Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
106.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Sweetest Downfall (Tagalog)

My Sweetest Downfall (Tagalog)

Buong akala ni Hope Vasquez ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo nang pakasalan siya ni Dr. Isaac Monteverdi, ang lalaking pinapangarap niya simula pa noong bata pa lamang siya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na ang dahilan lamang ng pagpapakasal ng lalaki sa kaniya ay para sundin nito ang kagustuhan ng kanilang mga magulang at para na rin takasan nito ang masakit na alaala sa dating kasintahan. Hope gave her all for Isaac para matutunan din siya nitong mahalin. She even gave up her glamorous career in show business and became the kind of wife every man dreams of. Subalit gumuho ang kaniyang pangarap na mamahalin din siya ng asawa nang biglang bumalik sa buhay nito si Angenette, his first love. Kung kailan nagsisimula niya nang makuha ang loob ni Isaac ay saka naman ito bumalik para bawiin ito sa kaniya. Despite of everything Isaac did that could ruin their marriage, Hope remained loyal to him. Handa siyang magpakatanga at tanggapin ang pagtataksil nito as long as na hindi siya iiwanan nito. Subalit isang trahedya ang nagpabago sa kaniyang pananaw at sa pag-ibig niya para rito na buong akala niya ay walang katapusan. She wanted revenge. Gagawin niya ang lahat para iparamdam dito ang sakit na pinaramdam nito sa kaniya. She's willing to risk everything para maisagawa ang paghihiganti niya kahit pa ibig sabihin n'on ay kailangan niyang gamitin si Zeke, ang best friend niya na totoong nagmamahal sa kaniya. Saan kaya hahantong ang paghihiganti niya?
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mr. Ceo's First Love

Mr. Ceo's First Love

Alexis works in a Fashion Clothing Company in Manila. After her parents died in a car accident, siya na ang tumayo bilang haligi ng tahanan. Mr. CEO, her boss, found out na siya ang batang babae na nakita niya 15 years ago sa isang trahedya, napulot nito ang kanyang teddy bear kaya hinahanap nito upang isauli ito sa kanya. Ngunit hindi na maalala ni Alexis na siya ang may-ari nito, hindi na rin niya maalala na kasama pala siya noong nangyari ang aksidente at ang eksaktong buong pangyayari. Mababalik pa kaya ang kanyang alaala? Paano kung si Alexis and dahilan bakit niya itinayo ang kumpanya para matulungan itong maghigante sa taong bumangga sa kanila 15 years ago, mabobou pa kaya ang plano ni Mr. Ceo?
Romance
109.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Falling for My Boss

Falling for My Boss

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
Romance
22.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE

THE BILLIONAIRE'S FORGOTTEN WIFE

"Umalis ka sa harapan ko," malamig na sabi sa asawa ko. Hindi ko alam kong ano ang nahawa kong mali. Mula noong umalis ito sa isang bussiness trip ng amin na buwan ay bigla na lang itong nanlamig sa akin. Ako si Misha, isang babae na handang gawin ang lahat para muling maibalik ang pagmamahal ng aking asawa. Subalit sa kabila ng bawat sakripisyo at pagsusumikap, tila mas lalo siyang lumalayo at nanlalamig. Siya si Geg Montero, isang makapangyarihang business tycoon at bilyonaryo. Ang lalaking minsan kong minahal nang buong puso ay tila nagbago na. Hanggang isang araw, sa kagustuhan kong iparamdam ang aking pagmamalasakit, hinatiran ko siya ng pagkain sa opisina. Ngunit sa halip na pasasalamat ang bumungad sa akin, nasaksihan ko ang masakit na katotohanan—siya at ang kanyang sekretarya, magkasalo sa isang tagpong puno ng pagtataksil. Ngayong wasak na ang aking puso, may natitira pa bang pag-asa para maibalik ang aming relasyon, o ito na ba ang wakas ng aming pagmamahalan?
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?
Romance
1041.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
BRIDE SERIES 1: The Unfaithful Hater

