Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Me, Mr. CEO

Love Me, Mr. CEO

Ms. Morimien
Malaki ang kapasidad ni Laura pagdating sa negosyo kung kaya’t paborito siya ng kanyang Lola at inaasahang magiging hahalili rito sa pamamahala ng kompanya. Subalit ang taglay na galing ni Laura ay ang nagbigay sa kanya ng mga sekretong kaaway na hihila sa kanya pababa. Sa isang iglap ay nawala ang lahat sa kanya nang i-set up siya ng pinsan at tiyahin. Nangyari ang isang gabing pagkakamali na siyang bumago sa buhay ni Laura ng tuluyan. Subalit marahil ay likas siyang pinagpala dahil nagbunga ng kambal ang pagkakamaling iyon. Iyon ang naging dahilan ni Laura para bumangon muli. Matapos ang limang taong pagpapakahirap niya sa ibang bansa ay bumalik siya sa Pilipinas para ipamukha sa pamilyang tumaboy sa kanya na hindi nagtagumpay ang mga ito sa pagpapabagsak sa kanya. “Mommy!” Pumihit sa direksyon ni Michael si Laura at sinalubong ng mahigpit na yakap ang anak. “Where have you been?” Nakasimangot na tanong ng bata. Akmang magsasalita si Laura ngunit natigilan siya ng lumitaw mula sa likuran ng bata ang pamilyar na lalaki. Ganoon na lamang ang pag-awang ng kanyang labi habang nakatitig sa kanya ang lalaki. “So, he’s your son?” Tanong nito dahilan para awtomatikong mapraning si Laura. “Mommy! This guy said he is my Daddy! Is that true, Mommy?!” Ngumisi ang magagandang uri ng labi ng lalaki. He’s assumptions are right. He’s biggest competitor in the world of business, Laura De Silva Goldsmith is the woman he’d been looking for five long years. And now that he caught her with his twins — he won’t let her go again. Suddenly, her plan to revenge was melted by his love. And Laura found herself saying… “Love Me, Mr. CEO.” But the question is, will there be a happy ending for them?
101.1K viewsOngoingAdded to Library 30 Times as hyuse world trigger
Read
+Library
FOREVER MINE, MRS. CEO

FOREVER MINE, MRS. CEO

SYNOPSIS: FOREVER MINE, MRS. CEO Megan Ratajkowski built her billion-dollar empire based on one rule: never look back. Five years ago, she was the most awaited bride in the country, preparing for a wedding worth 500 million pesos—an event that would’ve made her one of the most talked-about people in high society. But before she could even walk down the altar, her whole world crashed down. She received only one text message from Damien Harrington: “Don’t wait for me.” Walang paliwanag. Walang paalam. Naiwan siyang may matinding kahihiyan sa harap ng lahat, at nasira ang puso at pangarap na binuo niya. Ngayon, si Megan na ang pinakabata at pinakamakapangyarihang female CEO sa buong bansa. Ginawa niyang sandata ang tagumpay—cool, brilliant, at sinasabing walang puso pagdating sa negosyo. Ang tagumpay ang naging kalasag niya, para makalimutan ang lalaking minsan nang winasak ang lahat ng meron siya. Pero may ibang plano ang tadhana. Isang mataas na pusta na merger deal ang magbabalik sa kanya sa nakaraan. Harap-harapin niya ulit ang taong ayaw na niyang makita: Damien Harrington. Ngayon siya na ang pinuno ng Harrington Holdings—mas mayaman, mas mapanganib, at mas matindi pa sa dati. Sa sandaling pumasok siya sa boardroom at nagtama ang kanilang mga mata, biglang bumalik ang lahat ng sakit, galit, at mga alaala na akala niya ay nakalimutan na niya. “You don’t get to walk back into my life like nothing happened,” mariin na sabi ni Megan. “I’m not asking to walk back,” sagot ni Damien, na may matinding paninindigan sa kanyang boses. “I’m here to take what’s mine.” Pero sa likod ng mga labanan sa negosyo, may katotohanang hindi nila maitatago. Limang taon siyang hinanap ni Damien saanman siya magpunta. Limang taon din na hindi siya nagmahal ng iba.
6 viewsOngoing
Read
+Library
Euphoria: The Final Boss

