. Ngunit ang kanyang buhay ay nagbago nang makilala niya si Rage Hidalgo -Isang charming, ngunit misteryosong lalaki na magdudulot ng bagong pag-ibig at pagkakamali sa kanyang buhay. Marupok na babae si Rasselle pagdating sa kanyang buhay pag-ibig -Ngunit nagbago ito ng paulit-ulit na lang siyang sinasaktan ng lalaking mahal n'ya kaya nakipaghiwalay na lamang ito kay Rage. Pinangako n'ya sa kanyang sarili na hinding hindi na siya magpapakatanga, kahit sa sinong lalaki na magkaroon ng interes sa kanya, kailanman.
Ano kaya ang gagawin ni Rasselle kapag natuklasan nito ang lihim ni Rage kung bakit nagawa siya nitong lukohin? Lihim na pilit tinatago ng kanilang magulang. At ano ang dahilan ng mga ito kung bakit nagawa nila ito kay Rasselle?Matatanggap kaya n'ya itong muli sa kaniyang buhay at mapapatawad? Mapapatawad din kaya n'ya ang kaniyang magulang na inaakala n'yang kakampi. At ano ang magiging buhay ni Rasselle , kapag pumayag siyang pakasalan ang isang lalaki na minsan na siyang niloko?
Subaybayan po natin ang storya ng dalawang tao na pilit pinaghihiwalay ng kanilang mga magulang sa The Melody of Heartbreak ni J.C.E Cleopatra.