MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)
Dahil sa kalasingan, maling silid ang napasukan ni Solar. Paggising niya kinabukasan ay katabi na ang kilalang ruthless and cold CEO, si Caellune Santorre.
Gulat, takot, at hiya ang naramdaman ng dalaga. Kaya agad niyang tinakasan ang binata. Pinilit kalimutan ni Solar ang nangyari, ngunit nang kausapin siya ng mga magulang tungkol sa kasal ay parang binagsakan ng langit ang dalaga. Pero wala siyang choice nang ipilit ng mga magulang ang kasal bilang kabayaran sa utang ng pamilya.
Ngunit hindi inasahan ni Solar ang mas malalang twist. Ang lalaking tinakasan niya matapos ang makasalanang gabi, ito pa lang ang mapapakangasawa niya.
Akala ni Solar nakalimutan nito ang nangyari sa kanila. Pinagbintangan siya ni Caellune na sinadya niyang mapalapit dito para akitin ito.
Hindi naging maganda ang trato ni Caellune kay Solar. Pero habang tumatagal, napapansin niya na may mga lihim na itinatago si Caellune. Mga kwartong bawal pasukin. Mga tawag na biglang pinapatay. At mga mata nito na tila puno ng sakit at galit sa nakaraan.
Ngunit habang tumatagal ay unti-unting nabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Pero paano kung ang pagmamahal na nagsisimula pa lang ay masira nang bumalik ang babaeng unang minahal ni Caellune? Mapapatawad ba ni Solar ang lalaking sinumpa niyang kamumuhian? O tuluyan na silang sisirain ng mga sikreto at kasalanang pilit nilang nililibing sa nakaraan?