Euphoria: The Final Boss

Si Evangeline Yang, kilala sa high-end world ng Ligaya & Adonis bilang Apple Pie, ang pinaka-requested escort—tinaguriang Best Flavor. Pero para kay Eva, hindi ito tungkol sa karangyaan o pagnanasa—isa itong paraan para mabuhay. Ang gabi-gabi niyang bookings ang naging daan para siya'y makatapos ng BSBA major in Marketing, nakabili siya ng studio-type condo unit, at naka pag patayo ng maliit na negosyo para sa kanyang pamilya sa probinsya. Ngunit matapos ang limang taon ng pagtatago sa pangalang hindi kanya, handa na siyang mag-quit. Ang final booking niya: isang weekend sa Euphoria Island kasama ang isang estrangherong basag ang puso. Walang pangalan. Walang expectations. Walang label. Langit sa ilalim ng buwan. Mga halik na masyadong totoo para sabihing trabaho lang. At isang gabing akala nila, kaya nilang iwanan sa isla. Nagkamali sila. Pagbalik sa Maynila, handa na si Eva sa bagong simula-isang lehitimong trabaho sa isang prestihiyosong marketing firm. Pero hindi siya handa sa lalaking naghihintay sa kabilang dulo ng opisina. Gideon Morgan—isang self-made billionaire CEO at charismatic marketing genius—na minsang naniwala at naging bulag sa pag-ibig... matapos siyang paulit-ulit iwan ng babaeng akala niya'y sa kanya. Sa Euphoria, natikman niya ang kalayaang matagal na niyang hinahanap-at ang halik ng babaeng hindi niya malilimutan. Maniniwala na sana siyang hindi totoo ang second chances—hanggang may nagturo sa kanya kung paano muling umasa at buksan ang puso muli. At ngayon, narito ang babaeng 'yon. Sa opisina niya. Bilang kanyang bagong secretary. Sa mundong puno ng power suits, deadlines, at mga lihim na hindi nila sinadyang itago—kaya pa ba nilang manatiling propesyonal? O dadalhin ng Euphoria ang lahat ng damdaming iniwan nila... hanggang sa boardroom?
101.6K viewsOngoingAdded to Library 58 Times as hyuse world trigger
Read
+Library
Love you still

Love you still

Meowpyyyyy
Love makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Alexena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit pagkatapos umalis nang walang paalam makalipas ang ilang taon ay hindi niya kailanman inakalang maglalaro ang tadhana at pagtatagpuing muli ang kanilang landas ng nag-iisang lalaki na kanyang minahal at iniwan sa nakaraan. Pero nagbago na ito, wala na ang bakas ng pagkatao ng lalaking kanyang nakasama noon. Wala na ni anino ng suyo kapag tinatapunan siya nito ng tingin at lambing sa tinig kapag kinakausap siya. Sa halip ay puro pang-iinsulto at masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing bubuka iyon. At ang nakakaloka pa ay napapansin niya na palagi na lang siya nitong pinag-iinitan at pinepersonal. Palagi ring iritado at akala mo ba ay may buwanang dalaw sa sungit. Aminado naman siyang may malaki siyang kasalanan dito. At mukhang dumating na rin ang panahon ng paniningil nito, ayaw man niya ay kailangan niyang magbayad. Ngunit sa kabila ng mga iringan nilang dalawa at hindi pagkakasundo ay hindi maikakailang ito pa rin ang nag-iisang tao na may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso niya. Akala niya ay okay na siya, akala niya ay naka-move on na siya rito. Pero mukhang mali ang lahat ng naging paniniwala niya dahil tutol man ang isip niya sa kanyang nararamdaman ay sadya namang may pagkatraydor, suwail at balimbing ang puso niya basta pagdating na rito ang usapan. Love is sweeter the second time around, maging applicable naman kaya ang kasabihang iyon sa dalawang ito? O sa halip na maging matamis ay baka naman pait ang malasahan at maging kapalaran ng mga ito sa dulo?
2.5K viewsOngoingAdded to Library 81 Times as hyuse world trigger
Read
+Library
PREV
1
...
444546474849
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status