Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
3.1K viewsOngoingAdded to Library 82 Times as kung di rin tayo sa huli
Read
+Library
ANG MUTYA NG HULING MAFIA

ANG MUTYA NG HULING MAFIA

BLURB: Kailanman ay hindi maikakaila na minsan nilang minahal ang isa’t isa. Ngunit ang lihim ng mundong nababalot ng panlilinlang, pagtataksil, at nang makapangyarihan, ang babago sa takbo ng kanilang buhay. Mataas ang pangarap ni Seraphina sa buhay. Upang makamit ang tugatog ng tagumpay, kailangan niyang gamitin ang kanyang kapatid at ang sitwasyon hindi niya kayang tanggihan. Habang si Silhouette, bagama’t nagmamahal lang naman ay naipit sa dalawang malalaking batong lihim na nag-uumpugan at tinutugis ang isa’t isa. Puso ng isang tunay na mafia ang hangad niya kahit sa panaginip. Ang puso niyang iyon ang nagturo sa kanya na puwedeng maging perpekto ang pagkakataon para sa mga imperpektong tao na tulad niya at ni Sandro sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad. Habang si Sandro, sa kabila ng kanyang lihim na pagkatao ay natutong magmahal. Kaya niyang bigyan ng proteksyon ang taong mahal niya, kaya niyang suungin ang panganib at marunong siyang magsakripisyo. Ang kanyang tamang pagpapasya ang magiging susi tungo sa payapang kinabukasan kasama ang kanyang pamilya. Mabubuksan ang maraming pinto ng lihim. Bawat pinto ay maglalapit kina Sandro at Silhouette. At isang pinto naman ang mababalot ng paghahanap ng hustisya at paghihiganti sa muling pagmulat ng mga mata ni Seraphina. May puwang ba ang tunay na pag-ibig para sa tinaguriang mutya ng huling Mafia? Alin ang mas matimbang, ang kapatid o ang pinangarap niyang mafia? Ang pag-ibig ba ang kanilang kaligtasan—o ang kanilang kapahamakan?
101.5K viewsOngoingAdded to Library 55 Times as kung di rin tayo sa huli
Read
+Library
AKIN ANG HULING KONTRATA

