Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Vampire's Tale

The Vampire's Tale

Isang tipikal na araw lamang iyon para kay Yueno. Ngunit sa isang kisapmata ay natagpuan niya ang sariling tumatakbo para sa kanyang buhay. Hinahabol ng mga nilalang na hindi niya akalaing nabubuhay pala sa mundo. Mga halimaw na nagkukubli sa kadiliman. Mga nilalang na ang mga mata ay kasing pula ng dugo at may mga matatalim na pangil na nagnanais na maitarak sa kanya anumang sandali. Ngunit isang insidente ang siyang magpapabago sa buhay niya. Buong akala niya ay doon na siya mamamatay ngunit nabuhay ang pag-asa niya nang biglang sumulpot ang isang tagapagligtas. Isang misteryosong lalaki na laging naroroon sa oras na nasa panganib ang buhay niya. Ang biglang pagsulpot nito sa buhay ni Yueno ay magdudulot ng kaguluhan sa kanyang sistema at muling bubuhay sa munting piraso ng kanyang nakaraan na kanya ng nakalimutan. Ang kanyang kuryosidad sa misteryosong lalaki ang siyang pupukaw ng kakaibang damdamin sa loob niya at magsisiwalat sa katotohanan at realidad na hindi na niya maaari pang takasan. Ituturing pa kaya niyang tagapagligtas ang lalaking ito sa oras na malaman niya ang totoo nitong pagkatao? O hahayaan nalamang niya ang puso na magpasya? Ang pagbubukas ng isang pinto ang siyang magiging daan sa pagbubukas ng ilan pa, kaakibat ang katotohanang nakatago sa bawat isa noon. Matatanggap kaya ni Yueno ang realidad at ang nakaatang na responsibilidad na siyang naghihintay sa kanya? Makakayanan kaya niyang makaligtas sa mga nilalang na naghahangad ng kanyang kamatayan? Magagawa kayang malampasan ng pag-ibig ang mga nakaambang panganib na dala ng kasinungalingan, pighati at pagtatraydor? O susuko nalamang siya at magpapatianod sa daluyong ng tadhana? Ito ang kabilang panig ng kwento naghihintay na matuklasan. Mga sikretong handa ng ibunyag at ikaw nalang ang hinihintay.
Fantasy
109.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Room Mate wife

The Room Mate wife

Sa masiglang lungsod ng Makati, kung saan tila hindi kailanman humihinto ang buhay, tatlong buhay ang nalalagay sa isang sapantaha ng pag-ibig, lihim, at pagtataksil. Si Talia, isang batang babae na may misteryosong aura, ay kasama ang kanyang kasintahan, si Robert. Ang kanilang pag-ibig ay tila tunay, isang ugnayang nabuo sa loob ng maraming taon ng pagsasama. Ngunit sila parehong may itinatagong lihim sina Talia at Robert na nagbabanta na sirain ang lahat ng kanilang itinaguyod. Ang bagay na iyon ay si Nelson, ang kanilang charismatic at kaakit-akit na kasama sa bahay sa prestihiyosong Ayala Condominium. Si Nelson ay hindi lamang isang kaibigan o tagapagtapat—siya ang lalaking nakakuha ng puso nina Talia at Robert sa mga paraang hindi nila maipaliwanag. Bawat nakaw na sulyap, bulung-bulong na usapan, at ipinagbabawal na haplos ay nagpapalalim ng tensyon sa kanilang pinagsasaluhang tahanan, na lumilikha ng isang emosyonal na bagyo na wala sa kanila ang handang harapin. Habang nagtatagpo ang kanilang mga buhay sa hindi inaasahang mga paraan, kailangan nilang maglakbay sa malabong tubig ng pag-ibig, pagnanasa, at katapatan. Ang misteryosong kalikasan ni Talia ay nagtatago ng kanyang sariling mga lihim, at ang tila kalmadong asal ni Robert ay nagsisimulang mabasag sa bigat ng kanyang guilt. Samantala, si Nelson, na nahuli sa gitna, ay nahihirapan sa kanyang sariling emosyon at sa kaguluhang hindi niya sinasadyang nalikha. Sa likod ng masiglang kalakaran ng mga kalye ng Makati at marangyang pamumuhay sa mga mataas na gusali, ito ay sumasalamin sa mga kumplikadong aspeto ng pag-ibig at ang kahinaan ng tiwala. Ito ay isang kwento tungkol sa mga pagpipiliang ginagawa natin, mga lihim na itinatago natin, at mga hindi sinasambit na pagnanasa na maaaring magbuklod—o sumira—sa ating mga relasyon. Kapag nagbanggaan ang mga puso at lumabas ang mga pagtataksil, makakaligtas ba ang pag-ibig sa mga epekto nito?
Romance
10322 viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex. Boyfriend Is My Boss

My Ex. Boyfriend Is My Boss

Naranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong kwento na ito.. 🤍
Romance
9.614.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Blazing Snow

