Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Si Jane ay kinasal sa lalaking dalawang beses palang niyang nakikita. Wala silang pagmamahal sa isa’t isa, para sa kanilang dalawa ang kanilang kasal ay sa papel lamang. Paano kung isang araw ay matuklasan niya na si Clegane, ang kanyang asawa ay hindi pala ordinaryong lalaki lang?
Romance
10988 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
622 viewsOngoing
Read
Add to library
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10370 viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Vows

Bound to the Billionaire's Vows

Synopsis: Si Allianah ay nag-iisang anak na lumaki nang payapa at malayo sa komplikasyon. Ngunit isang araw, nagulat na lamang siya nang malamang ikakasal siya sa isang bilyonaryong binata, si Ezekiel Salvador. Para kay Allianah, ang kasal na ito ay isang pagkakakulong, dahil wala siyang ibang nararamdaman para sa lalaki kundi galit kahit pa gwapo, mayaman, matalino, at halos perpekto sa paningin ng iba. Ngunit para kay Ezekiel, unang kita pa lang niya kay Allianah sa kanilang mansion ay nahulog na ang puso niya. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang makuha ang dalaga. Habang lumilipas ang panahon ng kanilang pagsasama, natutong magmahal si Allianah at handa na sanang umamin ng damdamin. Ngunit sa oras na iyon, nahuli niya si Ezekiel na kahalikan ang dating kasintahan. Nasaktan, iniwan niya ang asawa at nagpakalayo-layo. Hanggang sa muli silang nagtagpo hindi inaasahan, sa isang restaurant na pag-aari ng ama niya dala ang sugatang puso at nakaraan na hindi pa tuluyang nalulunasan.
Romance
101.4K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

Musika
Si Rebecca Jacinto ay ikinasal sa kaniyang matagal na kasintahan na si Roland Estrella. Matagumpay nilang naisagawa ang kanilang kasal subalit isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari sa mismong araw na iyon. Nagkaroon ng amnesia ang kaniyang asawa dahil sa isang aksidente na tumagal ng ilang taon. Ang pangyayari na iyon ang naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na pumasok sa buhay nila ang kaniyang biyenan na si Zenaida Estrella para pahirapan siya. Sa kabila ng masamang pagtrato ng kaniyang sariling biyenan ay nanatili siya at hindi sumuko. Patuloy pa rin niyang pinagsisilbihan ang asawa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iyon ang magiging mitsa para mas lalong umapaw ang galit ng kaniyang biyenan para paghiwalayin silang mag-asawa. Dinala pa nito ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa na si Cynthia Sebastian na tanging nakikilala ng kaniyang asawa. Hanggang saan tatagal ang pagiging martyr na asawa ni Rebecca? Handa ba siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal sa asawang hindi siya maalala o susuko na lang at ipauubaya sa iba ito?
Romance
10728 viewsOngoing
Read
Add to library
The Second Marriage Chance [Filipino]

The Second Marriage Chance [Filipino]

"Did you ever, even once, imagine yourself loving me?" Sarah posed a hopeful question to Philip. "Don’t make me laugh, Sarah. Everything between us has been purely about pleasure and business.” Matagal nang may nararamdaman si Sarah para kay Philip mula noong una niya itong makita sa isang sports magazine. Nang iniwan si Philip ng fiancée nito para sumama sa ibang lalaki, walang pag-aalinlangang inialay ni Sarah ang sarili bilang kapalit na bride para iligtas ang lalaki sa kahihiyan. Pagkatapos ng tatlong taong walang pag-ibig at saysay na kasal, naglakas-loob si Sarah na hiwalayan si Philip, na umaasa pa rin sa dati nitong nobya. Nangako si Sarah sa sarili na makahahanap siya ng lalaking magmamahal, magtitiwala, at magpapahalaga sa kanya na parang isang reyna sa ikalawang pagkakataon. Isang taon ang lumipas, muling nagtagpo ang kanilang landas. *** Philip confronted Sarah in a ladies’ restroom, demanding, “Do not let other men touch you!” Sarah remained indifferent; her demeanor noticeably changed. “And what if I do?” she retorted. Philip’s tone grew menacing, “You won’t like what I’d do.” Unfazed, Sarah shot back, “Mr. Cornell, I’ve never liked what you’ve done, even in the past. There’s nothing new about that, and please stop whining like a baby,” before turning and walking away, disdainfully leaving him behind.
Romance
1025.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1032.0K viewsCompleted
Read
Add to library
A Kiss To A Beast (Mafia Lord series 1)

A Kiss To A Beast (Mafia Lord series 1)

