Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The President's Wife

The President's Wife

BREAKING NEWS PHILIPPINES. "Maagang nagkatraffic sa kahabaan ng EDSA at sa ibang bahagi ng Metro Manila. Dahil ito sa pagrarally ng maraming mga Filipino. Isinisigaw nila na bumaba raw si pangulong Chavez sa kaniyang position sa palasyo ng Malacanang. Nang daraya raw kasi ito sa election kaya nanalo sa pagkapangulo. Sa ngayon ay hindi maawat ng mga awtoridad ang napakaraming mga Filipino na nagrarally sa harapan ng palasyo. Paulit-ulit na isinisigaw nila na bumabana raw si pangulong Chavez sa kaniyang pagkapresidente. Nakakamanghang isipin na nagkakaisa ngayon ang mga Filipino para pabagsakin ang administration Chavez. Maging ang mga OFW sa ibang bansa ay nauna nang nagrally ang mga ito kahapon. Isinisigaw rin nila na bumabana si pangulong Chavez sa kaniyang position. Ganoon na lamang ang pagkamuhi ng mga Filipino sa pandarayang ginawa ni President Chavez sa election. Sa ngayon patuloy ang pagprotesta ng mga Filipino laban sa administration Chavez. Ikinagulat ng lahat ang nangyayari sa kasalukuyan. Tinawag na rin ito na People Power Number three of the Philippines. Sigaw naman ng iba ay itigil na raw ang pagpuprotesta dahil marami nang nasasaktan. Pero sabi ng mga nagrarally. Hindi raw sila titigil hangga't hindi raw si President Chavez bumababa sa kaniyang position sa palasyo ng Malacanang." END OF BREAKING NEWS PHILIPPINES "A poor creature begging on her death. But sorry! Welcome to the hell!" Chavez really want to kill me merciless. Nakatutok lamang ang hawak niyang baril sa noo ko. Nag-uumigting ang panga niya sa galit. Patuloy ang pag-iyak ni Dave habang tinatawag niya ako. Wala akong magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Chavez sa buhok ko. Nasasaktan ako ng sobra. I know this is my death. "Patayin niyo na ako! Handa akong gawin ang lahat kapalit ng buhay ng anak ko! Pakawalan niyo lang siya! Nagmamakaawa ako!"
Romance
107.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Under the Mayor's Command

Under the Mayor's Command

Isang gabing pagkakamali, isang panghabambuhay na iskandalo. Si Rosita Alonzo, isang matapang at masipag na dalaga, ay pumasok bilang katulong sa mansyon ng mga Zaviere sa pag-asang matatakasan ang kahirapan. Ngunit sa isang gabing nilunod ng alak ang kanyang katinuan, isang maling pinto ang kanyang nabuksan . . . isang maling kama ang kanyang nahigaan. Ang silid na iyon ay pagmamay-ari ni Alexander Zaviere, ang makapangyarihang Mayor ng lungsod. Si Alexander ay ang perpektong lider sa mata ng publiko, gwapo, matalino, at kagalang-galang. Ngunit sa likod ng mga pader ng kanyang mansyon, siya ay isang lalaking nilalamon ng pait at pangungulila matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa. Ang agwat ng kanilang edad na dalawampung taon at ang malaking pagkakaiba ng kanilang katayuan sa buhay ay dapat sapat na upang hindi sila magtagpo, ngunit ang init ng gabing iyon ay nag-iwan ng apoy na hindi na nila kayang apulahin. Sa bawat palitan ng titig at bawat pagkakataong magkalapit sa loob ng mansyon, unti-unting nahuhulog ang loob ni Alexander sa dalagang muling nagparamdam sa kanya na siya ay buhay. Ngunit ang kanilang bawal na ugnayan ay mitsa ng isang malaking pagsabog. Nang kumalat ang isang iskandalosong larawan ng Mayor kasama ang kanyang batang katulong, nanganib ang kanyang karera at ang dangal ni Rosita. Upang protektahan ang kanyang titulo at ang kaayusan ng lungsod, pinili ni Alexander ang pinakamasakit na paraan, ang itaboy si Rosita palayo sa kanyang mundo. Ngunit sa pag-alis ng babaeng nagpatibok muli ng kanyang puso, ramdam ni Alexander na ang kapangyarihan ay walang silbi kung ang puso niya ay muling magiging bilanggo ng lungkot. Handa ba niyang isuko ang kanyang korona at posisyon para bawiin ang babaeng itinuring niyang isang "pagkakamali"? O hahayaan na lamang niyang maging isang mapait na alaala ang pag-ibig na nagligtas sa kanya mula sa dilim?
Romance
10127 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
394041424344
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status