Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Behind Her Innocence

Behind Her Innocence

“Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital. Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan. “Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata. “Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong ng batang babae ang mga mata ng lalaki. “Paano kung kukunin ko ‘yan, paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Seryosong pahayag ng lalaki. Saglit na nag-isip ang bata na wari mo’y naguluhan. “Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay ikakasal ka sa akin. Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” “Pumapayag po ako.” Inosenteng sagot nito. ————— Isang batang babae ang nakipagkasundo sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Smith, si HARRIS SMITH. No read, no write at mangmang sa lahat ng bagay ‘yan si ZAHARIA LYNCH. Isang simpleng dalaga na sinamantala ang kainosentihan ng mga taong itinuturing niyang pamilya. Paano magkakaroon ng katuparan ang kasunduan ng dalawa kung sa apat na sulok ng kwarto umiikot ang mundo ni Zaharia?
Romance
1030.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Can’t Let You Go

Can’t Let You Go

Warning ⚠️ Spg ⚠️ First year college pa lang si Neri ay secret crush niya na ang ngayo’y SSG President ng kanilang campus na si Eon. Pero hanggang tingin lang siya sa binata dahil napakasungit nito at batid rin niyang engage na ito at nag-aaral sa America ang fiancée nito. Si Neriah “Neri” Salvacion, ay lumaking mahirap. Siya ay laking isla at kaya lamang lumuwas ng Maynila, upang ipagpatuloy ang pagkokolehiyo niya matapos makakuha ng scholarship. Habang si Elleon “Eon” Ignacio naman ay lumaki sa marangyang buhay. Siya ay nag-iisang anak ng isang bilyonarya at businesswoman. Neri thought na hanggang tingin na lang talaga siya kay Eon. Ngunit nang mabalitaan niya na may leukemia ang bunso niyang kapatid, ay napilitan siyang tanggapin ang inaalok ng best friend niya, at iyon ay ang pagpo-prostitute. Ngunit lingid sa kaalaman ni Neri na ang taong pagbibentahan niya pala ng kan'yang katawan ay ang long time crush niya na si Eon. Matagumpay na nakuha ni Eon ang kanyang pagkababae at nakipag-deal ito sa kanya na simula sa gabing ‘yon ay si Eon lamang ang gagamit ng katawan niya. Sumang-ayon naman agad si Neri, dahil sasagutin ng binata ang chemotheraphy ng bunso niyang kapatid. Pero agad siyang binalaan ni Elleon na 'wag siyang mai-in love rito, dahil hindi siya masusuklian nito, at kung ano man ang magandang pagtrato nito sa kanya ay ‘wag niyang seseryosohin. Dahil kaya sa fiancee ni Elleon kaya niya iyon nasabi? I-le-let go na kaya ni Neri ang feelings niya for Elleon? o mas lalo lang siyang ma-fall dito dahil mas madalas na silang magkakasama dahil sa kanilang deal?
Romance
1035.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

Limang taon.. Limang taon na nakulong si Sapphire, dahil sa kagagawan ng kanyang asawa, at ng kabit nito, na kanya mismong kapatid. Sa kanyang paglaya, mismong ang hudas pa niyang asawa ang sumundo sa kanya, dahil hindi maaaring iakyat sa bahay ng mga Briones, ang isang kabit. Alam na ni Sapphire ang kanyang plano, ang maghiganti sa kanyang asawang si Dexter, at sa kanyang kakambal na si Emerald. Nais din niyang hanapin, ang batang iniluwal niya, na pinalabas nilang patay, bago siya makulong. Ngunit pagdating niya sa kanilang bahay, ang isang lalaking gwapo, at hinahangaan ng lahat, ay naroroon, si Ezekiel Briones, na may bitbit na anak. Hindi niya mawari sa kanyang sarili, kung bakit ang pakiramdam niya sa lalaki, ay inaakit siya, at yun naman ay pinayagan ng kanyang puso. Saka pa lang malalaman ni Dexter, na nagkamali ito, at nais ayusin ang kanilang pagsasama.. Sino ang pipiliin niya? ang dati niyang minamahal, na pinahirapan siya, o ang gwapong si tito Ezekiel, na hindi niya malaman kung seryoso sa kanya?
Romance
1029.5K viewsOngoing
Show Reviews (22)
Read
Add to library
nehj ollav
wag mo igaya sa character ni Maureen SI sapphire na ito uto,sana nmn Yung lumalaban,,tsaka bakit ba lagi iniisip Yung matanda babae,ipagpilitan pa wag maghiwalay DBA nya naisip mga pinagdaanan ni sapphire,at bakit di nya alamin bakit nakulong SI sapphire
Angel Broadway Pitt
damihan nyupa po ang update Dito author, sana Malaman na nla Sapphire at Ezekiel na anak nila si Liam at sna magka aminan na tlaga ng feelings.. hwag na masyado pahirapan c Sapphire author lage Nalang cyang pinapahirapan sa kwento, bigyan nyu din po ng Kaligayahan ang puso nya..
Read All Reviews
CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

