Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
BETWEEN LOVE & LIES

BETWEEN LOVE & LIES

Limang Milyon! Limang Milyon ang magiging kapalit ng buhay ng fiancé ni Alexa. Matindi ang pinsalang tinamo ng lalaki mula sa isang malagim na aksidente at sa ngalan ng pag-ibig handa siyang gawin ang lahat upang mailigtas ang buhay ng lalaking labis niyang minamahal. Kaya pikit mata siyang pumayag na ibigay ang kaniyang puri sa isang estranghero h’wag lang mawala si Jake. Ngunit paano nga ba niya haharapin ang buhay niya ngayon, kung dinadala na niya sa kaniyang sinapupunan ang sanggol na naging bunga ng gabing iyon? Makakaya pa ba siyang tanggapin ni Jake pati na rin ang kaniyang anak?  Gayung konserbatibo ang lalaki kaya nga sa loob ng limang taon nilang dalawa bilang magkasintahan ay iginalang nito ang kaniyang pagkababae. O mas tamang piliin na lamang niya ang alok na kasal ni Luis Antonio dela Merced ang mayamang lalaki na nakabuntis sa kaniya upang bigyan ng magandang buhay ang kaniyang anak kahit pa walang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa?
Romance
10215 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
Romance
105.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Ang Nawawalang Bilyonarya

Ang Nawawalang Bilyonarya

Sa kahirapan ng buhay ay namulat ang isang bilyonaryang si Glory Belle Padilla Arevallo. Noon ay wala pang kaalam-alam ang babae sa totoo niyang pagkatao at sa tunay niyang mga magulang. Lumaki siya sa pamilyang puno ng pagkukunwari. Lingid sa kaalaman niya, binalak ng tumayong magulang niya'ng ibenta siya sa bahay-aliwan para maging bayaran at maruming uri ng babae. Iyon daw ay para mabayaran niya ang mga sakripsisyo ng pamilya sa pagpapalaki sa kaniya. Wala nang nagawa si Glory Belle sa naging plano ng mag-asawa. Sa kaunting halaga ay nagawa siyang ipagpalit ng mga ito nang ganoon kadali. Ang masaklap pa, hindi nga siya naibenta bilang babaeng nagbibigay ng aliw pero mas higit pa roon ang kinasasadlakan niya-- ang maikasal sa isang lalaking hindi niya at mahal na isang matandang halos dalawampung taon ang tanda sa kaniya---si Samson Aguirre na isa nang biyudo, kilala sa lipunan at mula sa mayamang angkan! May isang anak na lalaki ang matanda na nangangalang si Loid Xavier Favila Aguirre. Ang inaasahang pilegro ni Glory Belle/ Yzza sa kamay ni DOn Samson ay mas malala pa pala sa inaasahan niya! Ayaw kasi ng binata na ikasal ang Dad niya o may pumalit sa namayapang ina nito. Ginawa ng binata ang lahat para siraan siya sa Dad nito at dumihan ang pangalan niya. Paano kung ang pagnanais ni Loid na hindi maikasal siya sa Dad nito ay may mas malalim pang dahilan? Paano kung this time, si Loid na mismo ang gustong mapasakaniya ang babae? Paano nga ba ni Glory Belle haharapin ang katotohanang ampon lamang siya ng kaniyang Itay Ramon at Inay Miriam at ang solong dahilan kung bakit gusto siyang ipakasal sa DOn ay dahil din sa kaniyang pagkatao? Paano mahahanap ng isang nawawalang bilyonaryang ang daan pauwi sa mga totoong nagmamahal sa kaniya?
Romance
101.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Caught In Uncle's Arms

Caught In Uncle's Arms

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang sarili mo matapos kang lokohin ng lalaking minahal mo nang buo? Para kay Araceli Gonzalo, sapat na ang isang sagot: hanggang sa dulo. Wala siyang pakialam kahit masunog pa siya sa sariling laro, basta makaganti lang. At kung ang paraan para saktan ang ex niya ay ang makasama ang uncle nito gabi-gabi, handa siyang tumawid sa bawal.
Romance
367 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MAGNUS CONDE DELAVID (Billionaire's Obsession Series 1)

MAGNUS CONDE DELAVID (Billionaire's Obsession Series 1)

Padayon
A man that every girls dream. Mayaman, makapangyarihan, tanyag at bonus pa ang kakisigan at napakagwapo nitong personalidad. Tila isang sumpa na lahat ng tumitikim kay MAGNUS CONDE DELAVID ay literal na nababaliw. Sanay siyang hinahabol-habol ng mga babaeng napaibig niya not until he met SERENITY FUENTABELLA. Ang babaeng may antidote sa gayumang taglay niya. Sa pagdating ni Serenity sa kanyang buhay ay magbabago ang takbo ng mundo niya. Ang dating hinahabol ay siya namang maghahabol. At ang dating nakikipaglaro ay siya namang magseseryoso. Pipilitin niya si Serenity na mapasakanya anoman ang kapalit nito. Kahit alam niyang ayaw sa kanya ng dalaga ay ikukulong niya ito sa kasunduan upang huwag mawala sa kanya. Handa na sana niyang panindigan ang pag-ibig sa dalaga ngunit malalaman niya ang malaking parte nito sa kanyang nakaraan. Ito nga kaya ang magiging dahilan upang mawala sa kanya ang babaeng unang nakapagpatibok ng totoo sa puso niya? Ito din ba ang dahilan para tuluyang makawala ang dalaga sa kanya?
Romance
1.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Secretly Married To A Heartless CEO

