Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

sachtych
Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
Romance
1.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Merry me ,Mr.Montereal

Merry me ,Mr.Montereal

Haliyah
Nang dahil sa pag takas ni Summer sa araw ng kanyang mismong kasal, ay napad-pad siya sa lugar ng Maynila kung saan ni kahit sa panaginip ay hindi pa niya narating.Mabuti na lang at may kaibigan siyang maasahan na tumulong sa kanya para may matuluyan ng pansamantala. Nagtanong- tanong siya ng trabaho sa mga mayordoma sa bahay ng kaibigan nito. dalawang choices lang ang may'roon si Summer ang maging Maid o Isang Secretary ng isa sa pinaka mayamang negosyante sa syudad ng maynila ang kompanyang Montereal corp.
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10563 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Drifted to you

Drifted to you

MnémosynceDramaSweet Love
Dahil sa isang dahon ng papel nagkakilala sina Sierra at Quirou, dalawang nilalang na hinubog ng magkaibang mundo. Isang nilalang na halos sumpain na ang pagkabuhay, at isa na iniibig ng lahat. Nagtagpo ang kanilang mga sulat isang umaga sa kabundukan, hanggang sa ang una ay nasundan pa, at nagtuloy tuloy pa. Hanggang saan sila kayang dalhin ng mga dahon ng papel? Hanggang saan ang kayang abutin ng mga salitang pinasayaw nila gamit ang tinta? Hanggang saan ang kayang ilaban ng mga pusong musmos pa sa walang kasiguraduhang bukas?
Romance
2.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Death Judge Noble Park

Death Judge Noble Park

Maganda ang mundo, ngunit malupit din ito. Sa mundo ng Gaia, mayroong apat na rehiyon. Iyon ay ang Normous, Defracia, Bandalia Cifalia, at Isla ng Anino. Sa bawat rehiyon ay mayroong Death Judge, ang pag-asa ng bayan, ngunit ang Rehiyon ng Normous lamang ang walang Death Judge at ang umako sa posisyon nito ay ang emperor mismo. *~* Si Maximaze Lativitus Park ay isang mamamayan ng Normous at nasa pinakamababang-antas lamang ng sibilisasyon sa rehiyon. Sa ibang salita, siya ay isang alipin ng nakatataas. Nang siya ay hindi pa ipinapanganak ay nawalan na ito ng ama dahil sa kabayanihang ginawa. Nang dumating ang kaibigan ng kaniyang magulang, nagbago ang kaniyang buhay. Siyaʼy binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makalaya sa pagkakaalipin, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan niyang maging isang kandidato sa paglalakbay at maging Death Judge ng Normous sapagkat ang emperor ay nanghihina na. Ang tahimik niyang buhay kasama ang kaniyang ina ay naging magulo—mas malala sa pagkakaalipin. Marami siyang inaasahan sa mundo ngunit nang kaniyang malaman ang katotohanan, ang kaniyang pangarap ay nawasak sa pira-piraso. Sa araw na iyon, nakatanggap siya ng isang masamang paalala.
War
9.73.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Chasing Love A Second Chance At Forever

Chasing Love A Second Chance At Forever

Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?
Romance
1016.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

Nagkaroon ng aksidenteng one-night stand sina Andrew Sandoval at Hanna Williams limang taon na ang nakalilipas, at hindi makalimutan ni Andrew ang katawan ni Hanna. Hindi niya maabot si Hanna dahil sa kaguluhan ng pamilya na dulot ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama. Pagkalipas ng limang taon, kinuha ni Andrew ang negosyo ng pamilya at natagpuan si Hanna, na baon sa utang sa pagsusugal ng kanyang ina. Iniligtas siya ni Andrew at tinulungan siyang magbayad ng pera, na naging may utang kay Hanna. Pinakiusapan niya itong maging manliligaw ngunit tumanggi ito dahil may nobyo ito. Nakipagpustahan si Andrew kay Hanna na iiwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera, at sa kanyang pagtataka, iniwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera. Single siya pero hindi pumayag na maging manliligaw ni Andrew. Lalo siyang kinaiinisan dahil ginulo nito ang kanyang mapayapang buhay.
Romance
2.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1021.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
ISANG GABI SA PILING MO

ISANG GABI SA PILING MO

WARNING/ R-18+ Bata pa lang si Belyn Kho, sabik na siya sa atensyon ng kanyang magulang. Palagi kasing pabor ang Mommy at Daddy niya sa ate niya. Ika nga lagi siyang second choice kapag wala ng pagpilian.Kaya naman pala ganun kay Belyn ang Mommy at Daddy niya, at ni minsan ‘di niya nararamdaman na minahal siya ng kinagisnang magulang dahil natuklasan ni Belyn, sa mismong debut party niya na ampon lang siya ng pamilya Kho.Okay naman sana kay Belyn dahil wala ng bago. Ano nga naman ang pagkakaiba sa nalaman niyang ampon siya at malamig na turing ng ama at ina. Ni malasakit simula't sapul wala siyang nakuha.Kaya lang, nilayuan siya ng mga kaibigan, lalo na ang kasintahan ng malaman na hindi siya anak ng pamilyang Kho.Pakiramdam ni Belyn siya na ang pinakamalas na nilalang sa balat ng lupa. Walang may gusto sa kaniya. Kaysa magmukmok siya sa bugok niyang nobyo na walang balls, nag-focus na lang si Belyn sa pag-aaral.Paglipas ng dalawang taon, bumagsak ang negosyo ng magulang niya at sa loob ng dalawang buwan ay nakatakda siyang ikasal upang makabangon daw muli ang negosyo na minana pa raw ng Daddy niya sa mga magulang nito.Tumutol si Belyn. This time umalma siya. Gusto ni Belyn sa lalaking mamahalin lang siya magpapakasal, hindi dahil pambayad utang lang.Sa gabi ng kaniyang paglalayas, humingi siya ng tulong sa kaibigan niya. Kaya lang, iba ang dumating — ang bestfriend nito na nagngangalang Aaron Chong, na umaapaw tlsa kisig at hotness. Tuluyan nga kayang makakatakas sa kasal si Belyn?Abangan ang love story ni Belyn Kho at Aaron Chong, Isang gabi sa piling mo.
Romance
1045.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2526272829
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status