Kasal na lamang ang kulang para maging tunay na Madrigal si Mia Buenaflor. Nine years niyang naging nobyo si Alonzo Madrigal at inaakalang ito na ang kanyang the one. Ang lalaking maghaharap sa kanya sa simbahan lalo na at ito ang kanyang pinakamamahal. Hanggang sa natuklasan ni Mia ang panloloko ni Alonzo. Her world shattered the day she discovered Alonzo's betrayal—a hidden affair—with consequences that would change her life forever. Hanggang sa nalaman niya na ang babaeng dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang fiancee ng kapatid nitong si Nicholas na si Gemma. Dahil sa pagmamahal kay Alonzo ay pumayag si Mia sa inalok na kasal sa kanya ni Nicholas. Gusto niyang magsisi si Alonzo sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Gusto niyang ipakita sa lalaki na hindi lang ito ang lalaki sa mundo pero hanggang saan siya dadalhin ng pagkukunwari nila ni Nicholas kung mukhang nagmamahalan naman si Alonzo at Gemma? Mapapanindigan niya kaya ang kasal niya kay Nicholas gayong napapalapit na rin siya sa lalaki? Sino ang pipiliin niya sa magkapatid? Ang lalaking nine years niyang minahal pero niloko siya o ang lalaking ibinigay sa kanya ang pangalan at itinayo ang kanyang dangal?
Romance
9.333.7K viewsOngoing
Read
Add to library
NOTORIOUS

NOTORIOUS

Assassin code: Exposing yourself means death. Well known for being a killer. A killer who killed by order. An order to be executed quickly. But, what if the order is a trap? A trap to execute the notorious assassin from being exposed to the enemies. Code Zyrex and Agent Xero are two different people from different sides, both skilled in their field. An assassin and a detective on the same mission. A mission to kill and to capture. What if during their mission, they meet the spectacular beggar? Pasens’ya na spectacular daw talaga siya. Meet Reyna Anastacia Goldenhand, kung gaano kaganda ang pangalan niya, ganoon naman kapangit ang pamumuhay niya. Isang pulubi na laging problema ang pagkain sa araw-araw, nakatira sa isang improvised tent, sako na bubungan at karton na higaan. Tulad ng kan’yang pangalan, siya ang reyna ng lansangan at tulad ng kan’yang apelyido, ginagamit niya ang bilis ng kamay upang mabuhay. Paano kung malagay siya sa isang sitwasyon na hindi lang pagkain ang problema niya? Isang problema na sangkot ang dalawa at nadamay lang talaga siya. “Kapag namatay ako na kumakalam ang sikmura... hihilahin ko kayo sa impyerno!” Reyna Anastacia Goldenhand.
Mystery/Thriller
1029.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

aranew
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
Romance
1024.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Affair Bk.2  Make me Yours

The Billionaire's Affair Bk.2 Make me Yours

BLURB Sophia  dreams to be a famous fashion designer kaya naman nag-apply siya sa Bella, ang kumpanyang pag-aari ng limang sikat na bilyonaryo sa bansa. Trabaho lang naman ang hangad niya para makatulong sa pamilya niya pero nag-iba ang lahat ng pumasok sa eksena ang amo niya, si Hendrix James Saavedra. Hindi niya ito pinapansin dahil na rin sa kawalan ng tiwala sa mga lalaki. Man hater kung ituring niya ang sarili niya pero mukhang hindi ito uubra kay Hendrix. Unti unti na siyang nahuhulog kay Hendrix, ngunit dahil sa isang pangyayari ay nagawa ng lalake na pagsamantalahan siya. Makalipas ang tatlong taon ay bumalik ang bagong Sophia Angeles. Ang nagmamay-ari ng kumpanyang na nais kalabanin ang Bella. May pag-asa pa bang maging maayos ang relasyon nila kung para sa kanila ay kaaway na ang turing nila sa isa’t- isa?
Romance
1028.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Little Trophy

My Little Trophy

Baby maker for hire! Iyan ang trabahong inaplayan ni Amber dahil sa larong truth or dare. At mukhang sigurista si Dark Indigo dahil bukod sa isang gabing namagitan sa kanila ay gusto pa nitong subukan ang artificial insemination. Naloko na! Wala tuloy siyang choice kundi makipaglaro ng habul-habulan at tagu-taguan sa binata. Ngunit makalipas ang ilang taon, muli silang natunton. At lalong nagulo ang lahat nang lumantad si Ash Blumentrint, ang tiyuhin ni Dark. Ipinagpipilitan nitong siya ang tunay na ama ng bata. Saan patungo ang triangulong umiikot sa agawan ng karapatan sa bata? At mapanghahawakan nga ba ang karapatan kung pag-ibig ang pag-uusapan? O mangigibabaw ang dinidikta ng puso kahit ito ay makasarili at mali?
Romance
1030.7K viewsCompleted
Read
Add to library
A Night With Zuigi Scott

A Night With Zuigi Scott

Chynna Holland, is a province girl a full of dreams. Ngunit ang pangarap niyang ito ay wawasakin ng kaniyang ama-amahan ng walang awang ipang bayad siya nito ng utang sa isang negosyanteng pinagkakautungan nito. Dinala siya nito sa isang bar kong saan uso ang pag bid ng mga babae para ma-i-take-out lamang. Isa si Chynna sa napiling ipa bidding ng gabing 'yon kong saan makikilala niya si Luis ang kaibigan ni Zuigi Scott, isang bilyonaryong may problema sa kaniyang pagkakalaki at si Chynna ang ibibigay na regalo nito para sa kaniya. Paano kong ang isang gabi ay nag bunga??
Romance
1018.5K viewsCompleted
Read
Add to library
DESPERATE MOVE

DESPERATE MOVE

“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…” “Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang. Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose. Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan. Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon? Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
Romance
1020.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status