Blazing Snow

Meet Ezekiel Ruzh Falcon, alamin ang kwento ng buhay niya mula sa pagkalugmok hanggang sa kanyang pagbangon. Terence Angelo Montojo a serious college guy ,varsity player, and a campus crush na may lihim na pagtingin kay Chanda. Chanda Barva, sassy slash mean girl na obsessed kay TA. Ano ang kaya niyang gawin para makamit ang pinakamimithi? What Chanda wants Chanda gets.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
She Calls Him Dad, I Call Him Mine

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

Umalis si Elizabeth sa marangyang buhay sa Maynila upang takasan ang isang sapilitang kasunduan—ang pag-date kay Greg, anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod. Sa pagtakbo palayo, hindi inaasahang masisira ang kanyang kotse sa gitna ng isang liblib na lugar. Isang misteryosong lalaki ang dumaan at tumulong sa kanya. Tall, dark, and handsome—isang "prince charming" sa tunay na buhay. Pero hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pagdating sa probinsya, ibinahagi niya ang kwento sa kanyang kaibigang si Monique, na agad nilang tinawag ang lalaki bilang "Prince Charming." Ngunit gumuho ang mundo ni Elizabeth nang mapagtanto niyang ang lalaking ito… ay walang iba kundi si Benedict—ang ama ng kanyang kaibigan. Isang single dad na hindi rin inakalang ang babaeng tinulungan niya sa kalsada ay ang magiging dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso. Handa ba si Elizabeth na mahalin ang lalaking hindi niya dapat ibigin? At kaya ba niyang ipaglaban ang damdaming maaaring sirain ang pagkakaibigan nila ni Monique?
Romance
10446 viewsOngoing
Read
Add to library
WHAT IS LOVE? (Tagalog)

WHAT IS LOVE? (Tagalog)

isang college student ang nakipag one-nigh-stand sa lalaking hindi nito kilala dahil sa kalasingan.matapos ang gabing yun wala nasilang naging connection sa isa't isa.dahil sa tingin nila ay isa lamang itong kasalanan.makalipas ang ilang taon muli silang pagtatagpuin ng tadhana.hindi niya akalain na ang lalaking yun ay billionaire.at magiging boss niya.malinaw sakanila ang nangyare noon ngunit hindi nila matandaan ang isa't isa.nag-trabaho ang babae bilang secretary nito.kahit hindi niya alam na ang lalaking boss niya ay ang lalaking kumuha ng pagkababae niya.sa kagwapohan na katangian at mala Wattpad na appearance ng lalaki ay unti-unting nahulog ang babae.pilit niyang itinago ang nararamdaman niyang pagtingin sa kanyang boss.hanggat dumating ang oras nalaman niya na ang boss niya ang naka one-night-stand niya.Maraming hadlang sa pag ibig ni julia lalo nung dumating ang magulang nung lalaki.Na walang ibang gusto kundi maikasal ang kanyang anak sa mayamang babae.pilit siyang inilayo ng magulang nito.lahat ng kapangyarihan nito ay ginamit niya para lang paglayuin ang dalawa.umabot nasa pinapatay niya ang secretary nito at ipinatapon.Maraming kwento ang ginawa ng magulang para tuluyan ng kasuklaman ang babae.Makalipas ang dalawang taon muling nagbalik si julia para maghiganti sa mga umabuso sa kanya.at lalo nasa dati niyang boss/lover.inakala ng magulang ay patay na ito.pero ang hindi niya alam ay may tumulong dito para mag higanti.dalawang taon din itong nasa US.at kasama nadun ang plano niyang paghihiganti.ang tumulong sa kanya ay anak ng sikat na company sa US.binigyan siya ng position bilang isang vice-president.bumalik siya ng may matigas na puso at palaban.ginamit niya ang mapang-akit niyang kagandahan.ng saganon ay makuha niya ang lahat ng kayamanan nito at wala siyang ititira lahat sisimutin niya.
Romance
1017.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Magically Bonded

Magically Bonded

Miss Gold
Bitbit ang galit at sakit sa puso ni Selena ay nangako siya sa sariling tatapusin niya ang kanyang misyon at ipaghihiganti ang mga kasamahang walang awang pinatay ng mga Itim na Salamangkero. Pero pano niya gagawin yun kung sa kanyang matagumpay na pagtakas ay may bagong hamon ang Tadhana? Sa isang iglap, nagising nalang siyang walang alaala ng kanyang buhay. Wala na ang misyong ipinangako niyang gawin maging kapalit man nito ay ang buhay niya. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa kanyang isipan ay marami siyang makikilalang kaibigan. Hanggang sa pumasok siya sa Akademya ng mga kabataang may Espesyal na Kakayahan. Doon ay magsisimulang bumalik ang mga memorya nang nakaraan. Sa lugar na iyon ay makikilala niya ang mortal na kaaway na siyang may malaking parte sa nakalimutang misyon. Ang lalaking nakatadhana sa kanya. Pero mapaibig niya kaya ito sa kanya kung may minamahal na itong iba? Matapos niya kaya ang kanyang misyon kung kapalit nito ay sisirain niya ang kaligayahan ng lalaking mahal niya? Magically Bonded. Isang kwento ng paglalakbay, paghihiganti at pag-ibig ng isang dalaga. Isang dalagang nakatadhana sa isang dakilang misyon.
Fantasy
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Affair