Secretly Married To A Heartless CEO

Nasanay sa simpleng buhay si Yana at hirap mag-adjust sa marangyang buhay kasama ang bilyonaryo niyang lolo. Wala siyang alam sa negosyo at inaaming mahina ang kan’yang utak. Nagtrabaho siya sa ibang kumpanya subalit hindi naging madali dahil sa ubod ng sungit at mahigpit nilang CEO, si Alexis. Kahit masungit ang binata ay sekreto niya itong hinahangaan, lalo’t pagdating sa kan’ya ay hindi nito magawang magalit, bagay na ipinagtataka niya. Nawindang siya nang malamang si Alexis pala ang lalaking itinakda ng lolo niya na kaniyang pakakasalan. Walang alinlangang tinanggap niya ang sekretong kasal sa binata kahit na susubukin ang kaniyang pasensiya. Ikinahal nga siya rito ngunit mas malamig pa sa yelo ang pakikisama nito sa kan’ya. Umaasa siyang mapaamo niya ito sa pamamagitan ng paghilom sa sugat ng puso nito, ngunit hindi iyon kasing dali ng inaakala niya. Handa ba siyang magtiis sa one-sided love, o ibabaling ang atensiyon sa taong may pamamahal sa kan'ya?
Romance
1014.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
THE BILLIONAIRE'S CONTRACT

THE BILLIONAIRE'S CONTRACT

Alexander is Jeselle's one true love, well as for her. He is the man of her dreams. Lahat ay naganap na naaayon sa kaniyang mga ninaais na mangyari, na para bang kakampi niya ang tadhana na handa siyang tulungan ano mang oras. Nang dahil sa isang kontrata, naisakatuparan niya ang kaniyang tanging pinapangarap na buhay. Nang dahil sa kasunduang ito ay nagkasalubong ang kanilang mga magkakaibang estado ng pamumuhay at mundo na siyang ikinagulat ng isa't isa. At sa kanilang pagpapatuloy, marami silang natutuhan sa isa't isa na naging susi upang sila'y magkamabutihan. Maayos na ang lahat, until that moment when she found out that everything is not as it seems.
Romance
1063.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
You Are My Savior

You Are My Savior

Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
Romance
105.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Kung Ayaw Mo, Huwag Mo

Kung Ayaw Mo, Huwag Mo

Fate in love has been something that Aqee finds interesting yet has never really experienced. She believes fate has its own favoritism, and it wasn't her. Her fate in life was turning bright, yet it made her love story darker by time. Para bang ang kapalit ng success niya sa buhay ay ang mag-isa habang buhay. It wasn't her choice to begin with. She wanted to be loved how she knows love is. Gusto niya maramdaman ang nararamdaman ng iba. Gusto niya maranasan ang nararanasan ng iba tuwing nagmamahal. Kahit hindi na siya baguhan sa isang relasyon, hindi siya tumigil sa paghihintay na baka isang araw ay paglaruan siya ng kaniyang tadhana at makilala ang lalaking iibigin siya hanggang wakas ng paulit-ulit sa iba-ibang pagkakataon. Ngunit handa na ba talaga si Aqee sa pagmamahal na ibibigay sakaniya ng tadhana? O nandyan lamang ang kaniyang hinahanap pero hindi niya lang pinapansin? Paano nga ba makikipaglaro ang tadhana niya sa kaniyang kwentong pag-ibig?
Romance
10195 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Loyal Wife

The Loyal Wife

Nag-umpisa sa isang arrange marriage Ang relasyon na kailangan buuin nina Niel at Mekki. Dahil pinakasundo sila ng kanilang mga magulang. Dahil may ibang mahal si Niel at kakahiwalay lang nila nito. Kaya Hindi pa ito handa sa bagong relasyon. Pero Wala siyang magawa kailangan niyang tuparin Ang kasunduan ng amang yumao sa mga Reynares sa pamilya ni Mekki. Pero pa ano Pala kong Ang akala na anak Ng mga Reynares ay Hindi Pala tunay na Reynares. Magagawa bang tanggapin iyon ni Niel at Ang kayang Ina? At paano Kong bumalik Ang dating kasintahan nito at gusto niyang bawiin si Niel. Hahayaan ba ni Mekki. Na maagaw si Niel sa kanya. Paano sila magtitiwala sa isa't Isa at patunayan Ang kanilang pagmamahalan.
Other
1.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3132333435
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status