Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Heartless CEO (Tagalog Version)

The Heartless CEO (Tagalog Version)

Wala nang sasakit pa ang itakwil ka ng sarili mong mga magulang dahil mas pinaniniwalaan ng mga ito ang taong itinuring niyang tunay na kaibigan. Ang akala ni Nicole na mapabuti ang buhay sa tulong ni Danica ay kabaliktaran ang nangyari. Ginamit siya nito upang matupad ang ambisyon sa buhay—ang maikasal sa isang arogante at may pusong bato na si Steven. Hindi na nagtaka si Nicole kung bakit nagawa siyang traidurin ng kaibigan dahil sa lalaking ito. Bukod sa milyonaryo na, angkin pa nito ang katangiang kinababaliwan ng kababaihan sa isang lalaki. After six years, babalik si Nicole upang agawin ang bagay na inangkin ni Danica, kasama na ang lalaking nagbitaw ng isang salitang hindi siya karapat-dapat maging ina ng anak nito.
Romance
10199.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Wished One, But Got Five

Wished One, But Got Five

Si Rica ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na dalaga sa kanyang pamilya hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa kanyang buhay na nagdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkasira. Si Sage, ang kanyang kasintahan, ay tumulong sa kanya na mailigtas ang kanyang sarili at inalok siya ng pansamantalang tirahan sa condo unit nito kasama ang apat na lalaking kaibigan na sila Zian, Wenhan, Ran, at Yruma. Naganap ang pag-iibigan sa loob ng condo unit kung saan sila nakatira. Pagkatapos, isang hindi inaasahang lalaki ang pumasok sa kanyang buhay. Ang isang lalaki ay mag-aalaga sa kanya habang siya ay nasa gitna ng kaguluhan at problema, at ang isa namang lalaki ay bigla na lang lilitaw upang tulungan siyang maiangat ang kanyang sarili. Magkakaroon sila ng malalim na epekto sa kanyang puso, at bibigyan siya ng pag-aaruga at pagmamahal na magpaparamdam sa kanya ng kaligtasan at proteksiyon. Si Rica ay humiling lamang noon ng isang tunay na pag-ibig, ngunit bakit siya ay nagsimulang umibig sa limang lalaki na mas nagbigay ng kalinga at importansiya sa kanya kaysa kay Sage ukol sa tuntunin ng kahalagahan, pagmamahal, at seguridad?
Romance
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
I'm in Love with that Girl

I'm in Love with that Girl

Z.R Cruz
Inalok ng kasal ni Francine sa kanyang nobyong si Leonard. Ngunit hindi pa handa si Leonard na pumasok sa buhay may asawa. Hindi niya tinanggap ang alok ni Francine at iniwan ang kasintahan. Labis na nawasak ang damdamin ni Francine. Si Ethan Fajardo, makisig at kilabot ng kababaihan, namamahala din siya ng isang automotive company kasama ang kanyang matalik na kaibigan, si Aaron. Isang playboy na hindi naniniwala sa totoong pag-ibig. Ngunit ang kanyang lola, si Elizabeth ay ipinagkasundo ang binata sa anak ng kanyang kaibigan. Tumutol si Ethan sa kasunduan at nagsabing may mahal s'yang iba. Kung kaya't hinamon s'ya ng kanyang lola na iharap sa kanya ang tinutukoy nitong kasintahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkrus ang landas ng dalawa. Papayag ba si Francine na maging kasintahan ni Ethan? Maniniwala ba si Elizabeth sa pagpapanggap ng dalawa?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Divorced Wife Becomes the CEO

The Billionaire's Divorced Wife Becomes the CEO

nhumbhii
Apat na taon ang nakalipas magmula noong ikasal si Eris Vanya Geisler kay Blaze Martell nang malaman niyang nakabuntis ito ng iba. Lumuhod pa siya sa harap ng asawa nang sabihin nito na makikipag-divorce na sa kanya, pero walang silbi lang iyon dahil buo na ang desisyon ni Blaze na makipaghiwalay. To make matters worse, napag-alaman din ni Eris na buntis din siya at nang balakin niyang ipaalam kay Blaze ang tungkol dito, isang litrato niya na hubo't hubad kasama ang lalaking hindi kilala, ang kumakalat. Tinakwil siya ng sarili niyang pamilya at pinagtangkaan pa ng father-in-law niya na patayin siya dahilan ng pagkaka-aksidente niya at mawala ang anak sa sinapupunan. Akala ng lahat ay namatay siya sa aksidente, ngunit ang hindi alam nila alam ay buhay pa ito. Lumipas ang ilang taon, at sa kanyang pagbabalik, sisiguraduhin niyang magbabayad ang dapat na magbayad.
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)

Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)