AKIN ANG HULING KONTRATA

   Si Sabrina ay isang anak isang napakayamang ankan ng mga Isidro. Ngunit sa kasawiang palad nalulong ang kanyang ama sa sugal,at ibininta nito ang lahat ng  kanilang ari-arian hanngang sa wala ng natira sa kanila ng kanyang ina kundi ang nag-iisang bahay nalang nila. Dahil wala na nga silang pwede pa'g ibenta ay siya ang naisipang ibenta nito sa isang bilyonaryong pinagkakautangan nila. Walang magawa si Sabrina kundi ang pumayag dahil naawa sya sa sitwasyon ng kanyang ina kung hindi sya papayag sa gusto ng kanyang ama ay sasaktan niya ito ng sasaktan. Si Sabrina Isidro ang may pinakamagandang mukha sa kanilang lugar ,at halos lahat ng lalake ay nagkakandarapang mangligaw sa kanya pero napunta lang ito sa isang matangdang mayaman na si Don Arturo Agman, sa edad na dalawang pu't anim na taon ay kailangan nitong ibenta ang sarili para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama. Pumerma ito ng kontrata na sa loob ng dalawang taon na hindi mabayaran ng kanyang ama ang lahat ng kanyang utang ay peperma ito ng kahulihulihang kontrata ang maikasal sila ni Don Arturo Agman. Makikilala ni Sabrina ang ampon nitong anak na si Samuel iibig silang pareho ng patago dahil alam ni Samuel ang ugali ng kanyang kinikilalang Ama. Magdurusa si Sabrina sa isang matandang hindi niya mahal at matatali sya dahil sa kanilang pagkakautang subalit makakaranas naman sya ng sarap pag kasama nito si Samuel  hahanap ng paraan si Samuel na makabayad sila ng utang dahil gusto niya na sa kanya mapunta ang huling kontrata yon ang makasal kay Sabrina. Kaya masasabi nito ang katagang akin ang huling kontrata. Sa kabila ng ginawa ni Samuel sa kanya parin ipinamana ang ari-arian ni Don Arturo. At namuhay na sila ng malaya ni Sabrina.
2.3K viewsOngoingAdded to Library 63 Times as kung di rin tayo sa huli
Read
+Library
Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Ang aking asawa ay isang air traffic controller. Sa aming mga nakaraang buhay, ang aking anak na babae ay inatake sa puso nang ang flight na aming sinasakyan ay humarap sa isang bagyo. Nakipag-ugnayan ako sa aking asawa sa control tower para maghanda ng priority landing. Kasabay nito, bumagsak ang kabilang flight na sinasakyan ng soul mate ng asawa ko matapos tamaan ng kidlat. Ang aking asawa ay kumilos nang normal pagkatapos ng insidenteng iyon. Gayunpaman, nang maglaon sa kaarawan ng aking anak na babae, ikinulong niya ang aking anak na babae at ako sa bahay, at kami ay sinunog hanggang sa mamatay. "Kung hindi ka nagrequest ng priority landing, hindi sana bumagsak ang flight ni Kelly! Sa tingin ko ay wala namang problema sa anak mong babae. Ginawwa mo lang yun dahil sa selos mo para kay Kelly, ikaw ang rason ng pagkamatay ng ilang daang mga inosenteng buhay.” Ang aking anak na babae at ako ay hindi nakatakas, kami ay namatay nang kakila-kilabot. Sa susunod na pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa araw na ang aking anak na babae ay inaatake muli sa puso. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang nadiskonekta ng asawa ko ang tawag ko sa control tower. Gayunpaman, nang malaman niyang namatay ang aming anak na babae dahil sa atake sa puso, nabaliw siya.
1.1K viewsOngoingAdded to Library 22 Times as kung di rin tayo sa huli
Read
+Library
A Drink With You

A Drink With You

"I didn't plan on falling in love with someone else." 'Yan ang salitang hinding-hindi makakalimutan ni Gilliane dahil sa isang pangyayaring nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso. Pagkatapos siyang takbuhan ng lalaking mapapangasawa niya sana sa araw ng kanilang kasal, sa harap ng altar at napakaraming tao. Nang nangyari 'yon ay doon niya natutunan na walang kasiguraduhan ang anumang bagay sa mundo. That true love is not measured by how long you are together because in the end, it all just doesn't matter when the person you love the most gave up and find another woman and leave you before your eyes. Pagkatapos ng lahat nang delubyong nangyari sa kasal niya ay napilitan siyang sumama sa matalik na kaibigan pabalik ng Pilipinas para paghilumin ang sugat. Nagtungo siya sa bar gabi-gabi and her bestfriend was aftraid she would self-destruct. Sa unang bar na napuntahan ay nakilala ni Gilliane ang isang napakaguwapong lalaki. They even talk without giving each others name and number. Nang sumunod uling gabi, sa ibang bar ay muli silang nagkita nang hindi sinasadya. Nakailang beses silang nagtagpo kahit na hindi nila pinag-uusapang magkita. Naisip niya na waring pinagtatagpo sila ng tadhana. Pero dahil sariwa pa kay Gilliane ang nangyaring pang-iiwan sa kanya ng kanyang long-time boyfriend, ayaw niya munang mapaugnay sa kahit na sino mang lalaki. She stopped going in the bars and chose to stay at home. Ngunit waring talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita sila ng lalaki dahil muli silang nagkita sa loob ng operating room. The man was Dr. Sebastian Villaraza, isang mahusay na surgeon sa bagong ospital na pagtatrabahuhan ni Gillian. A Ano kaya ang nais ipahiwatig sa kanya ng tadhana sa kanilang muling pagkikita ng napakaguwapong surgeon na ito?
1019.0K viewsCompletedAdded to Library 740 Times as kung di rin tayo sa huli
Read
+Library
Fated to Love You, My Prince

