Chasing The CEO's Unwanted Wife
Sa murang edad na labinsiyam, ipinagkasundong ipakasal sina Zabrina Ferrer at Jacob Guerrero ng kanilang pamilya. Ngunit, hindi lamang iyon isang simpleng pagkakasundo ang rason kung bakit tinanggap ni Zabrina ang kasal, kung hindi ay dahil mahal niya si Jacob. Habang ang lalaki naman ay pinakasalan siya sa utos ng kanyang lola at galit na galit ito kay Zabrina.
Sa kabila niyan, hindi sumuko si Zabrina na iparamdam sa asawa kung gaano niya ito ka mahal sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti naman na nawawala ang munting pag-asa sa kanyang puso na makuha ang matamis na pagmamahal ng lalaki sa kanya. Hanggang sa nahuli niya ang asawang may ibang babae na siyang halos nagwasak sa buhay niya. Lahat ginawa niya para rito pero nang dahil sa isang pagkakamali, tuluyan nang natuldukan ang ilusyon ni Zabrina. Tumigil na siya sa pagmamahal sa lalaki at humingi ng diborsyo.
Ngunit, kung saan handa na siyang bitawan ito ay siya namang simula nang paghabol sa kanya ng asawang si Jacob. Ngayon, hindi niya alam kung anong gagawin, kung sino ang kanyang pipiliin.