Hindi agad nakukuha ni Sebastian ang mga gusto niya sa buhay ng hindi ito pinaghihirapan. Laki siya sa isang squatters area at may kaya lamang sa buhay. Pagkatapos nito sa kolehiyo at makapasa sa Civil Service Exam ay nakakuha siya ng magandang trabaho bilang isang Support Specialist sa BIR tuwing umaga at ang kanilang pangarap ng kaniyang mga kaibigan na makadevelop ng sarili nilang laro ang inaatupag niya tuwing gabi. Bilang pangako sa kaniyang magulang ay nag-iipon siya ng malaking halaga upang maipaayos ang kanilang munting tahanan na kaniya ring inaasam. Habang naghihintay sa kaniyang katrabaho sa isang fountain ledge ay may isang magandang dalaga na bumihag agad sa kaniyang puso't paningin. Paano kaya niya mapapasagot ang dalaga kung wala pa siyang kayang patunayan sa lahat? Lalo na't ang kaakibat ng pagmamahal sa dalaga ay kailangan lumalangoy rin siya sa dagat ng kayamanan. Mananaig pa rin ba ang puso sa isang taong mayroong pitakang butas?
Romance
10211 viewsCompleted
Read
Add to library
ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Redemption Game

The Redemption Game

Felize Allejar, isang simpleng babae na gusto lamang makapagtapos ng pag-aaral. Nagbago ang buhay niya nang pumayag siya sa utos ng kanyang pinsan na magpanggap ng isang gabi para samahan ang fiancé nito na si Valerio Jones Herbosa, isang CEO at pinakabatang multi-billionaire. Nagbunga ang kanilang pagsasama ng gabing iyon at nagkaroon ng kambal na anak. Ngunit ang alam ni Valerio ay isa lang ang kanyang anak. Gagawin ni Felize ang lahat upang mabawi ang anak at iparanas ang sakit na naranasan niya kahit na magtago pa siya sa likod ng panibagong katauhan. Malalaman ba ni Valerio ang tungkol sa kambal at kay Felize? O tuluyang mababawi ni Felize ang anak kahit pa takbuhan niya ang nararamdaman para kay Valerio? But certainly, Felize came back to end the redemption game.
Romance
1034.5K viewsCompleted
Show Reviews (14)
Read
Add to library
lainnexx
Thank you po sa mga nagbasa! I really appreciated you all! May bago po akong story pero hindi pa po available sa app pero sa website po pwede nang mabasa ang Saved By The Marriage. Sana magustuhan niyo....
Ali Forte
This is so good and intriguing story. Worth it every coins na bibilhin mo. May halo na siyang action and a bit of suspense lalo na kapag naghaharap sila Noelle at Felize. Hindi nauubusan ng pasabog si author. Readers should check this out.
Read All Reviews
TEARS ARE FALLING

TEARS ARE FALLING

Phranceszqua143
Si Hanna Ryeo Gomes ay isang sikat na Fashion Designer kung saan ay pinarangalan siya bilang kauna-unahang Fashion Icon ng bansa na ilang beses manominate sa mga Fashion show, at ang mga gawa niya ay talaga nga namang tumatak at umani ng samot't-saring papuri at karangalan. Kung saan ay nagng malaki rin ang naitutulong nito sa pag taas ng sale at profit sa mga partner company niya. Sa kabila nito ay mas lalong kinilala nuon si Hanna ng mapabalita na ang major sponsor nito ay ang kanyang kaibigan na si KEN LEIGH STANFORD. Ang isang bachelor na Business Tycoon sa bansa na mayroong 100 billion networth. Sya ang ikalawang anak na tagapag mana na nag mamay-ari ng iba't-ibang negosyo sa iba't-ibang bansa. Gayunpaman, sa kabila ng katanyagan at karangyaan ay gagambalain sila ng masakit na nakaraan. Isang katotohanang mag papaguho sa natitira nilang Pag-asa.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]

Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]

Ilang taon na nagdusa si Erin sa konsensiya nang mamatay ang kaklase nila noong high school. Nang dahil sa udyok ng kanyang itinuring na mga kaibigan, tinanggap nito ang dare dahilan para ito mauwi sa trahedya. Pitong taon pa ang lumipas at hindi niya inaasahan na lalo siyang parurusahan ng tadhana nang ilagay ng kanyang stepfather sa last will and testament nito na mapupunta ang lahat ng ari-arian nila sa mga Arvesso—ang miyembro ng pamilya na namatay noon—at kasama siya sa mga kasunduan. Iyon na nga siguro ang parusa niya ang maging asawa ng taong matindi ang pagkamuhi sa kanya, si Orion. She believed he would let go of the past once they were married. However, it turned out that before becoming her husband, he had played the role of a protective brother. He agreed to the marriage to torment her.
Romance
1015.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status