Billionaire's Affair

Gossip Girl
Si Steve Montano ay kilala bilang isang istrikto, arogante, at palaban ngunit mayroong itinatagong lihim sa kanyang pagkatao. Sa edad na trentay singko ay wala pang nagiging stable na kasintahan dahil sa pagiging casanova ngunit walang nakakaalam maliban sa kanyang personal lawyer at maasahang sekretarya. Tanging ang alam ng mga tao sa kanyang paligid ay isa siyang matino, malinis at kapuripuring gwapong lalaki. Siya rin ay pantasya ng mga kababaihan at mga sikat na personalidad. Masaya na siya sakanyang freestyle life ngunit mayayanig ang kanyang tahimik at malayang pamumuhay sa pagdating ng isang Jaya Salas a 28-year-old woman at magiging bago niyang sekretarya. Paano nila ipaglalaban ang kanilang namumuong pagtingin sa bawat isa? Mayroon bang pagmamahalan na mamagitan sakanila sa likod ng kanilang mga daladalang sekreto sa buhay. Tunghayan kung paano gugulong ang buhay pag-ibig sa kanilang kwento dito sa Billionaire's Affair! Yours, Gossip Girl
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Rain of Nostalgia

Rain of Nostalgia

HAVE YOU EVER BEEN IN LOVE WITH SOMEONE OLDER THAN YOU? May pag asa ba? Umamin ka? Anong naging sagot niya? Kahit na kailan hindi naisip ni Hyiena na makakaramdam pa siya ng pagmamahal. she's obsessed with death and hurting herself. Mahal niya ang ulan,sapagkat Malaya itong pumapatak at tumutunog ng walang halong pag aalinlangan.Everything seems to be tiring for her, not until, one day. She met Ermir, a 35-year-old man who loves poetry.a man who's completely lost in life, full of regrets and nostalgia in his youth. All he can do is stare at the pouring rain that gives a nostalgia to him. Hyiena falls in love with him. he denies his feelings, but write hundreds of poem for her. Amir loves her, she's dedicated. but it feels so wrong. she left. he stayed,nanatili siya kahit hindi sigurado kung may babalik pa ba.,tinulak niya,para lang makaabante siya kahit ang ibig sabihin nito ay maiwan siya sa llikuran. Anong mangyayari sa kwento nilang dalawa?pinaglalayo ng oras at panahon Ng paniniwala at prinsipyo Ng kalooban at kaisipan Mali sa paningin ng iba,tama para sa mga puso nila. ‘’nagpapasalamat ako sakanya,sa taong tumulak saakin Sa pagtulak na ‘yon,kahit na masakit,atleast nakahakbang ako .naka abante ako Umusad ako,habang siya ay naiwan sa likod,katulad ng pag talikod sakanya ng panahon ‘’
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Obsession Of A Dominant Billionaire

The Obsession Of A Dominant Billionaire

“You can run, but you can never hide.” Cuhen Malcogn. He is ruthless. His bleakness gaze can caused someone unnerved. One mistake and you're dead. That's how Cuhen Malcogn rule the world. Hindi siya ang typical na lalaking gugustuhin ng kararamihang babae dahil sa personalidad niyang handang lalapa ng tao. Isang agila kung ituring si Cuhen Malcogn nang mga tao. Lahat takot sa kaniyang presinsya. Kaya nung dukutin niya at itago sa kaniyang pribadong isla ang babaeng anak ni Don Hernandez na ikakasal na, matinding takot na naramdaman ng babae laban sa kaniya. Mali ang kalabanin ang isang Malcogn dahil patalikod siya kung lumaban. Ginawa niyang parang isang impyerno ang buhay ni Ellah sa buhay niya kasama sa Isla. Pinalasap niya rito ang sakit at sarap sa pamamagitan ng pansarili niyang batas. Inangkin niya ito nang paulit-ulit at pinaramdam ang kasalanang ginawa ng ama nito. Pero isang araw tinakasan siya ng dalaga. Sa ginawa nito, mas lalo siyang binigyan ng rason na pahirapan ang babae. Hanggang sa mali na ang tinitibok ng kaniyang puso… ibang pangalan na ang binubulong nito… PS. Nandito sa book na ito ang buong Dominant Series. Tinanggal ni GoodNovel ang iba para 'di kayo mahirapan sakali sa paghahanap. No worry, may title naman bawat chapters kaya malalaman niyo kung kaninong kwento ang binabasa niyo.
Romance
9.997.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status