BRIDE SERIES 1: The Unfaithful Hater

Kung hindi lang sa Ina na may malubhang sakit ay hindi gugustuhin ni Cressida na hanapin pa ang ama niya na nang-iwan sa kanila. Ama na ayaw niyang makilala. Labis ang nararamdaman niyang galit sa Ama dahil sa pagpapabaya neto sa kanilang mag-ina. Nang marating niya ang Hacienda Villa Hermosa kung nasaan sakop ng buong angkan ng mga Valdehueza ang lupain. Makikilala niya si Levi, ang anak ng kaniyang ama sa orihinal netong asawa. Kilala sa lugar na iyon si Levi bilang Leon. Walang sino man ang nakapapagpaamo sa mabangis na Leon. Ngunit, isang pangyayari ang naging dahilan para magtagpo ang landas nilang dalawa. Mapapaamo kaya ng isang inosenteng babae ang mabangis na Leon.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire Secretary

The Billionaire Secretary

FlorED
Ano kaya ang mangyayari kapag ma fall ang loob ng isang billionaire sa kaniyang probinsyanang sekretarya? Tatanggapin kaya ng babae lahat ng hinanangit mula sa kaniyang paligid dahil sa diskriminasyon?
LGBTQ+
2.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CEO's Missing Heir  ( Diary of a Prostitute)

CEO's Missing Heir ( Diary of a Prostitute)

Hindi matatanggap ni Tyler ang biglaang pagkamatay ng kapatid niya habang nasa malayo siya, ang guilt at bigat ng kalooban dahil sa isang pagkakamali sa kapatid noon, ay labis na nagpahirap pa sa kanya. Ngunit ang lalong labis na nagpabigat ng saloobin ni Tyler ay ang huling kahilingan ng kapatid bago ito lagutan ng hininga, halos hindi makapaniwala si Tyler na ang ipapakiusap ng kapatid ay ang pakasalan niya at alagaan ang babaeng kalaguyo nito. Paano matatanggap ni Tyler na ang nais ng kapatid niyang pakasalan niya ay bukod sa kabit na nito, ay babaeng bayaran pa. Pero ang kasalanan sa kapatid na halos naging bangongot sa gabi-gabi ni Tyler ang nagtulak sa kanya para mangako sa kapatid. Ipinahanap ni Tyler ang babae para bigyan ng offer ng malaking halaga upang pakasalan pero hihiwalan din matapos lamang ang isang taon. Ngunit sa kanyang pagiimbestiga ay nalaman ni Tyler na ang lahat ng ari- arian ni Theona kanyang kapatid ay isinalin nito sa babaeng kalaguyo, kaya pinagisipan ng hindi maganda ni Tyler ang babae at pinagbintangan na may kinalaman sa pagpapakamatay ng kapatid niya. Samantala, Si Erika ay naman handang gawin ang lahat mabuhay lamang si "Dos" lahat ay gagawin niya kahit pa ang ibenta ang kaluluwa.Tahimik na silang namumuhay mag ina. Isang beses man silang kumain sa isang araw ay ayos lang basta ang mahalaga ay magkasama sila at maayos ang anak. Pero hindi akalain ni Erika na guguho ang mundo niya isang araw nang sumulpot ang isang lalaki at nagpakilalang kapatid ng ama ng kanyang anak. "Kung balak nitong kunin ang anak niya ay maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi siya papayag na ilayo sa kanya si "Dos"
Romance
105.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Stepbrother’s Touch (Tagalog)

My Stepbrother’s Touch (Tagalog)

Nangako si Alessandra na si Fredrinn lamang ang pakamamahalin at aalayan ng sarili habambuhay matapos nitong iligtas siya mula sa isang sunog. Pinakasalan siya ng lalaki, ngunit agad rin sinundan ng trahedya– ang biglaang pagkasawi ng kaniyang ama at madrasta. Sa gitna ng pagdadalamhati, unti-unting lumabas ang tunay na kulay ng kaniyang asawa. Sinaktan, ipinagpalit sa ibang babae, at pinatay para lang makuha ang kaniyang kayamanan. Binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para baguhin ang kaniyang kapalaran. Pipigilan niya ang sarili na mahulog sa kamay ng lalaking sumira sa kaniya. Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata, ang mukha ng lalaking pinakaayaw niya ang bumungad sa kaniya– si Rafael Villareal, ang kaniyang stepbrother. Paano kung sa muling pagtibok ng kaniyang puso, ay sa maling tao pa rin siya mapunta? Paano kung handa na siyang piliin ng taong mahal niya, ngunit ang kapalit ay ang pagkasira ng sariling pamilya? Ipaglalaban niya ba ang pag-ibig, o susuko na lang sa itinakda ng tadhana?
Romance
10280 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3435363738
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status