Fated to Love You, My Prince

He is Prince Dymitri Lance Montague of the Kingdom of Nirvana, and she's his maid. They both fell in love with each other, but Serene clearly knew that their story was not a Cinderella-like love story with a happy ending. Hindi lamang ang estado nila sa buhay ang hadlang sa kanilang pag-iibigan kundi higit ang magulang ng binata na tutol sa kanilang relasyon. Ginawa ng mga ito ang lahat para paghiwalayin sila. Isang masakit na kasinungalingan na naging dahilan para labis siyang kamuhian ng binata. Na deport si Serene pabalik ng Pilipinas kasabay ng pagkakatuklas niya na siya'y nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, habang naghihintay ng masasakyan si Serene kasama ang apat na taong gulang na anak mula sa pinapasukan nitong kindergarten, bigla itong tumawid sa kalsada ng hindi niya namamalayan. Muntik na itong masagasaan kung hindi lang mabilis ang driver ng SUV sa pagpreno. Ngunit hindi lang iyon ang nagpayanig sa buong pagkatao ni Serene, ikinagimbal niya rin ng labis ng masilayan niya ang mukha ng lalakeng bumaba mula sa backseat ng sasakyan. Si Dylan.. na noo'y biglang tumiim ang mga mata ng mapadako ang tingin sa kanyang anak.
1016.4K viewsCompletedAdded to Library 443 Times as kung di rin tayo sa huli
Read
+Library
PRINCESS DELA BOTE

PRINCESS DELA BOTE

Hindi pa sila gaanong nakalalagpas sa kasibulan ng kabataan nang magkakilala’t ma-fall sa isa’t isa sina Ana at Enrico. Madali silang nahulog sa patibong ng pag-ibig na sa una lang puro kilig. Maaga silang ikinasal sa huwes. Hindi man lang muna inihanda ang kanilang kinabukasan. Nang magsama sila sa iisang bubong at maharap sa krisis ng realidad ng buhay may-asawa, tulad sa pag-inom ng alak, matapos malasing sa pag-ibig ay matinding hangover ang sumubok sa katatagan ng kanilang ugnayan. Nagumon sa pag-inom ng alak si Enrico. Gumatong ito sa galit ni Ana dahil sa kaiintindi kung paano sosolusyunan ang kanilang mga problema. Hanggang sa mapuno ang salop at humantong sila sa maapoy at dramatikong sakitan ng damdamin. Pinalayas ni Enrico si Ana. Nagpakalayo-layo si Ana at pumunta sa rose farm ng matalik niyang kaibigan. Sa loob ng ilang panahon, humupa ang hangover ng bara-bara nilang pagkalasing sa pag-ibig. Kaalinsabay nito’y ang pagsisisi at pananabik sa isa’t isa. Nahimasmasan si Enrico sa nagawa niyang pagkakamali. Pati ang tadhana’y nakiayon sa kaniya upang maituwid ang lahat. Nakatulong din sa mabilis na pagbabago ni Enrico ang natuklasan niyang diary ni Ana. Nagtuloy-tuloy ang pagbabago ni Enrico para kay Ana. Si Ana nama’y nagtuloy-tuloy ang pananabik at pangungulila kay Enrico; umabot pa nga sa puntong hinahanap niya ito sa ibang lalaki. Hanggang sa di inaasahang araw, muling nagkurus ang kanilang landas. Ngunit naulit ang kahapon. Muling nagpakalayo-layo si Ana. Ang dahilan—may bagong babae si Enrico. Umuwi si Ana sa bahay ng Tiyo Narding niya. Si Enrico nama’y pursigidong tapusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Sinundan niya si Ana. Sa bahay ng Tiyo Narding ni Ana naresolba ang lahat sa paraang kakatwa at nakakikilig. Sa huli'y opisyal na kasalan ang naganap. Kasalang puno ng luha ng kaligayahan.
4.5K viewsCompletedAdded to Library 177 Times as kung di rin tayo sa huli
Read
+Library
HER SUFFER RING

