Love's Desire
Anastasia Celeste Montano — a secretive, manipulative, and ambitious wife of the number one business tycoon in the country — Frederick Maxwell Dominguez.
Dahil sa kagustuhang umangat at makaahon sa kahirapan ay nagawang akitin ni Anastasia ang nag-iisang tagapagmana ng KeyStone Legacy Builder — isang kumpanya na siyang nangunguna sa bansa pagdating sa construction supplies.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Anastasia ay hindi lamang pala siya ang nagmamanipula sa mga nangyayari. Dahil sa kagustuhan ni Frederick na magustuhan ng ama at maipamana sa kanya nang tuluyan ang kumpanya ay pumayag siyang maikasal kay Anastasia kahit hindi niya naman talaga mahal ito, sa kadahilanang ang angkin nitong talino at galing sa lahat ng bagay ay lubos na makakatulong sa kanyang sariling pag-angat.
Samantala, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob nina Frederick at Anastasia sa isa’t isa sa kabila ng lahat ng pagpapanggap at lihim na kanilang itinatago sa bawat isa. Ngunit walang kasinungalingan ang hindi nabubunyag. Nalaman ni Frederick at ng kanyang pamilya na si Anastasia ay hindi pala nagmula sa mayamang pamilya dahilan upang kamuhian siya ng mga ito dahil sa kanyang ginawang panloloko, lalo na ng ina ni Fred na isang matapobre. At hindi rin nakaligtas ang pagbunyag ng isang sikretong tuluyang nakasira sa kanila. Nalaman ni Anastasia na ang nakababatang kapatid ni Frederick ay anak pala nito sa unang kasintahan.
Naging sanhi ito ng kanilang paghihiwalay. Ngunit dahil sa tagal nilang naging magkasama ay napalapit na pala ang loob ng ina ni Fred kay Anastasia kung kaya’t siya mismo ang nagpumilit na makipagbalikan ang kanyang anak sa asawa nito.
Maaari pa kayang maibalik ang relasyong nasira? O tuluyan na itong mawawala?