Mag-log inSa edad na 35 ay nabiyudo na si Ambrose at naiwan sa kanyang pangangalaga ang limang taong gulang na lalaki at bagong silang na kambal na babae. Mag-isa niyang pinasan ang responsibilidad na palakihin sila. Pagkalipas ng limang taon, lalo niyang nakita ang pangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sinubukan niyang lihim na makipag-date ngunit walang tumanggap sa kanyang tatlong anak. Hindi nila kayang panindigan ang pagiging instant mommy para sa kanila. Hinanap ng kanyang mga anak sa kung kani-kaninong babae ang pagkukulang na iyon. Hanggang sa malaman niyang nakikipagkita sa isang may edad na babae si Ambrox na halos kamukha ng kanyang ina. Muli niyang nakita si Rose Anne. Nagbalik ang sakit ng nakaraan dulot ng panlilinlang na ginawa ni Roxanne. Hanggang isang gabi, hila-hila ng kambal ang babae papasok ng kanilang gate. "Daddy, I got you a wife. Meet our Mommy!” Kinindatan pa ng mga bata ang kanilang ama. At nagbago ang lahat sa pagdating ni Rose Anne sa kanilang buhay. Magkaroon kaya ng puwang ang pagpapatawad sa pagitan ni Rose Anne at Ambrose? Maging maligaya kaya sila sa pagkakataon ito upang ituloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan o maghihiwalay na silang tuluyan sa piling ng kani-kanilang bagong minamahal?
view moreNapakapit ng mahigpit si Rosy sa door knob ng kanyang pinto. Kaagad niya itong ini-lock. Nag-double lock pa siya. Hindi na rin niya masisigurado kung mapipigilan pa ang sarili sa susunod na humantong sila sa mainit na eksena ni Ambrose. Napakagat- labi ang babae at mahigpit na niyakap ang unan. Pakiramdam niya ay lalo siyang nag-init at gusto niyang maligo. Humiga siya sa kama. Tumingin sa kisame at napangiti.“Hey, are you nuts, Rosy? Manloloko ang lalaking iyan. Dinadaan ka lang niya sa ninja moves. Huwag kang padadala. Tandaan mo, pinagpalit ka niya sa kapatid mo!” Ngunit napailing ang babae.“NO, hindi ako ipinagpalit ni Ambrose. Never! We are both tricked by Roxy.” Kasabay ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi pa nauubos ang kanyang luha. Naalala pa ng kanyang sugatang puso ang nakaraan. Hindi pa niya napapatawad ang lalaki.Bago siya pumikit, desidido siyang huwag mahulog sa bitag ni Ambrose. She knows how Ambrose works. Epektibo pa rin ang mga old tricks nito sa kanya kaya muntik-
Kaya sa halip na umuwi kaagad ng maaga ay naisip niyang makipagdate ulit. May inirereto sa kanya si Sgt. Dominguez, pinsan niya ay Flight Attendant din. Sa Belle’s Restaurant sila magkikita. Balak lang naman nilang magmiryenda bago umuwi.“Hello, Mr. Ambrose Romero. I am Genevieve Aguirre. Nice meeting you!” Inilahad ng babae ang kanyang mala-kandilang daliri at nakipagkamay sa lalaking kaharap.“Nice meeting you too, Genevieve.” Namangha sa sobrang ganda si Ambrose. Inalalayan niya ito sa pag-upo. Nakasuot pa siya ng uniporme niya sa Airlines. Kalalapag lang daw ng kanilang eroplano at hindi na siya nakapagpalit ng damit. Hindi nan ga umuwi si Ambrose dahil baka hindi na naman siya makaalis. Tiyak na magta-tantrums na naman ang mga bata. Naka-silent mode na ang cellphone niya dahil baka tumawag si Ambrox at tanungin kung nasaan na siya. Maghihintay ang mga anak niyang babae sa gate. Lalo lang siyang hindi mapapalagay sa kanila.Ayaw niyang isipin ng kanyang biyenan na nagdidiang a
Tumango na lang si Ambrose. Susubukan niya kung puwede pa nga ba? Hindi masabi ni Ambrose kay Eric na hindi siya handa sa mga blind dates. Dahil napasubo na siya at nakakahiyang maghintay ang date niya ay nagpunta na rin siya. Wala namang masama at wala rin namang mawawala.Humanap siya ng maayos na long sleeves with tiny blue polka dots at blue slacks. Nagsuot rin siya ng formal black leather shoes that fits his attire. Hindi lang siya sanay na makipag-date habang nakauniporme pa. Umuwi naman siya ng maaga para kumustahin ang mga anak niya.Pero bago pa siya makaalis sa bahay, nag-iyakan na naman ang kambal at hinabol siya sa garahe. Hirap pa naman nilang patahanin. Nakakaramdam yata sa plano ng daddy nila.“Mukhang may date ka a,” komento ni Niza. Sarkastik pa ang pagkakasabi niya. Nakahalukipkip siya sa may pinto habang tinitingnan siya na inaalo ang kambal at nakaupo sa kanyang hita.“Aalis muna si Daddy. Saglit lang ako.”“Daddy, sama ako!” sabay- sabi ng kambal.“Amber, Rose, co
“This is a matter of who’s going to live and die later.” A matter of life and death ang sitwasyon. ”Kagabi ko pa hindi nagugustuhan ang tabas ng dila mo.” Idinuro niya ang lalaki.“Huwag mo akong iduro!” Sige pa rin siya ng type. Hindi niya tinitingnan si Rosy habang kausap ang isa.“Tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita!” Ngunit pinindot ni Rosy ang power button ng computer at bigla itong namatay.“What did you do?” Napasigaw si Ambrose. “Ano ba? You turned it off!”“What?” Nagmaangmaangan pa siya na parang hindi niya alam ang kanyang ginawa. “Opsss! Sorry!”“Ano bang problema mo?”“Ikaw at ang makati mong dila ang problema ko. Sarap mong putulan ng dila dahil mapaggawa ka ng kuwento, Anggaling mong magparinig na para kang bading! Ako? Nakikipagharutan! Nakikipaglaro sa dilim! Nagpapaligaw sa kalye! Where did you get that?”“Ouch! ang kusinera, hindi kasing ingay na tulad mo! Pang karinderya ang bibig mo!”“Bawiin mo ang sinabi mo tungkol sa akin. Hindi ako lumaki ng ganito para m












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu