The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets
Pinilit ikasal si Alyssa Ramirez kay Liam Navarro - ang cold at walang pusong heir ng isang makapangyarihang pamilya. Para sa kanya, isa lang siyang kontrata. Para kay Liam, isa lang siyang sakripisyo.
Pero nang mabasag ang puso niya at makita ang pagtataksil ng asawa, naglaho rin ang Alyssang mahina at sunud-sunuran. Umalis siya, dala ang pinakamatinding sikreto na kayang baguhin ang lahat: ang tatlong anak ni Liam - ang triplets na hindi nito alam.
Pagbalik niya, hindi na siya ang babaeng minamaliit. Siya na ang reyna sa likod ng VÉRAISE - isang luxury empire na magpapabagsak sa mga taong sumira sa kanya.
Handa siyang ipaglaban ang korona, ang mga anak niya, at ang dignidad na inagaw sa kanya noon.
Ngunit sa muling pagtama ng mga mata nila ni Liam, isang mas mabigat na laban ang nakahanda:
hindi lang para sa paghihiganti... kundi para sa pamilya at pag-ibig na pinilit nilang sirain pero itinadhana palang buuin muli