HER SUFFER RING

May gustong-gusto si Calynn na singsing. Subalit isang araw ay binili ito ng isang lalaki para sa nobya nito. Simula niyon ay animo'y heartbroken na si Calynn. Hindi niya matanggap na pag-aari na ng ibang babae ang singsing na inasam-asam niya. Ang hindi niya alam ay muling magkukurus ang landas nila ni Reedz at walang anumang ibinigay na lang nito ang singsing sa kanya dahil ni-reject daw ito ng nobya. Subalit imbes na matuwa ay nakonsensya si Calynn. Hinanap niya si Reedz para ibalik ang singsing. Ang hindi niya inasahan, sa isang iglap, dahil sa singsing ay siya na ang na-engage sa binata, kay Reedz Rovalez na isa palang bilyonaryo. Anyare? At ano pa kaya ang mangyayari oras na siya ay mabuntis?
1016.3K viewsCompletedAdded to Library 375 Times as kung di rin tayo sa huli
Read
+Library
The Ring of Truth and Lies

The Ring of Truth and Lies

MZTERIOUS
Glayscent Clemente is a single mom kaya kinailangang niyang magtrabaho kahit na maliit pa lamang ang kanyang anak na lalaki. Lahat ng trababo ay kaya n’yang pasukin upang mabuhay lamang silang mag-ina. Haniel Hermuenez is one of the most sought-after bachelors in the Philippines. Magandang lalaki, matalino, at higit sa lahat ay mayaman. But he has a secret no one can know. One day, his grandfather offered him a deal that he can’t refuse. Isang kasunduan maglalagay sa kanila ni Glayscent sa isang kumplikadong sitwasyon. Masu-solusyonan ba ito nang walang nasasaktan? O mabubunyag ang mga lihim na matagal nang itinago?
103.6K viewsOngoingAdded to Library 75 Times as kung di rin tayo sa huli
Read
+Library
The Gangster Prince Meets the Mafia Princess

The Gangster Prince Meets the Mafia Princess

Description Louelle Andrade is a runaway mafia princess. Isa lang ang gusto niya sa mundo ang magkaroon siya ng tahimik na buhay na malayo sa gulo tulad ng kinagisnan niya. All her life, never pa niyang maranasang maging masaya. At gusto niya kahit sandali lang maranasan niya iyon. And that happened when she runaway. Archangel 'Anghel' Soriano is a delinquent gangster. Kinatatakutan ng lahat lalo na school nila. Ang Yorkshire University. When two of this delinquent meet, what would happen? Ang isa gusto ang tahimik na buhay at ang isa naman ay pumapasok sa isang magulong mundo kung saan tumatakas ang isa. Magkasundo kaya ang dalawang ito? We'll see then. P.S.: Photo not mine. Credits to the rightful owner
9.836.3K viewsOngoingAdded to Library 942 Times as kung di rin tayo sa huli
Show Reviews (19)
Read
+Library
MikeePrieto29
Hi guys! Sorry for the slow updates medyo I've been feeling a little until the weather. 😅 Ia-update ko sana pero nung nacheck ako hindi nag-autosave ang sinulat ko. 😢 I'm in the middle of writing it all over again. Anyway, wait for an update until Monday. Thanks for the support guys...
?abby??
miss author,wait ko na lang po ang update ninyo😊😊😊✌ HEHEHHEHE pag-pasensyahan mo na po ako author ahh.. HAHAHHAHAHa,hindi niyo po ako masisisi,,isa lang naman po ako sa mga 'fans*' niyo po author HAHAHAHAH..hindi niyo po ako masisisi kasi ang ganda po ng story ninyo ehh..TEHEE~update soon po😊
Read All Reviews
PREV
1
...
678910
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status