MaidenRose7
("You belong to me, okay? Once you think about someone else, you'll be punish!" - lord Stan Elthen Indelcio.) Si Stan Elthen Indelcio ay walang oras para sa pag-ibig dahil tanging paghihiganti lang ang nasa isip niya, hanggang sa nakilala niya ang isang magandang gangster chic na nagdala ng parehong liwanag at dilim sa parehong mundong ginagalawan niya. Gagawin niya ang lahat para lang mapasakamay ang sutil na dalaga. Hindi sigurado si Haidei tungkol sa mga motibo ni Stan nang kunin siya nito mula sa sariling grupong Ruffian upang magtrabaho bilang isa sa miyembro ng kanyang gang na Stygian. Ginawa ni Stan ang lahat para kumbinsihin si Haidei na mahal niya talaga ito pero isang hamak na playboy college student lang talaga ang tingin nito sakanya. Ang gusto lang gawin ni Haidei ay alagaan ang kanyang grupo, kaya napunta siya sa deal na panghabambuhay para sa mga gastusin at kaligtasan ng kanyang grupo, sinusunggaban niya agad ang pagkakataon. Hindi niya alam na ang pakikipagkasundo kay Stan ay isang kulungang imposibleng takasan. Unti-unting napawi ang kanyang ngiti, at ang kanyang tawa ay nalulusaw hanggang sa ang natitira na lang ay ang sirang puppet sa impyerno na nilikha ng kanyang personal na hangarin. Si Stan Elthen Indelcio, ang pinuno ng Stygian Beast, ay tumayong mag-isa para hanapin ang humamak sa Ina nito. Brutal, walang awa, at mapanganib, si Stan ay kinatatakutan ng lahat - maging ng mga halimaw na naglalayong patayin ang kanyang kaluluwa. The instant Stan notice what's happening, he took her under his wings, and even though he's all sharp edges and has threatening screams, she feel safe with him. Kung ang kaligtasan niya ay kapahamakan ni Stan? Ano ang gagawin niya? Hayaang mapahamak si Stan para sa kalayaan niya?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Never Tame A Beast

Never Tame A Beast

(Ship of Temptation 3) Si Olie ay inampon ng isang mayamang matandang lalaki na walang kakayahang magkaanak. Gusto ng adoptive father niya na mapalapit siya kay Cly, a mentally retarded person, for a marriage proposal. Nais ng ama ni Olie na makuha ang kayamanan ni Cly sa pamamagitan ng kasal, na iniwan ng mga magulang nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Olie ang pagpapanggap ni Cly. Natakot siya at tumakas lalo na ng gusto ni Cly na ikulong siya at angkinin. After 8 years, nagkita muli si Cly at Olie. But this time, may boyfriend na si Olie na iba na kaibigan ni Cly. Anong gagawin ni Cly para mabawi si Olie? Magpapatuloy ba ang nasimulan nila noong una? O tuluyan ng sarado ang puso ni Olie sa kaniya?
Romance
1014.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Gumuho ang mundo ni Mallory nang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis! Ang ama? Ang kilalang propesor sa pinapasukan nitong unibersidad! Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang pinapili pa sa kanya ni Professor Leviste ang dalawang bagay na maaari niyang gawin…ipalaglag ang bata, o ikasal siya rito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob upang pumayag siyang ikasal siya rito pero hindi niya naman kayang ipagkait sa bata ang pagkakataong lumaking walang ama. Sa isang iglap, ang simpleng estudyante na si Mallory ay naging “Mrs. Leviste” — asawa ng isang lalaking kilala sa katalinuhan ngunit may pusong tila yelo. Ngunit, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay magkahiwalay silang natutulog at magkahiwalay na nabubuhay sa parehong bubong. Hanggang sa isang gabi na kumatok si Theodore sa kanyang pintuan, yakap ang isang malaking unan. "Nasira ang heater sa kwarto ko," paliwanag pa nito sa malalim na boses na may bahid ng kahihiyan. "Pwede…pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?" Walang nagawa si Mallory kundi ang pumayag. Isang gabi na naging dalawa... na naging araw-araw. Sa ilalim ng iisang bubong, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, o mananatili silang bilanggo ng kasunduan na pinasok nilang pagkakamali?
Romance
20 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50

Read Kasal Sa Multimilyonaryong Kubli: Walang Hanggang Ligaya Novels & Stories Online

Here are 500 novels related to kasal sa multimilyonaryong kubli: walang hanggang ligaya for you to read online. Generally, kasal sa multimilyonaryong kubli: walang hanggang ligaya or similar novel stories can be found in various book genres such as Romance. Start your reading from I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY at GoodNovel!
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status