AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS
"LEO, MAGDIVORCE na tayo…”
***
Ang pakikipagdivorce sa asawa ni Hyacinth Dominguez ay isang napakahirap na desisyon. Pero paulit ulit na lang siyang nasasaktan. Marami na siyang tiniis at isinakripisyo para kay Leo Cantavieja na siyang mahal na mahal niya. Kailanman ay hindi nasuklian ang pagmamahal niyang iyon.
Dahil isa lang naman siyang pamalit sa kapatid niya. Hindi naman talaga dapat si Hyacinth ang pakakasalan ni Leo, pero ganoon ang nangyari sa huli dahil naglaho ang kapatid niya bigla. Akala ni Hyacinth, magiging masaya siya at mapapasaya niya rin si Leo. Pero mali siya… dahil isang substitute, plain at naturingang ‘ugly duckling’ lang siya sa paningin ni Leo. Hinding hindi niya matatapatan ang kapatid niya sa puso nito.
Pero paano kung isang iglap, binura ni Hyacinth ang imahe niya bilang ugly duckling sa mga mata ng tao at ni Leo? Paano kung magbago ang ikot ng mundo bigla at si Leo naman ang naghabol bigla sa kaniya?